CHAPTER 25: DECORATING MY ROOM

28 19 15
                                    

ROSE POV

Halos alas otso na ng gabi ng makauwi kaming anim.

Naabutan naman naming silang lahat na kumakain na kasama si Manager Oh. Patakbong lumapit naman si Johnny sa kanilang lahat.

"Manageeeeer! Tirahan niyo kami ng pagkain, gutom na gutom na ako" nagmamaka awang lumapit ito kay Manager.

Nagtawanan naman ang lahat dahil sa ginagawa ni Johnny dahil nagmamadali din kasi itong ilapag ang mga pinamili namin sa sahig at hindi mapakali dahil sa dami ng pagkain sa mesa.

Narito pa din kasi ang BTS, ASTRO, at ang buong miyembro ng NCT kaya madami-dami ang binili ni Manager na pagkain para sa aming lahat.

Napuno ng tawanan, asaran at pikunan ang hapunang ito. Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon dahil narito ang lahat ng mga kaibigang itinuturing ko ng pamilya, nakakalungkot lang dahil wala dito sina Lola't Lolo.

Hindi pa natapos ang masayang kainang ito dahil ng matapos naming kumaing lahat ay nag-aya sina Jin at Suga na mag-inuman na siyang agad naman nilang sinang ayunang lahat.

Karamihan sa mga nag-inuman ay ang mga nakatatandang miyembro ng bawat grupo at ang mga nakababatang miyembro ay abala naman sa paglalaro ng mga video games, cards at panunuod ng mga movies.

Halos maghahatinggabi na ng mapagdesidyunan ng BTS at ASTRO na umuwi dahl hinahanap na sila ng kani kanilang Boss at ang iba naman ay may practice pa bukas.


"Waaaah (༎ຶ ෴ ༎ຶ)..... Ayoko pang umuwi eh" mangiyak ngiyak na sabi ni Sanha habang yakap yakap sina Yang Yang at Jisung.

"Okay lang yan may next time pa naman diba Rose Noona?" nakangiting tanong sa akin ni Jisung.

"Oo naman!" masayang sagot ko sa kanila.

"Rose-ah ba bye, I will miss you so much! Ngayon pa lang miss na kita" mangiyak ngiyak ding sabi ni Kim Taehyung sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Mukhang napadami to ng inom ah =_=

Sumunod naman ang pinsan kong si Dodong sa ginawa ni Taehyung at niyakap din ako ng mahigpit.

Amoy alak din tong isang to =_=

"Mukhang may nga mapapagalitan pag-uwi ah HAHAHAHA" natatawang pang-aasar ko kay Kim Taehyung at Dodong.

"Hindi yan....... Nandiyan naman si Namjoon Hyung para iligtas kami sa sermon ni Bang PD-nim" sagot ni Taehyung habang binibigyan ng mapang asar na tingin ang lider nilang si Namjoon.

"May magagawa pa ba ako?!" naiinis na sagot nito sa ka miyembro.

"Bye Dodong, goodluck sa inyo pag-uwi" humiwalay naman ito sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako ng masama.

"Oh, anong tingin yan? Sabi ko lang naman good luck sa pag-uwi ah HAHAHAHA" pang aasar ko sa pinsan ko.

"Ikaw kasi eh, huwag kang manakot ng ganyan"

"Ba't kasi uminom ka? Ang alam ng boss niyo hindi ka umiinom, kaya patay ka!".

Continuing Our Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon