Sorry po at medyo natgalan nanaman ang pagUUD. nagkaron po kami ng writer's block.
================================================
Athena’s POV
Nagulat sa mga sinabi ni Keith. Ganoon niya ba ako pinagkakatiwalaan para maging open siya sakin?
O kailangan niya lang ng taong makikinig sakanya?
“Sure kaba?” Tanong ko.
Hindi ko naman kasi inaasahan na ganun niya ako pinagkakatiwalaan. I mean hindi pa kami ganon katagal magkakilala.
“Hindi naman kasi big deal sakin eh. Para mas makilala mo na din ako.” Sagot niya.
-Flashback-
Keith’s POV
“Mama! Bakit ang tagal naman ni papa? Nagugutom na po ako.”
“Hindi ko din alam anak. Sandali lang tatawagan ko lang siya.” Sagot sakin ni papa.
Andito kami ngayon ni mama sa isang five star hotel para i-celebrate ang 8th wedding anniversary nila mama at papa.
Pagbalik ni mama sa table naming bigla nalang niya akong niyakap.
At naramandaman ko na medyo nababasa na yung damit ko sa bandang balikat.
“Mama bakit po kayo umiiyak?”
“Anak wala na ang papa. Naaksidente siya.”
Pagkalipas ng isang lingo at paglibing ni papa pinaimbistigahan ni mama ang pagkapatay ni papa dahil car accident ang ikinamatay niya. Pero ang ipinagtataka lang ni mama ay si papa ang nag mamaneha ng kotse.
Alam naming parehas ni mama na hindi marunong magmaneho si papa kaya lagi siyang may kasamang driver.
Nalaman din ni mama na mas malaki pala ang nakukuhang percentage ni papa sa kompanya.
Dahil na din siguro sa sobrang depress ni mama ay bigla nalang niya sinugod partner ni papa sa kompanya.
“Walang hiya ka! Para lang sa pera nagawa mong patayin ang asawa ko!!” Galit na sinugod ni mama ang partner ni papa sa kompanya.
“Wala akong kinalaman sa pagkamatay niya!!!”
Nagsisigwan sila habang ako nanonod lang sakanya.
At mukang hindi lang ako ang nanonoud sakanya merong batang lalaki ang umiiyak sa kabilang dulo ng office.
BINABASA MO ANG
Forlorn LOVE of Mine
RomanceI cant promise much. I may not be the best and i may not know how to make things better than best. But guess what? I promise to be here for you.. As long as you want me too.