Prologue

39 5 2
                                    

  Nakatulala akong nakatingin sa malaking Family picture nina Lola, Mommy at Tita. Nasa malaking bahay kami ngayon ni lola sa probinsiya. Tuwing summer dito ang bakasyon namin nina mama and two weeks nakaming nandito.

Inilipat ko ang paningin ko sa tabi ng picture ang isang pang malaking larawan nasi lola lang ang nanduon at batang-bata pa ang itsura.

"Kamukhang-kamukha mo talaga ako nuong kabataan kopa apo" tumingin ako kay lola at matamis na nginitian ko siya. Hindi koman lang napansin na nandito na pala si lola sa tabi ko.

Inilipat ko ulit ang paningin ko sa malaking family picture "Lola where is Lolo?" Nagtatakang tanong ko kay lola. nakatingin parin ako sa malaking larawan na silang tatlo lang ang nanduon.

  Never kopang nakita si Lolo kapag tinatanong ko naman kay Mommy ang tungkol kay Lolo hindi niya naman ako sinasagot nginingitian niya lang ako.

  Hinawakan ni Lola ang magkabilang pisngi ko para iharap niya ako sakaniya

  "Your Lolo is far away apo"

"Bakit hindi papo siya umuuwi?"

"Hahaha malayong makakauwi ang Lolo mo apo" tumingin ulit siya sa Family picture nila. Tinitigan ko si lola kitang kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata kahit naka ngiti siya.

  Hinawakan niya ang kamay ko at yumuko siya ng kaunti para magpantay kami.

  "Halika at may ikukwento ako sayo para malibang ka naman" she said cheerfully

  Lumabas kami ng bahay at sa gilid ng mansyon may isang malaking mangga ang nanduon kaya naglakagad kami papunta duon habang hawak parin ni Lola ang kamay ko.

  Kinuha ni Lola ang isang puting malaking tela na nakasampay at inilagay sa damohan at duon kami umupo.

  Napakalawak ng lupain ni Lola at may mga tanim din siyang iba't ibang uri ng mga bulaklak at puno kaya malamig din ang hangin na dumadampi sa matambok na pisngi ko kaya ang saya saya.

  "Noong kasing edad lang kita, apo , laging kinukwento ng aking ina ang tungkol sa Dalawang mundo"

  "Wow is that true Lola?" Mausisa kong tanong kay lola. Inilapit ko ang mukha ko kay Lola upang marinig ko ang sagot na tinanong ko, isang matipid lang na ngiti ang ibinigay niya saakin.

  "Mayroong isang babae na umiibig sa isang lalakeng iba ang ang kaniyang mundo" Pagpatuloy ni Lola
"Ngunit kahit iba ang kaniyang mundo pareho naman ang kanilang kinagagalawan, naiintindihan moba ako apo?" Kunot nuong umiiling-iling ako dahil hindi ko naman talaga maintindihan.

  Hinawakan niya ang dalawa kong kilay na magkasalubong at hiniwalay niya mga ito "hahaha maiintindihan morin pag matanda kana"

  "Pero lola ano pong nangyare sakanila?" gusto kong malaman kung ano ang nangyare.

  "Hindi sila pwedeng mag katuluyan apo dahil alam nila sa huli na hindi na sila mag kikita at masasaktan lang sila, pero nag matigas sila pinagpatuloy nila ang pag iibigan nila"

  "Parang si Romeo at Juliet lang po Lola?, yung hindi sila pwede kasi ayaw nung family nila na magka tuluyan?" Walang prenong tanong ko kay lola. Ang sad naman pala

  "Hahaha ibayun apo" tatawa-tawa na pinisil ni lola ang kaliwang pingi ko.

  "Lola namannnn" ngumiti siya saakin bago niya ituloy ang kwento.

  "Hindi nila mahawakan ang isa't-isa. Kapag pinag tatangkaan nilang hawakan ang isa't isa, tumatagos lang ang kamay nila. Ilang araw ang lumipas nabalitaan nila ang tungkol sa mundo ng lalake na nanganganib ito dahil sila ang may hawak nung bagay na dapat hindi pwedeng magsama ang dalawang mundo at iyon din ang dahilan kung bakit patuloy na nag-uugnay ang dalawang mundo at mapanganib iyon apo. Hindi pwedeng patuloy na masira ito kung hindi ay- jaysygsbsk"

  "Lola ano po?"

  "Jshssyaaajjskakoajabh" pag patuloy pa niya ngunit hindi kona siya maintindihan at parang hindi ako naririnig

  "Lola, lola, lolaaaa"

Two WorldWhere stories live. Discover now