SORRY!!! Alam ko. Sobrang tagal hindi nakapag update. Naging busy lang talaga at well naging tamad lang talaga kami mag type.
==================================================
Keith's POV
Wow hindi pa din talaga ako makapaniwala.
Ang daming nangyari ngayong araw.
At hinatid pa ko ni Athena pauwi. Ganon siya nagaalala sakin.
Flashback
"Sige po mauuna na po ako. Maraming salamat po sa masarap na pagkain Mimi." Pagpapaalam ko kay Mimi pagtapos kong kamain.
"Athena samalat sa pagsama mo sakin kanina. Sige una na ako ah?"
"Mimi pwede ba ako magpahatid kay kuya Bert?" Biglang baling ng tingin ni Athena kay Mimi.
"Saan ka pupunta sweetie. Masyado na atang late para lumabas kapa." Sagot naman ni Mimi.
"Oo nga Athena 9 pm na oh. Wag kana umalis dito ka nalang. Delikado na sa labas." Pagsuporta ko sa sinabi ni Mimi.
"Hahaha. Ihahatid po kasi kita." Nakangiting sabi sakin ni Athena.
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na gusto niya akong ihatid.
"So, pwede po ba mimi? Kayo na din ang nagsabi na masyado nang late para sa isang eighteen year old ang lumabas." Ulit na tanong ni Athena kay Mimi.
Hindi agad sumagot si Mimi.
"Ano ka ba Athena okay lang ako noh. Hindi mo na ako kailangan pa ihatid."
Hindi niya ako pinansin at tumingin ulit kay Mimi.
"Mimi?" Pagtanong ulit ni Athena.
"Yes, of course. Tawagin mo na si Bert at bumalik ka agad ha? You still have school tomorrow. Ingat and goodnight Keith balik ka nalang ulit. Okay?" Sabi ni Mimi.
At lumabas na si Athena ng kitchen.
"Ah. Opo. Thank you po ulit."
Paglipas ng ilang minuto.....
"KEITH!!!!! LABAS KA NA!!!!" Sigaw ni Athena mula sa labas.
End of Flashback
"Wow bro ang aga natin a?" Biglang bati sakin ni Cloud pag pasok ko ng room.
"Good morning din." Sarkastikong bati ko sakanya.
Oo nga sa loob ng dalawang linggo ngayon lng ako pumasok ng maaga.
At bago pa ako makapunta sa upuan ko nakita ko si Mark isa sa mga classmate namin.
"Oh mark bakit hindi ka nakauniform??" Tanong agad nitong si Cloud.
Kahit kelan talaga napaka chismoso.
"Ah kasi magddrop na ako. Kaya pumasok na din ako ng maaga para makausap ko si Miss."
"Ha?! Bakit naman? May nangyari ba?" Tignan mo tong mokong na to. Hindi talaga papaawat.
Kaya naman ako nakikinig lang sakanila. Hindi ko na kailangan pang magtanong, at mukang trabaho na yun ni Cloud.
"Hahahaha. Chill lang. Walang nangyari. Magmimigrate na kasi kami sa States kaya kailangan ko nang magdrop. Biglaan din."
Hindi namin napansin na dumating na pala yung adviser namin at nakita kami naguusap sa harapan.
"Oh Mr.Bautista bakit ka nakacivilian?"
"Sige una na ako a? Kakausapin ko ma si Miss." Pagpapaalam samin ni Mark at pumunta na sa dek ni Miss.
BINABASA MO ANG
Forlorn LOVE of Mine
RomanceI cant promise much. I may not be the best and i may not know how to make things better than best. But guess what? I promise to be here for you.. As long as you want me too.