Chapter 1

3 0 0
                                    

“Good morning Engr. Galla, here are your schedules this day miss.” Bungad ng secretary ko pagkaupo ko palang sa swivel chair ko.

Agad ko namang kinuha ang ipad at binasa ang schedules ko. Mukhang magiging abala ako nito. Bukod sa mga papers na kailangan kong basahin at pirmahan ay may board meeting pa ako at may pupuntahang site.

“Alright, thank you Miss Alvajar and please bring me coffee here.” Kailangan  ko talaga ng kape ngayon dahil di maganda ang gising ko.

“Yes Engr.” Ani niya at lumabas na.

I continue reading those piles of papers at habang tumatagal ay sumasakit ang ulo ko. Masyado yata akong napuyat kagabi dahil sa mga sinabi ni kuya. I know it’s normal for a kuya to get worried for his sister but last night was different.

Sinisimsim ko ang kape ng biglang may naalala ako. Alam kong may panaginip ako kagabi pero bakit di ko maalala man lang kung ano yon. I don’t know but every time I had a dream I always forgot it every time I woke up. Pero ang alam ko ay normal naman ang mga ganitong bagay hindi ko lang talaga maiwasang isipin at macurious kung tungkol saan iyon.

“Miss Alvajar we’ll go to the site now. Kindly tell the driver to prepare the van at bababa na tayo.” Sabi ko sa intercom habang menamasahe ang sentido  ko. Dahil siguro sa mga binasa ko kaya mukhang lumala ang sakit ng ulo ko.

“Copy Engr.”

Uminom muna ako ng gamot bago lumabas. Pagnalaman ito ni kuya ay siguradong mag-aalala iyon mabuti na lamang at hindi pumunta sa opisina ko ngayon si  Zyani at panigurong magsusumbong iyon.
It took 20 minutes before we got arrived at the site. Ito yung condominium na hinahawakan ng company namin ngayon. Malapit na itong matapos kaya mapapadalas ang punta ko dito.

“Good morning Engr. Galla.” Bati ng sumalabong sa amin na engineer din ng kompanya namin.

“Good morning Engr. Noviaz. How’s everything?”

“Everything is good engineer. Almost 90% of the building were already done. Maybe by next two months ay matatapos na ito.”

“I see and I guess by that we’ll gonna meet the estimated date this project expected to be finished.”

“Well, you’re right engineer. Since the project started we don’t actually have major problems on it. Also the weather seems good to us kaya hindi tayo nahirapang matapos ito gaya ng inaasahan natin.”

“That’s good. Just make sure everything will be good lalo na ang safety ng mga workers natin.”

“Yes Engr.Galla.”

“Alright. Mag-iikot muna ako sa site. Bumalik kana muna sa trabaho  Engr. Noviaz. Thank you.” Paalam ko at pumunta sa mga area ng site. The building has 35 floors at talagang malapit na nga itong matapos. Modern type ang condo na’to yun kase ang gusto ng client. Kami ni Engr. Noviaz ang gumawa ng desenyo  na naaayun sa gusto ng client. Paniguradong magiging maganda ang feedback ng mga tao dito sa condominium dahil bukod sa project ito ng Galla Corp. ay kilala rin ang may-ari nito, ang mga Mosander.

Quarter to 12 na ng matapos kami sa pagchecheck sa site. Nasa tapat na ako ng van namin ng magvibrate ang phone ko.

“Hey Engineer!” boses pa lang ay alam ko na kung sino to.

“Hello Doctor Gustavano. Mukhang walang pasyente at di yata tayo busy ngayon ah.” Ani ko sa tumawag. It’s  Doctor Dio Cal Gustavano ang childhood friend ko .

“Maaga kase akong mag-aout ngayon. You know I have priorities na dapat ko naman bigyan ng oras.” Kahit di ko nakikita ay alam kong nakangiti ito.

Bullets of ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon