Chapter 13 | Sunflower

59 11 0
                                    


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───

ILANG oras pa kaming nanatili ni Hunter doon bago magdesisyong umalis dahil may kanya-kanya pa kaming klase. Isa na lang naman ang klase ko ngayong hapon samantalang siya ay may tatlo pa. Ang ilang professor ko kasi ay tinapos na ang mga exams last week kaya iilan na lang ang pinapasukan ko ngayon, mas marami ring time para matapos ko ang mga final requirements para sa iba kong subjects.

"Lana, kailan uwi mo?" tanong ni Selene habang busy na nagtitipa sa laptop niya. Gano'n din si naman si Stella may mga nakabantay pang mga libro sa gilid nila.

"Matatapos na ang klase ko sa miyerkules pero mag-iistay pa rin ako hanggang biyernes. Bakit ang dami niyan?" tanong ko sa kanila. Anim kasing libro ang nasa gilid nila, local and international novels ang mga iyon.

"Paano, hindi ito pinapasa no'ng nakaraan, pinagsabay-sabay ngayong final term kaya natambakan. Pero polishing na lang naman iyong sa amin ni Stella," sagot niya habang nakatutok pa rin ang mata sa laptop.

Halatang abala siya. Nilingon ko si Stella at seryoso rin siyang nakatutok sa laptop niya. Tumutunog pa ang mga keyboard nila dahil sa bilis ng pagtatype.

Hindi ko na sila muling ginulo pa, sa halip ay natulog na lang ako dahil wala naman akong gaanong gagawin.

HAPON na ng magising ako, nilingon ko ang dalawa at gano'n pa rin ang ayos nila. Ilang sandali pa ay biglang may kumatok sa pinto. Ako na ang nagbukas noon dahil ako lang naman ang walang ginagawa.

Bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Hunter, ngunit nang makita ako ay agad nagliwanag ang mukha niya.

"Hi, mi amore," he said before kissing my temple.

Pinapasok ko siya sa loob, may mga dala pa siyang mga paper bag kung saan nakatatak ang pangalan ng isang fast-food chain.

"Yey! Ayan na," masayang sambit ni Stella at pumapalakpak pa, "The best ka talaga," usal niya at nag-thumbs up pa kay Hunter.

"Naiinis ako sa inyo, may mga boyfriend kayo pero ako pa ang ginawa ninyong delivery boy," galit niyang usal matapos ilapag sa mesa ang mga dala niya.

"Asus, kunyari ka pa. Pwede ka naman sanang tumanggi pero hindi mo ginawa kasi gusto mo ring sumilay kay Solana," kantyaw ni Stella sa kanya.

"Pasalamat kayo nandito si Solana," nilingon pa ako ni Hunter at binigyan ng matamis na ngiti pagkatapos ay iniabot sa akin ang isang malaking paper bag.

Kunot-noo ko siyang tiningnan, "Ano 'yan?" I asked him.

"Open it."

Kinuha ko iyon sa kamay niya at mabilis na binuksan. Tumambad naman sa akin ang bilog na unan at may disenyong sunflower. May album din doon na puro sunflower at nang binuklat ko ay may iilang picture naming dalawa, marami iyon subalit marami pa rin naman ang bakante at maaaring punan.

Hindi ko tuloy mapigilan ang ngiti ko, paborito ko kasi ang sunflower. It is a special flower that spreads warmth and uplifts spirits. It stands for the things I wanted most: admiration, loyalty, and longevity. I genuinely need someone who will pledge to stay devoted to me in all circumstances.

"Para saan 'to?" I asked him.

"Para sa'yo," he chuckled. I glared at him, "Para sa'yo nga, nakita ko sa San Jose kanina tapos naalala kita. Gusto kong mapasaya ka kaya binili ko," he smiled, a very gentle smile.

"Thank you," I mouthed. "Ikaw ang may birthday pero ikaw pa ang nagregalo," sambit ko.

"Wala lang 'yon, wala naman akong pakialam kung meron o wala kang regalo, kasi presensya mo lang ay sapat na," He winked.

Bewitching The Furious FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon