CHAPTER 41: THE TRUTH

32 18 15
                                    


ROSE POV

Patuloy na bumuhos ang mga luha kong hindi ko na alam kung saan nang gagaling.

Mabilis lang na natapos ang kasiyahang iyon para sa kanila dahil sa eksenang nangyayari kanina.

Nandito ako ngayon sa sarili kong kwarto at hindi ako makatulog dahil sa walang tigil na pag-iyak ko.


"ROSE FERRER! TUMIGIL KA NA PLEASE LANG, SINASAKTAN MO LANG ANG SARILI MO!" umiiyak pa ding sabi ko sa sarili ko.

"ROSE FERRER! ALAS SINGKO NA NG MADALING ARAW! TUMIGIL KA NA! SIYA NA MISMO NAGSABI DIBA? BREAK NA KAYO! SO PLEASE! TUMIGIL KA NA!"


Para na akong baliw dito sa sitwasyon kong ito dahil umiiyak na kinakausap ko ang sarili ko. 

Sobrang kirot ng puso ko ngayon, gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa kaya't kagat kagat ko nalamang ang unan at doon umiiyak ng malakas. Hindi ko alam na may gantong uri ng sakit, napaka sakit na para na akong mamatay. 

Kung alam ko lang na ganto ka sakit ang magmahal ng sobra, eh di sana hindi ko nalanang hinayaan ang tanga kong puso na magmahal. Pero hindi ko din naman masisi ang sarili ko dahil kahit na noong mga panahong kami pa ni Taeyong ay  naging sobrang masaya ako, saya na sa una lang pala masarap.

Mabilis na tumakbo ang panahon dahil mahigit tatlong buwan na ang lumipas simula ng araw na harap harapang hiniwalayan ako ng lalaking akala kong siya na. 

Sa loob ng tatlong buwang ito ay itinuro sa akin lahat ni Lolo ang mga dapat at hindi dapat gawin sa kompanya. Mangha mangha ang lolo ko dahil sa bilis kong natutunan ang mga ito. 

Sa tatlong buwang ito ay binuhos ko ang buong atensiyon ko sa pag-aaral ng lahat ng may kinalaman sa pagpapatakbo ng kumpanya. 

Hinayaan na din ako ni Lolo na ibigay sa akin ang posisyon niya dahil upang masanay na daw ako. 

Marami ang nagsabing nag-iba daw ako, ang dating masayahing Rose Ferrer na kilala nila ay naging Yelo na sa lamig ng pakikitungo ko sa mga ka-trabaho ko. 

Hindi ko naman iyon napapansin dahil sa loob ng tatlong buwan na iyon ay binuo ko muli ang sarili ko, ang bago at mas better na ako.

Narito ako ngayon sa office ko kaharap ang sandamakmak na gawain ngunit wala lang sa akin ito dahil sanay na sanay na ako. Kahit gabi ay ginawa ko ang mga ito dahil alam ko sa sarili ko na sa oras na mabakante ang oras ko ay eto na naman ang tangang mga luha na kusang umaagos sa mga mata ko. 

Nakikita ko namang masaya si Lolo dahil naging mas mataas ang mga sales na natatanggap ng kumpanya simulan ng iluklok ako bilang CEO at si Lolo naman ang naging CHAIRMAN. 

Nakaka inis lang dahil kahit siguro anong iwas ko sa kanila ay patuloy na nakikita ko lamang ang mga itsura nito sa t.v, magazines, balita at mga posters dahil naasa iisang kompanya lang naman  kami nag tatrabahong lahat, ang kaibahan lang ako na boss nilang lahat. 

Ni isang balita ay wala akong alam sa kanila dahil itinalaga ko ang NCT 127 sa sekretarya ko upang siya ang mag asikaso sa lahat ng may kinalaman sa grupong iyon. 


"Ms. Kim, maaring bang paki asikaso naman din ang Red Velvet sa darating nilang comeback this month!" seryosong utos ko sa sekretarya ko habang isa-isang pinipirmahan ang mga documents na nasa mesa ko.

"Ms. Ferrer sorry po, hindi ko po siguro maasikaso yan ngayon dahil sunod sunod po ang mga World tours ng NCT 127 ngayong linggo at ngayong araw din po ang dating nila dito sa Korea galing Canada" nakayukong sabi nito sa akin.

Continuing Our Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon