Chapter 2

1 0 0
                                    

Tinignan ko ang wrist watch ko ng nagpagtantong alas tres pa pala ng hapon. Saglit lang naman akong nakaidlip kaya siguro medyo hindi okay ang pakiramdam ko at hindi pa maayos ang pagkakapwesto ko. Sinulyapan ko si Zyani at makikita ko talagang sobrang nag-alala siya. Masyado lang yata talaga akong napagod sa mga trabaho ko this fast few weeks.

“Zyani, I’m okay. Stop worrying.” Pangungumbinsi ko sa kanya sabay ngiti. Ayaw kong maraming nag-aalala sa akin lalo pa at okay naman ako.

“Are you sure Zal? I’ll bring you to hospital.” Dali-dali niyang kinuha ang mga gamit namin at aligagang inalalayan ako. Gusto ko siyang tapunan ng masamang tingin sa sinabi niya pero di ko na ginawa dahil alam kong nag-alala lang siya.

“No need. Promise okay lang talaga ako. Napagod lang talaga ako sa mga ginawa ko this past few  weeks.” Pigil ko sa kanya. Hindi naman kailangang pumunta ng hospital, oa lang talaga itong bestfriend ko. Baka pag-umabot ito kay kuya kung ano-ano nanaman ang sabihin nu’n.

“Yan masyado ka kaseng dedicated sa mga ginagawa mo. Iyan na nga ba yong sinasabi ko eh.” Paninisi niya sa akin at padabog na umupo. Nginiwian ko lang siya at tinawanan.

“Alright. I’ll be home early now. I won’t do any work beside I already finished those urgent things that were needed.” Pagsuko ko sa kanya dahil pag hindi pa ako sumang-ayun sa kanya ay mahaba habang sermon na naman yon at lalo lang sasakit ang ulo ko. Niligpit ko na ang mga gamit ko at sinabihan ang sekretaryang maaga akong uuwi.

“How about you? Do you still have work to do?” tanong ko kay Zyani habang palabas kami ng opisina ko. Alas tres palang ng hapon at 5 pa ang out dapat ng mga empleyado.


“Yes, may tataposin pa ako. Mauna kana at you badly need a rest Zal.” Seryosong aniya. Nagbeso lang kami at  nagpa-alam na sa isa’t-isa. Tinanaw ko siyang papunta sa office niya. She’s acting weird. Ikinibit balikat ko na lamang iyon at hindi na inisip pa.

Mabuti nalang at dala ko ang kotse ko. Hindi naman masyadong traffic kaya agad akong nakarating sa condo ko. I live here alone. Since I graduated I choose to leave on my own. At first mom and dad are against on it.  Malaki naman daw ang bahay namin at bakit pa ako aalis. Syempre sinabi kong gusto kung maging independent. I’m old enough to take care of myself. Good thing at pumayag din sila kalaunan but in my brother’s case it took me weeks before I convinced him. During my first week here eh halos araw-araw kung pumunta iyon dito. Minsan pang dito ko na lamang siya pinapatulog at alam kong pagod siya sa trabaho. Mabuti nalang at ng sumunod ng mga linggo ay hinayaan niya na ako. Pero syempre I always keep him updated through calls and texts.
I’ve been living here for 2 years. Kahit papaano ay nasanay na akong mag-isa sa unit. I know how to cook pero yung mga basic lang naman beside hindi naman ako laging nandito sa unit. Maaga akong umaalis for work at minsan ay over time pa sa opisina kaya late na akong nakakauwi kaya I usually eat there at my office.
Agad kong binuksan ang pintuan ng unit ko pagkarating ko sa floor kung nasaan ito. Actually malaki ang unit na ito. It was my parents graduation gift to me. Inasar ko nga sila nong minsang ayaw talaga nilang lumipat ako. Bibigyan ba naman ako ng condo unit pero ayaw akong paalisin sa bahay? Maybe they realized it kaya pumayag na rin sila.

Pagbukas mo ng pintuan ay bubungad sayo ang sala. White and gray ang theme ng unit ko ayaw ko kasing masyadong babae kung tignan. Ang sala ay katapat ng malaking glass wall kung saan over looking ang city. Sa left side naman ng sala ay ang kitchen ko. May counter bar at four seater na dining area. Sa right side ay may hallway patungo sa room ko at dalawang guest room. Katapat naman nito ay ang mini-office ko na connected sa mini-library.

Dumiretso agad ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Napabuntong hininga ako habanag inaalala kung ano ba talaga yung panaginip ko. Pangalawang beses ko ng di matandaan ang mga napanaginipan ko pero alam ko natural lang naman iyon.
Nagising ako bigla sa pagvibrate ng phone ko hindi ko pala namalayang nakatulog ako.
“Hello?” nakapikit na pagsagot ko sa tawag at hindi na nag-abalang tignan kung sino ang caller.
“Hey princess, where are you? Are you home?” si kuya pala. Mukhang hindi nabanggit ni Zyani na maaga akong umuwi. Mabuti na lang.

Bullets of ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon