Unang Kabanata

43 13 8
                                    

JOSEPH

"Iho, magpahinga ka kaya muna? Isang linggo ka ng walang pahinga." sambit ni Nanay Elena sa akin, ang nanay ni Ira.

Maliit akong ngumiti sa kanya.

"Ayos lang nay, kumain ho muna kayo. Ako muna ang bahala kay Ira." saad ko sabay ngiti sa kanya.

Napabuntong hininga na lamang siya at tinapik ang aking balikat.

"Nag aalala na ang mga magulang mo sa'yo Joseph. Hindi rin magugustuhan ni Ira kapag nalaman niyang naging ganito ang sitwasyon mo" pangaral niya sa akin.

Nakayuko lamang ako.

"Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko nay. Ako ang dahilan kung bakit siya nandito eh" iyak na sambit ko.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo anak, hindi ikaw ang may kasalanan." sabi ni nanay.

"Nay, pwede niyo ho ba kami bigyan ng kaonting oras ni Ira?" paghihingi ng permiso ko. Tiningnan niya lang ako saglit at marahang tumango.

Tahimik na nilisan ni Nanay Elena ang silid.

Pinagmasdan ko lamang ang aking pinakamamahal na mahimbing natutulog. Di ko maiwasang mapaluha dahil sa kanyang sinapit. At di ko maiwasang pagbuntungan ng galit ang aking sarili dahil sa mga nangyari.

"Ira, mahal na mahal kita." sambit ko sa kalagitnaan ng aking pagluha.

"Hindi ko ginusto na itigil ang lahat ng meron tayo. Mahal kita eh. Ba't ko naman gagawin yun. Pero ayoko namang maging makasarili. Hindi ko gusto na habang naroon ako sa Canada ay narito ka, umaasa na babalik ako. Maghihintay sa pagbabalik ko. Ayokong itali ka sa akin lalo na at hindi ko alam kung babalik pa ba ako" huminto ako saglit upang sumagap ng hangin.

"Mahal na mahal kita, Ira. Pakiusap, Gumising ka na."

Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan. Hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman~

Napatingin ako sa phone ko. Bumalik sa akin ang alaala nung mga araw na nandoon kami sa isang Music Studio. Ito ang unang kanta na ipinatugtog niya doon at unang kantang inialay niya sa akin.

Flashback (author's)

"Ang laki naman ng music studio niyo mahal!" di mapigilan ni Ira na mamangha sa music studio ni Joseph.

Niyaya kasi siya ni Joseph na pumunta sa music studio nila dahil na rin sa may nakalimutan itong kunin at para narin makita ito ni Ira.

Si Ira ang dahilan kung bakit humingi siya ng tulong sa kanyang ama upang ipatayo ang music studio na ito.

Magaling Kumanta si Ira at naikwento niya rin ang pangarap niya na magkaroon ng music studio para sa sarili niya.

Inilibot ni Ira ang kanyang paningin at bahagyang kumunot ang noo at tsaka kunot noong pinagmasdan niya si Joseph.

"Bakit?" takhang tanong ni Joseph. Kita niya ang inis mula sa mata ng babae at nagulat na lang siya nang batukan siya nito.

DESTINEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon