KYLE♥
"Hoy Joseph! Tama na yan!" Seryoso kong sambit sa kanya.
Pagdating ko pa lang ay siya na agad ang bumungad sa paningin ko. Kasalukuyan kaming nasa bar ngayon at ito namang kasama ko ay parang tangang inom ng inom. Hindi ko na mabilang kung ilan ba ang inorder niya kasi kahit yung bartender na pinagtanungan ko ay nalimutan na rin sa sobrang dami.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil hindi ako mamamatay ng maaga o maaawa ako sa routine ng lalaking ito.
Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang shot glass. "Selos ka?" tanong ko sa kanya. Matalim niya naman akong tiningnan at alam ko na ang ibig sabihin non.
Magkasunod na tinungga ni Joseph ang dalawang glass ng alak at hinayaan ko lang siya. Mabuti na lang malakas ang tolerance niya sa alak. Hindi pa yan malalasing. Baka nga maayos pa magsalita eh.
Gago, hindi ko naman siya kayang pigilan.
Pamilya ko nga, parang siya yung anak.
"Gago." mura niya.
Napabuntong hininga ako.
"Bro, I have Hannah. You don't have to be jealous."
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Do you think that I'm jealous? No. Ofcourse I'm not. Alam ko namang di ka papatulan ni Ira. Mukha mo palang."
ABA'T?
"Hoy Joseph! Baka nakakalimutan mo na dahil dito sa pabor mo ay halos nangudngud na ako sa putik makahanap lang ng pera."
I am Kyle De Guzman Ford. I am the owner of Nguya Bar and also the son of the CEO of De Guzman-Ford Company. Kung nagtataka kayo kung bakit ako naghihirap at nagtitinda lang ng kakanin kahit na may bar ako ay si Joseph lang ang makakasagot.
"I'll tell tita about it. Pero 20% lang ang magagamit mo sa credit card." Napanganga naman ako sa kanya at di maiwasang sumabat.
"Bro naman! Ang init init magbenta ng kakanin. Tas yung dalawang buwang kita ko ginamit ko kanina sa date namin----"
"Date niyo? K. 10 percent then."
"What the hell Joseph?"
Tiningnan niya muli ako at ibinalik din ang tingin sa shot glass na hawak niya.
"Fine. Pwede mo ng makuha yung kita ng bar. Just take care of her. I'll tell tita about it." Napangiti naman ako.
FINALLY!
Muli ko siyang sinulyapan. Patuloy parin siya sa pagtungga ng alak.
Hanggang kailan ka magiging ganito,Joseph?
"Bro, alam kong wala ako sa tamang posisyon para tanungin to pero, di mo pa ba sasabihin kay Ira ang lahat? Bro, unti unti na niyang tinatanggap na hindi ka na babalik. Ayaw mo naman siguro yun diba?"
Hindi siya nagsalita at napayuko na lang.
"Bro, payong kaibigan. Please talk to her now. Bago pa mahuli ang lahat."
ELENA (Ira's Mom)
"Ram, gusto ko ng sabihin kay Ira ang lahat. Natatakot na ako na baka tuluyan na niyang matanggap ang lahat."
"Alam mo naman na hindi magugustuhan ito ni Joseph diba? Magtiwala lang tayo sa kanya."
"Pero paano kung mahuli na siya?" Hindi siya nagsalita at niyakap na lamang ako.
"Nakokonsensya na ako Ram. Tiyak na ikagagalit ni Ira ang paglihim natin sa kanya."
"Ang pagmamahal, hindi nahuhuli. Kahit pa ano ang gawin ni Ira alam kong hindi mawawala ang pagmamahal niya kay Joseph. "
napahinto siya saglit at muling ipinagpatuloy ang pagsasalita.
"Kilala ko ang anak natin, Elena. Hindi siya magagalit sa atin. Magiging maayos din ang lahat." dugtong niya pa.

BINABASA MO ANG
DESTINED
Teen Fiction"Salamat. Masaya akong mahal mo rin ako. Pero minsan ang pagmamahal ay hindi sapat para mapanatili ka." -Ira