Chapter 15 | Picture

70 12 0
                                    


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───

KINABUKASAN ay maaga akong pumasok kahit wala namang klase, balak ko kasing tumambay muna sa library upang makapagbasa ng libro tungkol sa Psychology.

Pakiramdam ko kasi nangangalawang na ang utak ko dahil hindi na ako gaanong nakakapagbasa, marami kasi ang nangyari nitong mga nakaraang buwan at pakiramdam ko ay bitbit ko rin iyon dahil ang mga kaibigan ko ang sangkot. Mabuti na lamang at narito si Hunter upang kahit paano ay mapagaan ang sitwasyon.

"A penny for your thoughts?"

Umangat ang tingin ko sa lalaking nagsalita. Base sa hitsura ng uniform niya masasabi kong galing siya sa College of Veterinary Science and Medicine. Siguro ay nasa senior year na siya dahil iba na ang tindig niya, mas mature na kasi siyang tingnan.

Bumaba ang tingin niya sa librong hawak ko kaya bumaba rin ang tingin ko doon. Ngayon ko lang ulit naalala na nagbabasa nga pala ako at walang kahit na ano ang pumasok sa isip ko dahil maya't maya akong nahuhulog sa malalim na pag-iisip.

"Can I sit here?" he asked.

Inikot ko ang tingin ko sa buong library at nakita kong puno na iyon at dito na lang sa table ko ang bakante kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumango.

"I'm Cid, senior CVSM student and the council's Governor. Palagi kitang nakikita sa Building namin, kasama ang Junior na si Hunter Alcazar. Is he your boyfriend?"

Gusto ko sana siyang irapan dahil napakaingay niya ngunit hindi ko iyon ginawa dahil higher year na siya at iginagalang ko sila kaya kahit labag sa loob ko ay sumagot ako.

"Yes," sagot ko, mahina lang iyon pero alam kong narinig niya naman. Ipinagpatuloy ko na ang pagbabasa, medyo nakukuha ko naman na ang mga nakasulat doon subalit napahinto ako ulit nang magsalita siyang muli.

"Hindi ka man lang ba magpapakilala?" he asked.

"Solana," I forced a smile before averting my attention toward my book again.

"I am pleased to finally meet you, Solana," he said.

Umangat muli ang tingin ko sa kanya at sumalubong sa akin ang matamis niyang ngiti. Hindi naman maipagkakailang gwapo siya pero mas gwapo pa rin para sa akin ang boyfriend ko.

"Mi amore," naputol ang pagtingin ko sa lalaki nang biglang umupo sa tabi ko si Hunter. Hindi ko na kailangan pang lingunin iyon dahil rumehistro na sa ilong ko ang amoy niya.

"Gov," dinig kong usal niya bago ilapit sa akin ang bangko niya kaya bigla akong napalingon at halos malagutan pa ako ng hininga nang makita ang lapit ng distansya naming dalawa.

"Hindi ko alam na papatulan ka ni Solana, Hunter," mapang-uyam na saad ni Cid kaya agad akong napalingon sa kanya at kinunutan siya ng noo. "She seems so descent for you," lumipat ang tingin niya sa akin kaya pinukol ko siya ng masamang tingin.

Ang paggalang na meron ako para sa kanya ay tila naglaho na parang bula, hindi ko gusto ang mga salitang binibitawan niya.

"Yes, she's descent and precious," ibinalik ko ang tingin ko kay Hunter na ngayon ay mariing nakatitig kay Cid. "Hindi ko deserve ang katulad niya," hinawakan ko ang kamay niya upang matigil siya sa pagsasalita ngunit hindi pa rin naman siya tumigil, sa halip ay nginisihan niya pa si Cid.

"Pero hindi ba doon mo masasabi kung gaano niya ako kamahal? Tanggap niya ako kahit sino pa ako, hindi ako disente at matalino kagaya mo pero alam mo ba kung ano ang edge ko na wala sa'yo? Ako kasi alam ko kung paano rumespeto at gumalang sa kapwa ko," usal niya na naging dahilan kung bakit gumuhit ang ngiti sa labi ko.

Bewitching The Furious FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon