Chapter 22 | Laughter

78 9 0
                                    


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───

4 years later
Manila, Philippines

God had chosen to bring the sun in response to the oppressive storm that devastated the bustling city of Manila. Despite the odor of traffic, the sky was painted in an uninterrupted shade of baby blue, and there was a faint scent of freshness in the air. I grinned, it seemed that the city's liveliness has at last recovered.

"Solana!"

Napairap ako sa hangin nang makita ang kotse ni Xavier sa gilid ko. Ibinaba niya ang bintana at tinanaw ako.

"Ina-appreciate ko ang ganda ng tanawin tapos bigla kang sisingit," I grunted.

"So grumpy!" he chuckled. "C'mon, hop in! We have a lot of errands to run," he said.

Binuksan ko ang sasakyan niya at sumakay doon. Gusto ko sanang mag-exercise at damhin ang pang-umagang hangin, kaso minsan talaga wrong timing ang pagdating ni Xavier.

"Where are my babies?" he asked.

"Who you?" I asked mockingly.

Marahas siyang lumingon sa akin, "I am their godfather!" asik niya.

"Really? Ipaalala mo nga sa akin kung bakit kita kinuhang ninong nila?"

Nangunot ang noo niya halatang naaasar na, "Nawiwili na sa'yo si Sapphire ha! Mag-anak ka na! Aagawan mo pa ako ng atensyon mula sa mga anak ko," usal ko.

Apat na taon na ang kambal at nagsisimula na rin silang pumasok sa school. Marami ang nangyari sa loob ng apat na taon at aaminin kong hindi naging madali ang mga taon na iyon pero dahil kina Sapphire at Amethyst ay nagagawa kong kayanin ang lahat.

"Nag-eenjoy lang sa akin si Sapphire kasi maraming stock ng ice cream sa pad ko," saad niya.

"Ayaw niya kasing kumain ng gano'n sa bahay kasi raw baka mainggit sa kanya si Amy," malungkot kong sambit.

Xavier shifted on his seat, "Have you eaten?" he smiled.

Pinanliitan ko siya ng mata, "That's odd," I muttered.

"What?" he asked.

"You look so vibrant today."

"Of course, maganda ang araw kaya maganda rin ang mood ko."

I rolled my eyes at him, "Hindi lang ito ang araw na maganda, Xavier. Sabihin mo sa akin, masaya ka ba dahil alam mong parehas na kayo ng lupang tinatapakan ni Selene?" I asked.

"No!" depensa niya, "I'm planning to get even, Lana! Kung iniisip mo na may gusto pa rin ako sa kanya, mali ang iniisip mo."

"Hindi ko naman iniisip 'yon!" asik ko bago siya tiningnan ng mabuti, "Ang sabihin mo, ikaw ang nag-iisip ng gano'n."

"I don't love her anymore," he lied.

"Hindi mo ako maloloko! Kung hindi mo na pala siya mahal, bakit kinuha mo ang number niya at tinawagan siya bago ang flight niya pauwi dito? Bakit pinaimbestigahan mo pa siya? Stop fooling yourself, Xavier. Stop with your plan dahil baka sa huli, ikaw ang malunod," I told him.

Huminto ang sasakyan at sabay kaming bumaba doon, binati kami ng guards at ng mga tao sa front desk bago kami pumunta sa executive elevator.

"Hindi si Selene ang dahilan kung bakit ako masaya, Lana," he said.

Mukhang hindi pa rin siya tapos, mukhang pati siya ay kinukumbinsi ang sarili niya na hindi nga talaga si Selene ang dahilan kung bakit nagbabagong muli ang emosyon niya.

Bewitching The Furious FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon