Chapter 7: Liar

22 4 0
                                    

Athena's POV

Tinawag na ni Tita Ruth ang lahat ng matapos ang aming niluto and as usual katabi ko si Brylle kasunod si Nicole at Daniel, kaharap ko si Joy na mukhang dishwashing at magkaharap naman sina Brylle at si Tita Ruth na mukhang Dishwashing, kasunod ang dalawang bata.

"Zeus heto ohh kain ka--" hindi natuloy ang sasabihin ni Joy ng bigla akong nasamid sa tubig na iniinom ko ng marinig ko ang sinabi ni niya. What the heck!? Ano daw!?

"Athena, ayus kalang?" Nag aalalang tanong ni Brylle at pinunasan niya ang mukha ko. "Athena, dahan-dahan kalang kasi" dagdag niya pa pero hindi ako nag salita

Kita ko sa gilid ng mga mata ko na iba ang tingin ni Joy saakin. Tsk! Selos ka gurl?

Tumingin ako kay Nicole at nakangisi siyang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Joy.

Bumalik na kami sa pag kain ng matapos akong punasan ni Brylle. Tumingin ako kay Joy at ngumiti sakaniya para lalo siyang mainis.

Napangisi ako sa naiisip ko para lalong mainis si Joy na mukhang Dishwashing na kulang nalang ay sponge para ipang hugas sa kalderong nangingitim. Ok tuloy tayo sa naiisip kong plano.

"Brylle pahingi nga nung manok hindi ko kasi abot e" Sabi ko, na may malanding tono.

Hindi naman ako nabigo sa plano ko at kinuhanan niya ako ng dalawang pirasong pritong manok. Tumingin ako kay Joy at isinubo ang manok na ibinigay ni Brylle.

Nakataas ang isang kilay niya habang pinag mamasdan akong nginunguya ang pritong manok na ibinigay ni Brylle. Tuwang tuwa ako sa itsura niya na mukhang pinanghugas.

Pagkatapos naming kumain, kaagad kong kinuha ang kamay ni Nicole at mabilis na lumabas ng bahay.

"Nag seselos ka no?" Kaagad na tanong ni Nicole ng makalayo kami sa bahay.

"Natural! Paanong hindi!? E ang landi landi nun" i rolled my eyes "May pa Zeus, Zeus pa siyang nalalaman like duh!!!? Halatang gusto niya si Brylle"

"HAHAHA chill!"

"Anong chill!? Anong ikaka chill ko!?. Pumunta tayo dito para mag saya at para ma solo ko rin si Brylle bakit may ganon!?" Galit na itinuro ko ang bahay kung saan nanduon ang mukhang dishwashing.

"Ok,ok Just relax first" Hinawakan ni Nicole ang magkabilang balikat ko at tumingin ng tuwid sa mga mata ko at unti-unti akong kumalma. "Huwag nalang natin siya'ng pansinin"

Kumunot ang nuo ko sa sinabi niya "What!? Why--" hindi natuloy ang sasabihin ko ng bigla niyang hinarang ang hintuturo niya sa labi ko.

"Shh.. Makinig ka muna" mahinahong sabi niya. "Ang priority mo is yung maging kayo ni Brylle. Huwag mong isipin ang babaeng yun. Nakakahiya naman kasi kay Tita Ruth kung mapansin niya na parang iniiwasan natin ang pamangkin niya. Tinulungan tayo ni Tita Ruth para makahanap ng tirahan at pinapakain pa tayo ng libre. Kilala mo si Brylle, hindi siya mahilig sa babae kaya wag kang mag-alala ok?"

"Fine!" i sighed.

Ngumiti siya saakin at hinawakan niya ang kamay ko "Let's go"

Pag pasok namin sa bahay kaagad akong sinalubong ni Leo at niyakap "do you want to play?" Masayang tanong ko sakaniya na ikinakunot ng kaniyang nuo

"Ano pong sinasabi niyo ate?" Inosenteng tanong niya na ikinatuwa ko naman. Ang tanga ko shems

"Ang sabi ko gusto mo bang maglaro?" Kaagad na nagliwanag ang mukha niya at mabilis na tumango. "Tara tawagin mo si ate mo lalaro tayo sa labas"

Niyaya ko na rin si Nicole na maglaro para may kasama ako at buti nalang pumayag siya. Pag labas ng dalawang bata kasama na nila si Daniel,Brylle and... tsk! Joy!!! Ha! Kairita bakit laging naka buntot to.

