Chapter 10

1 0 0
                                    

“Engr. Galla nandito napo si Mr. El Seva.” Aniya ng secretary ko.

I let out a deep sigh before nodding and signal her to send Hassi in.

“Good afternoon Engr. Galla.” He formally greeted and gave me a short nod. I greeted him in return and offer him the seat in my right side. Not so long, Zyani entered. They exchanged short greetings before taking their seat.

“LTC. El Seva, here is the draft of your house’s blueprint.” Iniharap ko sa kanya ang laptop para makita ang draft ng blueprint.”Draft pa lang ito dahil kailangan pa muna namin ang komento mo at baka may gusto kang  baguhin o idagdag.” Paliwanag ko sa kanya.

Mariin niya muna itong tinignan bago napatango-tango.”Hmm, let’s go for this. I like it.” Inalis niya ang pagkatitig sa laptop at inilipat sa akin. Gustuhin ko mang umiwas ng tingin ay hindi ko magawa.

Napaiwas lang ako ng tingin dahil sa pagtikhim ni Zyani. “So I guess we don’t need to do some changes in the blueprint. By next week the construction of the house will start LTC. El Seva. We’ll prepare the blueprint’s hard copies and give you a copy of it.” Zyani formally explained.

“Okay.” Iyon lamang ang tanging isinagot ni Hassi kasabay ng pagtango. Sabay pa kaming napabuntong hininga ni Zyani dahil sa tipid niyang sagot.
Ipinaliwanag ko na rin sa kanya ang iba pang mga mahalagang impormasyon ukol sa bahay niya. Sa mga materyales na gagamitin at kung kalian ito dadating. Sa bilang ng workers, sa estemadong laki ng bahay mula sa taas nito at sa lawak. Sa lahat ng sinabi at pinaliwanag ko sa kanya kung hindi tango ay okay lang ang kanyang sinasagot. Even complaining or to say some comments ay hindi niya ginawa. Zyani asked for his suggestions pero aniya’y gusto niya ang plano. Nagkatinginan lang kami ni Zyani at nagkibit balikat lang ako. After maexplain sa kanya ang lahat ay tinawag ko na ang sekretarya ko para sa kontrata.

“I guess everything has been settled. If you’re okay with it, we can sign the contract now.” I slide the contract paper papunta sa harap niya. Without any doubt, he immediately picks the pen and sign the contract without a blink. Sa ikalawang  pagkakataon ay nagkatinginan ulit kami ni Zyani at sabay ng nagkibit balikat. Hindi man lang siya nag-abalang basahin ito. Nang makitang tapos na si Hassi sa pagpirma ay dali-daling pinirmahan na rin namin ni Zyani ang kontrata. For formality, we exchange shake hands for sealing the contract signing.

“Again, thank you for choosing us LTC. El Seva.” I formally said. He was about to say something when Zyani said her gratitude for choosing us and assuring Hassi that our company will do its best. Akala ko ay magsasalita na ulit siya pero hindi na nagyari iyon. He just formally leaves us with his nod and takes his exit. Seryoso kong tinitigan ang pintuang nilabasan niya. That’s it? For my years working as my clients’ engineer, they are always vocal with their suggestions and comments but this one is different? I mean, I’m confident with our works and plans but I didn’t expect him to agree just like that.

“Zal, mauna na ako. Ikaw rin umuwi ka na.” naputol lang ang pag-iisip ko sa pagpapaalam ni Zyani. Tumango lang ako at nagbeso sa kanya.

Pagkarating sa condo ay hindi ko na inisip pa ang pagtataka ko kay Hassi. Maybe I’m just over thinking things and it’s not good. It’s not good to me. Tama! Masyado ko lang binibigyan ng ibang interpretasyon ang mga kilos niya at hindi ito dapat. Tatlong beses akong huminga ng malalim at ene-reset ang utak ko. Hindi ko agad binuksan ang mga mata at ninamnam muna ang katahimikan.

*dingdong*

Napamulat ako sa pagtunog ng doorbell. Si kuya na naman kaya ito? Tinungo ko na ang pintuan at hindi na sinilip ang peephole dahil inaasahan kong si kuya ang nasa labas.

“Oh kuya an----“naiwang naka awang ang bibig ko sa harap ng taong nandito sa labas ng pintuan. What he’s doing here?

“Good evening, Cazzaleira.” He greeted with his deep voice. I immediately close my mouth after getting back my senses. I cleared my throat before uttering a word.

“H-hey! Ikaw pala H-Hassi.” I almost slap my face for stuttering.

“Hmm.” Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tuloy ay napatingin din ako sa suot ko. Napabuga ako ng hangin at tahimik na nagpasalamat na itong pajamas ang napili kong suotin ngayong gabi. Tuluyan ko sigurong masasampal ang sarili kung iyong manipis at maikling pantulog ang isinuot ko ngayon.

Binalik niya ang mga mata sa mukha ko.”I guess you’re already off to sleep. Sorry for disturbing you.”  He sincerely apologizes.
 
“No! I mean hindi pa naman ako natutulog.”

“I see.”  He softly uttered.

“Uh, ano nga palang kailangan mo?”

“Hmm, just wanna return this.” Doon ko lang napansin ang pamilyar na paper bag ng itaas niya ang kamay na hawak ito.

“Oh! Thank you.” agad kong inabot ang paper bag.”Hindi ka na sana nag-abala pa.”

“No, it’s okay.” Aniya habang malamlam na nakatingin sa mga mata ko.

“Ahh, sige thank you ulit. G-goodnight.” I slightly nod to him. I was about to turn my back when I feel his warm hand in my wrist. My gaze automatically darted in his hand.

“Why didn’t you call me by my name earlier?” maingat na tanong niya.

“Huh?” nalilito kong ani.

“Hassi. Just call me Hassi. Not with my title. Not with my last name.” hindi ko alam pero bakit parang ang lambing ng tono niya. Napatitig pa muli ako sa kamay niyang nakahawak pa sa akin. Ilang ulit pa akong napalunok ng sariling laway bago muling naibalik ang mga mata sa kanya.

He’s brown eyes that always full of unsaid words. That even if it wanted to escape, it cannot. I didn’t bother to blink as I stare those eyes. Kaya kong umiwas sa mga matang iyon pero mas pinili kong titigan pa iyon.

“Good night…Hassi.” Not breaking our gaze, holding my breath and with his hand in my wrist, those words freely escaped.









Bullets of ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon