─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
Hindi ko alam kung bakit pero imbes na gumaan ang loob ko ay mas lalo lang itong bumigat. Akala ko ay magiging okay na ako pagkatapos kong masabi sa kanya ang lahat pero mukhang nagkamali ako.
"Ginabi ka yata," anas ni Mama pagkatapos kong pumasok sa kusina at kumuha ng maiinom.
"May inasikaso lang po ako, nasaan po ang mga bata?"
"Nasa kwarto, ayaw pang matulog at hihintayin ka raw nila. Hinayaan ko na lang tutal ay sabado naman bukas."
Tumango ako at nagpaalam sa kanya bago ako pumasok sa kwarto. Nakaupo ang dalawa sa kama habang naglalaro ng mga stuffed toys na ibinili sa kanila ni Xavier, abalang-abala sila kaya hindi na nila napansin ang presensya ko doon.
"Hindi niyo man lang ba ako sasalabungin?"
Nag-angat sila ng tingin sa akin at sabay na bumaba ng kama upang tumakbo palapit sa akin. Sabay silang yumapos sa bewang ko habang humahagikgik.
"Momma, ano pong pasalubong mo?" tanong ni Sapphire habang kumikinang pa ang mga mata.
"Ibibigay ko pero may kapalit," sambit ko.
Nakangiti naman silang tumango at bakas ang excitement sa mga mukha nila. Kinuha ko ang cellphone ko at muling binasa ang text ni Hunter kanina noong nasa taxi ako.
FROM: Hunter Alcazar
I don't have any appointments for tomorrow, pupunta ako diyan. Kailan mo sasabihin sa kanila?TO: Hunter Alcazar
I will tell them tonight.FROM: Hunter Alcazar
Really? Can I come?TO: Hunter Alcazar
Not now, ayoko silang biglain.FROM: Hunter Alcazar
Okay. I'll see them tomorrow."Dapat makikinig muna kayo sa sasabihin ni Momma tapos bukas mare-receive niyo na iyong pasalubong ko," saad ko.
"Okay po," sabay nilang sagot.
Niyakag ko sila paupo sa kama at nakita roon ang cut-out na picture ni Hunter mula sa isang magazine.
"Momma, kapag six na ako papakasalan ko siya," sabi ni Sapphire habang nakangiti pa.
"Bakit mo naman siya pakakasalan?" I asked her.
"Kasi sabi nila, mabait daw siya," inosente nitong sagot. Hinaplos ko ang pisngi niya bago muling ibinaba ang tingin sa picture.
"Hindi ba sinabi sa inyo ni Momma na darating ang araw na uuwi si Papa sa inyo?" I told them, napalis ang ngiti nila at malungkot na tumitig sa akin. "Bakit? Ayaw ba ninyo siyang makita?" tanong ko.
"Momma, kapag po ba naging honest kami ay hindi ka malulungkot?" Amethyst asked.
My brows furrowed, "Bakit naman ako malulungkot?" I asked them.
"Sabi ni Lola, hintayin ka raw po naming magsabi sa amin kasi kapag nagtanong daw kami malulungkot ka. Ayaw po naming malungkot ka," sabi ni Amethyst habang nakayuko.
Mariin akong napapikit, iyon pala ang dahilan kaya hindi sila nagtatanong sa akin. Akala ko ay hindi pa lang pumapasok sa isip nila iyon dahil mga bata pa sila pero nagkamali ako. Inangat ko ang baba ni Amethyst at sinabing makinig silang mabuti sa sasabihin ko.
"Nagkaroon kasi kami ng hindi pagkakaintindihan ni Papa ninyo noon kaya hindi siya agad nakapunta sa inyo pero..." ngumiti ako sa kanila, "naayos na namin iyon ngayon at gusto niyang malaman kung gusto niyo raw ba siyang makasama bukas?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Bewitching The Furious Flames
RomanceSolana was cautious when it came to taking risks in love, influenced by the traumas that had shattered her beliefs about love. As a painter, she knew that not all of life could be painted in vivid colors. But when she met Hunter, her beliefs slowly...