─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
"Where are you going?" Xavier asked.
Nagpaalam kasi ako para mag-undertime dahil nagyaya si Stella ngayong araw. Hindi naman ako makatanggi dahil alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya at kailangan kong bumawi.
"Do I have to report everything to you?" I sneered.
Kumunot naman ang noo niya at maang akong tiningnan. "I am asking you as your boss and not as your brothe," he said, napipilan naman ako ng marinig ko iyon. Nakalimutan kong boss ko nga rin pala siya.
"Now tell me, where the hell are you going?" may diin niyang tanong.
"Nagyaya si Selene," I answered.
Umangat ang kilay ko nang mapansing bigla siyang napipilan ng marinig ang pangalan ni Selene.
"She is giving you a hard time, isn't she?" I mocked.
He blew a loud sigh before laying his back against his swivel chair, "It's a pregnancy thing, so I understand. You can go now, baka mapagalitan na naman ako mamaya kapag nalaman niyang hindi kita pinayagan," he said.
Tatawa-tawa naman akong umalis dahil halatang napipilitan lang siya. Marami kasi kaming trabaho ngayong linggo kaya nga balak kong mag-over time bukas para makabawi sa pag-alis ko ngayon.
ILANG sandali lang ay nakarating na ako sa hotel kung nasaan si Stella at Selene. Dito daw kasi namin ise-celebrate ang success ng album ni Stella, girls' night out kumbaga kaya lang maraming restrictions dahil sa kalagayan ni Selene.
Tinakbo ko ang distansya sa pagitan ko at ng elevator ng makitang sasara na ito. Mabilis ko naman iyong napigilan at pumasok doon habang naghahabol ng hininga.
"Solana... long time no see."
Agad kong nilingon ang babaeng nagsalita sa likuran ko at nakita ang mapang-uyam na ekspresyon sa mukha ni Eunica.
Itinuon ko sa kanya ang atensyon ko at binigyan rin siya ng mapang-uyam na ngiti.
"I haven't seen you for a while now, Eunica?" I said nonchalantly.
"Well, I've been very busy with Hunter. How about you? Kumusta naman ang pakikipaglandian mo sa kanya?" saad niya.
Bakas ang diin sa bawat salitang binibigkas niya at gumuguhit na rin sa mukha niya ang matinding galit. Mas lalong lumapad ang ngisi ko at sinigurado kong makikita niya ang sarkasmo doon.
"Okay naman, magaling pa rin siya," sagot ko.
Tumiim ang panga niya at nakita ko kung paano kumuyom ang kamao niya. Hindi ko alam kung tama bang makaramdam ako ng satisfaction dahil sa nakikita kong expression sa mukha niya pero iyon ang nararamdaman ko ngayon.
Tumunog ang elevator at bumukas iyon, sakto namang nakita ko sina Stella at Selene sa labas at halatang naghihintay.
Kaagad umasim ang mukha ni Stella nang mamataan si Eunica sa likod ko.
"Oh? The Drama Queen," she said sarcastically. "Kaya pala sumama ang hangin dito. My gosh Selene, close your eyes dahil baka mapaglihan mo 'yan, makuha pa ng anak mo ang kaartehan niya," she added.
"Stella nga!" saway ni Selene sa kanya bago lumapit sa akin at hinatak na ako papasok sa uukupahin naming kwarto.
"Hindi talaga ako napapanatag kapag nasa paligid iyong babae na 'yon!" Gigil na sambit ni Stella bago tuluyang ibagsak ang sarili sa sofa.
"She seems so pure and innocent," Selene mumbled while peeling some oranges.
"Solana seems pure and innocent too but..."

BINABASA MO ANG
Bewitching The Furious Flames
RomanceSolana was cautious when it came to taking risks in love, influenced by the traumas that had shattered her beliefs about love. As a painter, she knew that not all of life could be painted in vivid colors. But when she met Hunter, her beliefs slowly...