Chapter 17 | Ember

59 10 0
                                    


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───

KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Masakit ang mga kasu-kasuhan ko at maging ang pagkababae ko. Muling nanariwa sa isipan ko ang nangyari kagabi, lumipat ang tingin ko kay Hunter na payapang natutulog sa tabi at katulad ko ay tila pagod na pagod rin.

Kumuha ako ng damit sa aparador ko at dumiretso sa banyo upang maligo na, pagkatapos ay pumunta na ako sa kusina para makapagluto.

Pinakawalan ko ang malalim na buntong-hininga nang maalala ko ang nangyari. Kahit wala akong pagsisisi na ibinigay ko ang bagay na iyon kay Hunter ay hindi pa rin maipagkakaila na mali ang ginawa namin. Mga bata pa kami at nag-aaral pa lamang, hindi dapat kami nagpadala sa tawag ng laman.

Inilalapag ko na sa lamesa ang mga pagkain nang maaninag ko si Hunter, magulo pa ang buhok niya subalit tulad ko ay nakabihis na rin siya.

Nagsalubong ang tingin namin ngunit agad rin siyang umiwas at hindi nakaligtas sa akin ang pamumula niya. Bakit ba kung makaasta siya ay parang pinagsamantalahan ko siya? Bakit ba parang sa aming dalawa ay siya pa ang walang karanasan, gayong kung ibabase sa mga galaw niya ay alam kong hindi iyon ang unang beses na ginawa niya iyon.

"Kumain na, h'wag ka ngang maarte!" sambit ko at naghila na ng upuan.

Kanina ko pa talaga gustong maupo dahil nananakit ang katawan ngunit hindi ko naman maiwan ang ginagawa ko kaya tiniis ko na lang.

"Mi amore, kasi... ahm–"

"Nagsisisi ka ba?" I spat.

Mukha siyang tanga na halos hindi makatingin ng diretso at hindi makalapit sa akin.

Mabilis siyang napailing-iling, "Hindi!" sagot niya.

"Ikaw? Nagsisisi ka ba?" he asked me.

"Hindi," I said.

Tila nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi ko.

Hindi naman talaga. I don't have any regret at all. Sinasabi ng isip ko na mali ang nagawa namin ngunit animong nawalan naman ng lugar ang pagsisisi sa akin.

"Akala ko kasi pinagsisisihan mo. Pero gusto kong humingi ng tawad kasi sinamantala ko ang pagiging vulnerable mo kaga–"

Itinaas ko ang kamay ko upang matigil siya, "Ginusto ko iyon, Hunter. Kumain ka na diyan para makapaglinis na ako ng bahay," saad ko.

Linggo ngayon at nakatakda sa araw na ito ang paglilinis ko, nakakahiya naman kay Mama kung madadatnan niyang marumi ang bahay. Kailangan ring malabhan ang bedsheet at kumot ko ngayon.

"Ako na, kailangan mong magpahinga," sabat niya bago nagpatuloy sa masiglang pagkain.

TRUE to his words, si Hunter nga ang naglinis ng bahay habang ako ay nakatayo sa gilid at itinuturo kung ano ang dapat niyang gawin. Tulak dito, tulak doon, buhat dito, buhat doon ang nangyari.

"Hep! Kaya mo bang buhatin 'yan?" tanong ko nang akma niyang bubuhatin ang vase ni Mama na nasa may salas.

Namana pa niya iyon sa mga magulang niya kaya todo ingat siya doon, kung maaari nga lang ay hindi niya iyon ipapabuhat, kaya lang kailangan kasing ilipat iyon sa bandang gilid upang medyo lumuwang ang espasyo ng sala.

"Ikaw nga, nabuhat ko kagabi. Ito pa kaya," sambit niya at binigyan pa ako ng mapaglarong ngiti.

Pagkakataon ko naman iyon upang pamulahan ng mukha dahilan upang mapahalakhak siya.

"Tumahimik ka nga!" pagalit kong saad ngunit hindi naman siya tumigil kaya wala rin akong nagawa kundi sarilinin na lang ang inis.

"What do you want for lunch?" I asked him.

Bewitching The Furious FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon