─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
[R-18]
FOUNDATION week ng University ngayon. Abala ang bawat department sa kani-kanilang pakulo. Next week naman ay holy week na at napag-usapan na namin ni Hunter na tutuloy kami sa isla nila para doon magpalipas ng isang linggo, wala siya ngayon sa University dahil may photoshoot daw sila noong pine-paired up sa kanya na rising star din.
Unti-unti ng nakikilala sa industriya ng showbiz si Hunter, laman na rin siya ng ilang pahayagan at kahit hindi pa man lumalabas ang series nila ay mayroon na siyang mga fans lalo na dito sa University. Masaya ako dahil malayo na ang nararating niya ngunit nalulungkot din naman ako sa tuwing iisipin ko na napapalayo na siya sa akin.
Bumuntong-hininga ako, at lumapit kay Stella. Malapit lang ang booth ng Department of Psychology at Department of English and Humanities kaya madali kaming magkita, naupo ako sa tabi niya at tumanaw rin sa mga estudyanteng masiglang bumibisita sa booth na inihanda ng bawat Department.
"Iniisip mo pa rin si Selene?" tanong ko, bihira namin siyang pag-usapan kahit sa boarding house pa. Lalo lang kasi kaming nalulungkot na dalawa, hindi na kasi siya bumisita sa Pilipinas at hindi ko rin alam kung saang lupalop ng mundo siya napadpad.
"Iniisip ko na unti-unti na tayong nababawasan," malungkot niyang saad.
"Si Selene, nagpunta na sa ibang bansa. Si Xavier, nasa business world na. Si Hunter, nasa showbiz industry na at bihira na lang din nating makasama. Natatakot ako Lana," tumigil siya sandali at tumingin sa kawalan, "Na baka isang araw kayong lahat wala na at ako na lang maiwan mag-isa," sabi niya.
Lumapit naman ako sa kanya at ipinalibot ang braso ko sa balikat niya, "People come and go, Stella. We don't expect someone to be with us for a lifetime, some may choose another path, some will stay but others will not. Pero kung sakali man na magkahiwa-hiwalay na tayo, alam kong dadating ang panahon na pagtatagpuin muli tayong lahat. You want to know why?" I asked her.
Itinutok niya ang buong atensyon niya sa akin at saka tumango, "It's all because we are bonded by the strong and sturdy thread called friendship," I smiled at her.
"Sure na ba 'yan? Baka hindi ka na naman niya siputin?" usal ni Stella habang ngumunguya ng pagkain.
Nasa Canteen na kami ngayon dahil lunch na din, maya-maya lang ay uuwi na kami para makapagpahinga.
"Sana, hindi ko na kasi alam kung paano ko pa siya iintindihin kapag hindi pa rin kami natuloy," sagot ko.
"Naiinis na rin ako sa kanya! Dapat alam niya pa ring mag-time management, kung hindi niya kayang pagsabayin dapat bitiwan niya ang isa," saad nito, bakas ang inis sa hitsura niya ngayon.
Napahinto ako sa pag-nguya, "Kung sakali man kayang kailangan niyang bumitiw sa isa, sino kaya ang pipiliin niya?" wala sa sarili kong tanong.
Natahimik din si Stella sa tanong ko. Paano nga kaya kapag dumating sa punto na kailangan niyang mamili? Hindi ako papayag kapag pinili niya ako at binitawan niya ang magandang kinabukasan na naghihintay sa kanya at paniguradong masasaktan ako kapag pinili niya ang career niya at bitawan ako.
Napahilot ako sa sentido ko dahil maging ako ay naguguluhan sa sarili ko. Kung gano'n mas dapat ba na intindihin ko na lang siya para hindi kami mapunta sa sitwasyong iyon.
"Huwag mo ng isipin 'yon," sabi ni Stella pagkatapos ay pinagpatuloy niya na ang pagkain.
HOLY week na at ito na rin ang araw ng pag-alis naming dalawa. Hindi muna ako nag-impake ng mga damit para hindi na ako maabala pa kung sakaling hindi na naman kami matuloy. Kanina ko pa rin hawak ang cellphone ko at naghihintay ng text niya pero wala akong natatanggap kaya hindi ko alam kung kikilos na ba ako o hindi.
![](https://img.wattpad.com/cover/219298399-288-k360014.jpg)
BINABASA MO ANG
Bewitching The Furious Flames
RomansaSolana was cautious when it came to taking risks in love, influenced by the traumas that had shattered her beliefs about love. As a painter, she knew that not all of life could be painted in vivid colors. But when she met Hunter, her beliefs slowly...