─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
Isang taon na ang matulin na lumipas subalit magkasama pa rin kami ni Hunter. He's very patient and understanding. Alam niya lahat ng priorities ko kaya't hindi siya gaanong nagde-demand ng time, iniisip ko na parang may mali, parang hindi tama pero ipinagsawalang-bahala ko ang bagay na iyon.
I should erase all of the negative thoughts inside my head and replace them with positivity.
Narito kami ngayon sa bahay ni Xavier at kasulukuyang nagse-celebrate para sa nakamit niyang parangal, "I really am proud of you, Kuya," I said, emphasizing the word that he had always wanted to hear.
"Much better, Solana," he smiled sweetly.
Sabi niya noon, gustong-gusto niya talagang magkaroon ng kapatid na babae pero dapat mas bata sa kanya. Ayaw niyang hilingin 'yon sa mga magulang lalo pa at gano'n ang sitwasyon nila. Kahit ngayon naman na annulled na si Tito Lorenzo sa una nitong asawa at legal na asawa na nito ang mommy niya ay mababa pa rin ang tingin sa kanila ng tao, that's maybe the reason why he became distant and snobbish to other people.
Bumalik kami sa salas pagkatapos kuhanin ang ilang snacks sa kusina. They were all laughing and giggling, nanunuod kasi kami ng movie sa sala nila.
May laboratory sina Hunter ngayon, medyo busy na rin dahil nga patapos na naman ang second semester, actually tapos na nga kami at bukas nga ay plano na naming umuwi.
Sila Hunter ay nag-extend pa ng one week sa klase, kaya't mananatili pa rin siya dito. Kakatapos lang ulit namin na i-celebrate ang birthday niya. This time we went to Tarlac's sunflower farm. Meron naman ding Sunflower farm dito sa CLSU pero sabi niya nagsasawa na raw siya dito kaya do'n kami pumunta. Hindi naman nakakapagsisi dahil sobrang ganda talaga, nakipag-bonding rin ako sa pamilya nila at talaga namang napakasaya ko.
Well, lagi naman niya akong napapasaya kahit maliit na bagay lang naman ang ginagawa niya. Tuwing bakasyon halos five times a month kung magkita kami, minsan nga nagugulat na lang ako kapag nagising ako ay makikita ko siya sa kusina na kumakain o kaya naman ay tinutulungan si Mama na magluto.
Iyon din ang madalas na maging sanhi ng pag-aaway namin minsan, ayoko kasing bumabiyahe siya ng sobrang aga o kaya naman ay sobrang gabi, iba na kasi ang panahon ngayon at sobra akong nag-aalala para sa kanya.
Matapos ang celebration ay umuwi na kami agad, pansin ko ang pagiging balisa ni Selene mula kanina kaya sinabihan ko siyang kausapin ako pero hindi iyon natuloy dahil dumating dito ang isa sa mga miyembro ng pamilya nila at sinundo siya.
KINABUKASAN, maaga rin akong umuwi sa Gapan, nagpaiwan pa muna si Stella dahil may kailangan pa raw siyang asikasuhin sa school. Sinundo naman ako ni Mama gamit ang nirentahan niyang pick up para doon na rin isakay ang mga gamit ko. Nakarating agad kami sa bahay at katulad ng nakasanayan, parati na naman kaming magkausap ni Hunter sa telepono.
"Pupunta ako diyan bago umuwi sa Tarlac," he informed me.
Pumayag naman ako kaagad dahil gusto rin naman siyang makita ni Mama. Tuwang-tuwa kasi si Mama kapag nandito si Hunter sa bahay, bentang-benta sa kanya ang mga kwento at mga biro nito. Iyon rin ang dahilan kung bakit gusto ko siyang pumupunta rito, napapasaya niya kasi si Mama at para sa akin ay malaking bagay na iyon.
HUWEBES na at bukas pagkatapos ng klase ay uuwi rito si Hunter kaya mamamalengke kami ni Mama ng mga lulutuin namin bukas.
"Ma, ano bang lulutuin natin?" tanong ko kay Mama.
Ngayon na kasi kami maglilista ng mga bibilhin namin. Isasabay na rin kasi namin iyon sa paggo-grocery.
"Syempre ang paborito ni Hunter, bulalo," masiglang sambit ni Mama. Napasimangot ako at hindi iyon nakaligtas sa paningin niya, "Anong hitsura 'yan?" tatawa-tawang tanong niya.
BINABASA MO ANG
Bewitching The Furious Flames
عاطفيةSolana was cautious when it came to taking risks in love, influenced by the traumas that had shattered her beliefs about love. As a painter, she knew that not all of life could be painted in vivid colors. But when she met Hunter, her beliefs slowly...