Napag desisyonan naming mag laro ng patintero at syempre sinwerte ako, kasangga ko si brylle at Daniel sakabila naman sina Nicole at ang dalawang bata tyaka yung naki extra... si Joy. Sarap kurutin

Sila ang taya dahil mas lamang daw sila kaya pinag bigyan kami. Si Nicole ang nasa kanang pahabang guhit, si Leah naman ang nasa gitnang guhit at si Leo naman ang nasa kaliwang pahabang guhit at dun sa pinaka huli naman si Joy. Gets mo? Balakajan

Unang pumasok si Daniel sa kanan kasunod si Brylle, ako naman ang nasa kaliwa. Hindi makalagpas ang dalawa dahil bantay sarado sila sa dalawa kaya ako ang unang naka tawid mabilis ang pag takbo ko na dahilan ng malakas na pag bunggo naming dalawa ni Joy.

"Athena!"

"Joy!"

Sabay na tawag nila sa pangalan namin. Sapo-sapo ko ang ulo ko dahil sa lakas ng pag kakabangga namin pero hindi ako natumba. Si Joy ayun naka upo sa sahig habang hawak hawak ang kaniyang ulo at nakatingin ng masama saakin.

Kaagad kaming nilapitan ng lahat pwera kay Brylle na nilapitan si Nicole na ikinalungkot ko.

Mag sasalita na sana ako para humingi ng tawad ng bigla siyang sumigaw "Bakit mo ako tinulak!?" Wtf? Sinungaling!

"What!?" Hinding makapaniwalang tanong ko sakaniya

"Athena" Tawag ni brylle sa pangalan ko na parang binabalaan ako. WTF!? Huwag mong sabihin na naniniwala ka sa hinayupak nayan!?

"Anong pinag sasabi mo!? Kita mong pati ako napuruhan sa pag kakabunggo natin tapos sasabihin mong tinulak kita!?"

Nagulat ako ng bigla siyang umiyak na ikinagalit ni Brylle.

"Athena! Apologize to her" matigas na sabi niya

"No! Bakit ako maghihingi ng sorry e napaka sinungaling niyan!?" Sigaw ko

"Zeus ok lang pabayaan mona" sabi ni Joy na lalong ikinagalit ko. Like what the hell!? Sinungaling ang babaeng to!!

"No" pag tanggi niya kay Joy at humarap siya saakin "Athena! Apologize to her!" I clenched my fist and I walked out. Shems gusto kong umiyak

Narinig kong tinawag nila ang pangalan ko pero hindi na ako humarap sakanila. Mabilis akong tumakbo para hindi nila ako mahabol, nag unahan ng bumaba ang mga luha ko habang tumatakbo ako papunta sa bahay na tinitirhan namin.

Nang makalayo na ako sakanila ay naglakad nalang ako pero patuloy parin ang pagbagsak ng mga luha ko.

Para akong gulay na nalanta habang naglalakad hindi man lang niya talaga ako hinabol at talagang naniwala pa sa mukhang dishwashing nayun.

Nang makarating sa bahay kaagad akong dumaretso sa kwarto at tinignan ang sarili sa repleksyon ng cellphone ko. Namamaga na ang mga mata ko sa kakaiyak ang pangit ko na! Kainis!.

Palundag akong pumunta sa kama at nakadapang nagsisigaw. "Aahhh!! Magsama kayong dalawa!!"

Ilang oras din akong nagsisigaw at umiiyak hanggang sa mawala ang galit ko. Talagang hindi nila ako sinundan!?. Napasabunot nalang ako sa inis..

Habang hinihintay silang makauwi ang talukip ng mga mata ko ay pabigat ng pabigat dala ng pagod at kulang sa tulog kaya hinayaan kona ang sarili kong magpahinga muna at tuluyan na ngang pumikit ang aking mga mata.

Two WorldWhere stories live. Discover now