Ikalawang Kabanata

46 9 2
                                        

Pagkatapos ng Limang Taon

ELENA(Ira's mom)

"Pangako ho ma'am, magbabayad ho kami sa susunod na linggo" pagmamakaawa ko sa may ari ng lupa na pinagtitirikan ng bahay namin.

"Abay Elena? Baka nakakalimutan mong noong isang buwan pa kayong hindi nakakabayad?" nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga at tsaka muling nagsalita.

"Elena, hindi lang kayo ang walang pera. Ako rin. May mga anak ako na kailangang pag aralin. Sana naman ay maunawaan mo yun"

tanging tango na lamang ang isinagot ko at tahimik na rin siyang umalis.

Magdadalawang taon na rin simula nang umalis kami kina Ma'am Ria at Sir Jacob, mga magulang ni Joseph. At limang taon na rin simula nang iwanan ni Joseph ang aking anak.

Tumuloy sa Canada si Joseph nang may mabigat na dinadala sa kanyang dibdib. Ayaw niyang umalis, ayaw niyang iwan ang anak ko. Pero kailangan niyang magpatuloy sa buhay.

Dahil yun ang gusto ng anak ko.

Flashback (author's)

"Nay Elena! Please po! Hayaan niyo kaming mag usap ni Ira! Nay!"

Wala pang sapat na tulog si Joseph ngunit mabilis siyang nagtungo sa ospital dahil sa kanyang natanggap na mensahe mula kay Nanay Elena.

"Nay! Wag naman hong ganito!" patuloy niyang pag sigaw.

"Sir, wag ho kayong manggulo rito sa hospital. Marami ho kaming pasyente na nagpapahinga."

Tiningnan niya ang guard na pumipigil sa kanya.

"Manong yung mahal ko. Ang mahal ko nasa loob. Pakiusap tulungan mo ko."

Hindi na alam kung anong gagawin ni Joseph sa mga oras na iyon. Kahit nga ang guard na dapat ay nagbabantay lang ay hiningan niya pa ng tulong.

"Ay sir, wala ho akong magagawa diyan. Tagabantay lang ako at hindi taga bukas ng pintuan."

Nanghihinang napaluhod ang lalaki. Parang dinadaganan ng kung anong mabigat na bagay ang kanyang katawan. Hirap na hirap na siya.

"P-pakiusap" mahinang sambit niya sa kalagitnaan ng kanyang pag iyak.

Ilang minuto pa siyang nasa ganoong pwesto nang biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa noon ang nanay ni Ira

Para siyang nabuhayan ng pag asa na makakausap niya muli si Ira.

DESTINEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon