Ikalimang Kabanata

13 7 2
                                        

IRA

"Kyle De Guzman!" napasigaw ako dahil sa kalokohang ginawa ng lalaking kasama ko.

Alas singko pa lang ng umaga ngunit binulabog na ng nag iisang Kyle De Guzman ang mahimbing na pagtulog ko.

"BWISIT KA TALAGA!" naiinis na sambit ko at padabog na nagtungo sa cabinet upang kumuha ng panibagong damit.

"Uy uy wait lang!" pigil niya sakin sabay harang sa dinaraanan ko.

"ANO!?"

Ngumiti siya sa akin. "Date natin ngayon." pag imporma niya.

Nanlaki naman ang mata ko at naalala na nangako nga pala ako sa kanya ngayong araw.

"Ba't ngayon mo lang pinaalala!? Hindi ako nakapagpili ng damit!" sabi ko at tarantang nagtungo sa cabinet upang halungkatin ang mga dress na matagal ko ng hindi nagagamit.

Sinundan niya naman ako at nakangising tinignan. "Ikaw talaga babe, huwag mo namang ipahalata na excited kang makadate ako."

Sinamaan ko kang siya ng tingin at nagpatuloy sa paghahanap ng damit.

"Lumayas ka nga rito. Maliligo lang ako" saad ko at kinuha ang off shoulder royal blue na dress.

"Pwede naman akong maligo ulit?" Mabilis akong lumapit sa kanya at binatukan siya ng pagkalakas lakas.

"Pwede ba! Inis ako ngayon, lumayas ka na bago pa kita maihagis sa bintana ng kwarto ko."

Napatawa naman siya sa banta ko. "As if naman na kaya mo kong hagisin diyan." asar niya

Akmang hahampasin ko siya muli ng mabilis siyang makalayo at tumakbo palabas ng kwarto ko. "Bilisan mo, sweetheart!"

Napailing na lang ako.

Kahit kailan talaga Kyle, bwisit ka.

Nagtungo na ako sa banyo upang maligo.

Flashback

"May balita na po ba kayo sa kanya?Kamusta na po si Joseph?" di mapigilang tanong ko.

Nagkatinginan naman sila at nag aalangan kung sasagutin ba ang katanungan ko o hindi.

"Maayos naman siya iha ngunit hindi pa namin alam kung kailan siya makakauwi."

Napayuko ako at hindinna nagsalita.

Wala na yata siyang balak na umuwi.

Tiningala ko sila at nagsalita. "Tita, Tito... May hinihintay pa ba ako o baka umaasa lang ako na isa sa mga araw na ito ay uuwian niya ako?"

"Ira, iha, mahal ka ni----"

"Kung mahal niya ako dapat narito na siya, kapiling ko. Tita, kahit mensahe mula sa kanya wala. Walang tawag, walang sulat walang kahit na anong impormasyon tungkol sa kanya maliban lang na naroon siya sa Canada, nag aaral at dapat narito na two years ago pero wala pa. Hindi parin siya umuwi."

DESTINEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon