Ikatlong Kabanata

34 8 0
                                        

IRA

Flashback

"Happy 1st Anniversary Mahal!" di ko mapigilang hindi umiyak matapos masaksihan ang kakornihan ng lalaking nasa harapan ko.

Puno ng mga red and black balloons ang paligid ng music studio. Sa mini stage nakalagay ang Tarpaulin na may nakalagay na "HAPPY 1ST ANNIVERSARY MAHAL!".

Nakasabit ang iba't ibang larawan ko kasama siya at yung iba naman ay mga stolen shots na hindi ko rin alam kung kailan niya kinunan.

Kinurot ko siya sa tagiliran dahil sa panggigigil ko sa kanya.

"Aray naman, mahal. Ikaw na nga sinusupresa eh, ikaw pa tong nananakit." natawa ako saglit at mahigpit siyang niyakap.

"Salamat mahal ko. Salamat." mahinang sambit ko sa kanya. Ngumiti siya saglit at marahan akong niyakap pabalik.

"Mahal na mahal kita Ira."

"Mahal na mahal rin kita. Mahal na mahal."

End of Flashback

Napahawak na lamang ako sa aking dibdib nang maramdaman muli ang kakaibang kirot doon.

Minsan iniisip ko rin, kung hindi ko kaya siya pinagtabuyan at pinapunta sa Canada, ano na kaya kami ngayon?

Baka kasal na kami ngayon at masaya na kapiling ang isa't isa.

Pero hanggang baka na lang siguro lahat.

"Woiii!" gulat akong napalingon sa pinanggalingan ng sigaw.

Nakangising bumungad sa aking mga mata si Kyle na may dalang malaking basket na pinaglalagyan niya ng mga kakanin na kanyang ibinebenta.

Si Kyle ay ang una at tanging lalaking naging kaibigan ko simula noong lumipat kami rito. Masaya siya kasama ngunit nakakainis siya kapag nanggugulat.

"Magugulatin ka talaga kahit kailan." nakangiting sambit niya sabay upo sa upuan malapit sa kinatatayuan ko.

"Feeling pamilya ka talaga rito eh no?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Ganyan talaga yung mga gawain ng son in law." biro niya.

"Hoi Kyle De Guzman! Baka nakakalimutan mong may utang ka pang bente sa akin? At anong son in law ka diyan? Wala akong kuya, bakla ka!" sigaw ko sa kanya.

"Arouch naman sister! Dinudungisan mo ang aking pagkatao." paawang sambit niya sakin sabay arte na parang bakla talaga.

Hindi naman siya bakla sa totoo lang. Kaso wala siyang lalaking kaibigan. Ewan ko ba rito, parang tanga lang.

"Asan na bente ko?" paniningil ko sa kanya.

"Ayaw mo ng kakanin? Oh eto, bente na lang. bayad ko na rin." pangungumbinsi niya sabay abot ng paborito kong kakanin.

DESTINEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon