JOSEPH
Nakayuko lamang ako habang tahimik na nakaupo rin ang mga magulang ni Ira.
"Ano? Di ka magsasalita?" hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Ramdam ko ang lamig sa pananalita ni Ira na ngayon ay nakatayo na sa aking harapan.
Hindi ko siya magawang tignan, yakapin o halikan manlang.
Natatakot ako na kapag tiningnan ko siya, makikita ko ang galit na naipon sa mga taon na akala niya ay babalik ako.
Natatakot ako na kapag yakapin at halikan ko siya ay itaboy niya lamang ako papalayo.
Napatawa na lamang ako ng mapakla sa aking isipan.
Ang tapang tapang kong manatili ng limang taon na malayo kay Ira tas ngayon natatakot akong mapantayan lamang ang tingin niya?
Ang torpe ko.
Duwag ka, Joseph!
"Isa Marcus Joseph. Sinasabi ko talaga na hindi ka na makakatungtong rito pag hindi ka nagsalita ulit." kaagad akong napatingin sa kanya at nagtagpo ang aming mga mata.
Ramdam ko ang kakaibang emosyon na namumutawi sa kanyang mukha. Hindi ko mapaliwanag kung ano ba ang mas lamang.
Ang galit ba?
O ang saya...
"I-Ira" tanging nasambit ko lamang sa mahaba niyang litanya. Takot akong sabihin sa kanya ang totoo. Naduduwag ako fahil ayokong saktan siya uli.
"Ano? Ira mo mukha mong hayop ka!" Nagulat ako ng bigla na lamang tumulo ang mga luha niya. "A-ano ba kasing ginawa mo sa Canada at hindi ka nakabalik pagkatapos ng tatlong taong hayop ka! Nakakainis ka, alam mo ba yun?!"
Ang kaninang pinipigilan kong luha ay unti unti na ring bumuhos. "S-sorry."
"Wow!" naibulalas niya. "Ano, Joseph? Wala ka ng ibang naisip na idahilan kaya nanghiram ka na lang ng dahilan sa mga linyahan sa mga teleserye?" napahawak siya sa upuan na tila nanghihina.
Aalalayan ko na sana siya ng itaaas niya ang kanyang kamay. "Kung hindi mo rin naman sasabihin sa akin ang totoo, bukas ang pintuan ng bahay namin. Maaari ka ng umuwi."
"No, please Ira? H-hindi ko pa kayang sabihi----"
"Kailan Joseph? Kailan ka pa magiging handa na sabihin sakin? Joseph naman! Alam mo ba kung gaano kahirap na wala ka sa tabi ko sa loob ng tatlong taon? Sobrang hirap! Pero kinaya ko yun sa pag aakalang babalik ka rin pagkalipas ng tatlong taon pero ano? Inabot ng limang taon! Tas ni isang dahilan mo wala manlang akong maririnig? Joseph, tangang tanga na ako sayo!"
"Please, Ira. Di mo kakayanin pag sinab---"
"Bakit may bago ka na ---"
"Wala! Alam mo naman--"
"Ano? May nabuntis ka?"
"Wala, Ira. Hindi ko magagawa yun sayo!"
"Eh ano! Ba't hindi mo na lang sabihin para matapos na!"
"Ayoko!"
"Ayaw mo? Pwes simula sa araw na ito kailmutan mo ng-------"
"NAGKA-CANCER AKO!" isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa apat na sulok ng bahay.
I finally said it.
"A-anong sabi mo?"
Nagtagpo ang aming mga mga mata. "Nagkaroon ako ng cancer. Yun ang dahilan kung bakit hindi ako nakabalik pagkatapos ng tatlong taon. I went to several treatments and diagnosis kaya naman naagapan" huminto ako at muli siyang tiningnan. Bakas sa kanya ang panlulumo sa sinapit ko.

BINABASA MO ANG
DESTINED
Teen Fiction"Salamat. Masaya akong mahal mo rin ako. Pero minsan ang pagmamahal ay hindi sapat para mapanatili ka." -Ira