CHAPTER 34: REVELATION: PART 1

30 18 15
                                    


TAEYONG POV

Sandamakamak na mga tanong ang ibinabato sakin ngayon ng mga ka miyembro pero ni isa sa mga ito ay wala kong sinagot kasi ang kukulit nila, paulit ulit pa.

(>0<;)

Tinignan ko naman ang kanina pang walang imik na pinsan ni Rose na si Eun Woo kaya tinatawag ko ito.

"Eun woo!"

"Yes? Hyung?" halos mapatalon ito sa gulat ng tawagin ko siya.

"Hmm. May problema ba?"

"Ahh...hahahaha... wala Hyung.... Nabigla lang ako. HAHAHA!"

"Sorry, kung hindi namin nasabi sa inyo agad lalo na sayo."

"Ayos lang Taeyong Hyung. Ang akin lang, siguraduhin mong mapoprotektahan mo siya, hindi basta bastang babae ang naging karelasyon mo hyung."

O_o

Hindi basta bastang babae? Bakit?

(●__●)

Don't tell me. Alam niya na na si Rose ang nawawalang apo ng CEO.

"Wait. Alam mo?!" bulong kong tanong sa kanya at hinatak ang braso niya papunta sa gilid ng restaurant na ito upang hindi marinig ng mga kasama namin.

Nakita kong kumunot ang noo nito at nagulat sa sinabi ko.

"HYUNG!" hindi makapaniwalang tawag niya sa akin, para bang nagkaka-intindihan kami at nababasa ang utak ng isa't-isa. "Oo, pero ikaw pano mo nalaman!" nakita kong kinakabahan ito dahil sa sinabi ko.

"Oo, kanina ko lang nalaman ng pumasok ako sa opisina ng CEO tapos ---------" tinakpan nito ang aking bibig at nagulat ako dahil sa sinabi niya

"Hyung, don't you dare tell Rose anything about this."

('⊙ω⊙')!

"Bakit?!"

"Basta!" Inis niyang sabi at umalis na sa harap ko. Sinundan ko naman ito ng tingin hanggang sa makalabas, nakita kong may sinabi pa ito kay Rose na ikinagulat nito. Sumunod naman din palabas ang mga ka miyembro niya.

"Rose!" lumingon ito agad sa aking gawi ng tawagin ko ito, kitang kita ko ang lungkot ng kanyang mukha at nang magtama ang aming mga mata ay bumuhos muli ang kanyang mga luha kaya nagmamadaling tumakbo ako at niyakap ito. Halos humagulgol ito sa akin ng yakapin ko siya ng mahigpit.

"Tyong... Nasaktan ko siya.. nasaktan ko ang best friend ko.... Ang sakit. Ang sakit sakit."

"Ssssh. Tahan na! Tell me what happened?"

Kinuwento niya sa akin ang nangyari sa kanilang dalawa kanina. Ngayon ko lamang nakitang umiyak ito ng ganito sa harap ko kaya halos mawarak ang puso ko ng makitang nasa ganto siyang sitwasyon.

"I'm sorry Rose, kasalanan ko lahat kung bakit nararanasan mo to ngayon. Patawarin mo ako Rose"

"Tyong! Wala kang kasalanan."

"Kasalanan ko to Love eh, dapat umpisa pa lang hindi na ako lumapit pa sayo mukhang ako ang dahilan kung bakit ito nangyayari."

"Hindi totoo yan, ikaw ang pinaka magandang dumating sa buhay ko Lee Taeyong. Hindi ako magsisisi kailanman na ikaw ang pinili ko, ikaw ang lalaking gusto kong makasama habambuhay!"

Para hinaplos ang puso ko ng marinig ang mga salitang ito sa kanya. Muli ko itong niyakap at hinalikan sa kanyang noo.

"Thank you for choosing me, I promise na hinding hindi kita sasaktan at papatunayan ko na hindi ka nagkamalai sa pagpili sa akin Mahal ko." naramdaman kong unti unting inilalapit sa akin ni Rose ang kanyang mukha kaya dahan dahang inilapit ko din ang aking mga mukha ng sumigaw ang mga kasama ko.

Continuing Our Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon