─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
MAAGA akong pumasok ngayon dahil kailangan ko ng i-pass lahat ng requirements namin for the final term. Nakakatuwa nga kasi natapos ko na ang isang semester ng matiwasay at maayos.
"Congratulations, Solana," Miss Agapay said after I submitted my papers.
"Thank you, ma'am," I smiled.
Yumuko ako biglang respeto sa kanya. Nagpaalam na rin akong umalis na pinahintulutan naman niya.
Nakasalubong ko pa si Thea sa labas habang naglalagay ng staple sa papers niya. Napailing ako, malamang rush na naman ang gawa niya. Linapitan ko siya at tinulungang mag-ayos.
"Thank you, Lana. Teka lang 3 minutes na lang bago ang deadline. Sandali."
Halos madapa na siya sa pagtakbo upang maipasa ang papers niya. Napakahilig kasing mag-procrastinate kaya ganyan eh. Pinagsasabay-sabay niya kasi ang lahat ng requirements namin sa loob ng isang araw which is wrong, kapag gano'n kasi ang nakasanayan mong routine, malamang mahihirapan ka talaga. Kaya dapat gawin mo ang mga bagay one at a time, in that way mas magiging maganda ang outcome kasi hindi ka nagka-cram.
"Buti na lang umabot," humahangos na usal niya pagbalik niya sa harapan ko.
"Paano maging chill, Lana?"
"Hindi ako chill 'no. Sadyang naka-schedule lang ang mga dapat kong gawin kaya hindi ako nahihirapan. Try it, Thea, know your priorities and focus on your goals," I said.
"Oo na nga. Ini-enjoy ko lang naman kasi ang college life eh," nakasimagot niyang sambit.
"Meron namang time para mag-enjoy, Thea."
"Ang boring ng buhay mo. Tara na sa classroom," sabi niya at hinila na ako papunta sa classroom namin.
ILANG araw na rin simula no'ng ipinaalam ni Hunter na liligawan niya na ako, una na pala siyang nagpaalam kay Mama bago sa akin kaya hindi na nagulat si Mama noong kinuwento ko sa kanya ang nangyari.
Hindi naman nagbago ang nararamdaman ko para kay Hunter, kung tutuusin parang mas lalo lang iyong umiigting bawat araw lalo na kapag gumagawa siya ng paraan para pasiyahan ako.
I know how hard it is to be with me, I am very timid and reserved. Lahat ng galaw ko kalkulado ngunit hindi ko alam kung anong meron siya at napapalabas niya ang pagkatao kong hindi ko inaakalang nag-eexist pala.
FROM: Hunter Alcazar
Let's meet after class?TO: Hunter Alcazar
Yeah sure.Simula no'ng araw na iyon ay lagi na kaming magkasama. Every lunch o kaya naman may sabay kaming vacant, minsan nag-uusap kami o kaya naman nag-aaral. Masarap siyang kasama dahil madaldal siya, hindi ko nga namamalayan ang oras kapag magkasama kaming dalawa.
PAGKATAPOS ng klase ay nakaabang na si Hunter sa labas. Nakasandal siya sa pader habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng pantalon na suot niya.
Normal na araw lang naman pero parang ang gwapo niya sa paningin ko lalo na ngayon. He's wearing a sky-blue plain v-neck shirt plus his white jeans and his white reebok shoes.
"Hi there, my gorgeous lady," sambit niya ng makarating ako sa harapan niya.
"Saan tayo pupunta?" I asked him.
"Ewan ko, ikaw gusto mo pa bang umalis sa puso ko?" he winked.
"Corny," bulong ko at nagsimula ng maglakad upang itago sa kanya ang ngiti ko. Kinilig naman kasi talaga ako do'n pero hindi ko ipapaalam sa kanya iyon.
BINABASA MO ANG
Bewitching The Furious Flames
RomanceSolana was cautious when it came to taking risks in love, influenced by the traumas that had shattered her beliefs about love. As a painter, she knew that not all of life could be painted in vivid colors. But when she met Hunter, her beliefs slowly...