Ikaapat na Kabanata

19 7 0
                                        

Flashback (Author's)

Magkahawak kamay na naglalakad sina Ira at Joseph papunta sa harap nina Nanay Elena at kanyang asawa.

Ngayon ang araw na kung saan pormal na ipapakilala na ni Ira si Joseph bilang kanyang kasintahan.

Alam na ng kani kanilang pamilya ang namamagitan sa kanila ngunit gusto paring magpakilala ni Joseph, hindi bilang amo nila, kundi bilang boyfriend ni Ira.

Huminto na sila sa harap ng magulang ni Ira. Marahang kinuha ni Joseph ang kamay ni Nanay Elena at nagmano, tanda ng paggalang. "Mano po." at gayun din ang ginawa niya sa tatay ni Ira.

"Magandang gabi iho." pagbati ni Nanay Elena sa binata.

"Magandang gabi rin po."

"Anong sadya mo rito, Joseph?" seryosong tanong ni tatay Ram.

Napalunok naman saglit si Joseph at nagkatitigan na lang sila ni Ira.

"Ahm. Ano po. Ah.."

"Tay, Nay, si Joseph po, nangliligaw parin po sakin" Lumaki ang mata ni Joseph at hindi napigilang sumabat sa dalaga.

"Anong nanliligaw? Sinagot mo na ako noong nakaraang buwan!" ibinalik ng binata ang tingin sa mag asawa at muling nagsalita. "Nay Elena, Tay Ram, narito po ako para pormal na magpakilala sa inyo bilang nobyo ni Ira." buong loob na pag amin niya.

Sa kabilang banda napangiti naman si Ira dahil sa kanyang sagot. Alam kasi niya na mangyayari at mangyayari ang ganitong eksena.

Malakas na napatawa ang tatay ni Ira at sinundan naman ng Nanay nito.

"Takot na takot ka talagang mapalitan ka ni Ira no?"

"Opo naman po!" mas lalo pa silang natawa sa bilis ng pagsagot ni Joseph na siyang ikinapula ng mukha ni Ira.

"Oh siya siya, doon na lang natin ipagpatuloy ang pag uusap sa loob." pagyayaya ni nanay.

DESTINEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon