Chapter 6- the intruder

22 5 0
                                    

Athena's POV

"Athena, gising na!" Malakas na sigaw ni Nicole. Hinila niya ang kumot na nakatalukbong sa buong katawan ko.

"Nicole mamaya na! Inaantok pa ako"

"Ano!? Alas diyes na aber! Anong oras kaba natulog ha?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya at pinagpatuloy ang pagtulog ko, inaantok pa talaga ako dahil hindi ako makatulog kagabi at anong oras narin nung natulog ako.

"Athenaaaaa, punta daw tayo kina tita Ruth e, gising na oohhh...." Malambing na sabi niya at dinaganan ako.

"What the heck, Nicole! Umalis kanga diyan! Babangon nanga ohhh.." Nag pumiglas ako para makaalis siya sa pagkakadagan saakin. Ayaw kopanamang iniinis ako kapag bagong gising.

Nang makaalis siya sa pagkakadagan saakin, kinuha ko ang unan sa tabi ko at akmang ibabato sakaniya pero mabilis siyang tumakbo papalabas habang tumatawa.

"Nicole!! Bwisit ka talaga!!!" Malakas na sigaw ko"

Bumalik siya at sinarado ang pinto "Do you wanna play in outside?" Pagkanta niya gamit ang tono dun sa frozen na si anna yung nagkakanta.

Sinabayan ko kabaliwan niya "No Nicole!"

"Ok bye..." Malungkot na sabi niya. What the heck! Ano nakain ng babaeng yun!?

Tumayo na ako kahit inaantok pa talaga ako. Kung itutuloy ko pa ang pagtulog ko malamang na babalik ulit si Nicole para inisin ako.

Pumunta muna ako sa banyo para maligo. Buti nalang may sariling banyo itong kwarto namin at hindi na ako mahihirapan bumalik sa kwarto upang mag ayos. Dapat lagi akong maganda gurl, ano pang silbi nitong vacation namin kung hindi ako makakapag landi kay Brylle diba? Hahaha

Pagkatapos kong naligo at mag ayos sa sarili, kaagad akong lumabas. Gaya ng inaasahan ko, ako nalang ang hinihintay nila at may kaniya-kaniyang hawak na cellphone. Sabay-sabay silang tatlong napatingin saakin pero kay Brylle lang ang tingin ko at nakangiting bumati ng "Goodmorning".

Habang nag lalakad kami, todo paganda ako kay Brylle dahil nakaayos ako pero parang wala man lang siyang napapansin saakin.

"Tsk! Apaka manhid talaga" pabulong na sabi ko

"Ano nanamang binubulong-bulong mo diyan Athena?" Makahulugang sabi ni Nicole at inakbayan ako

"Wala! Ang panget mo" pagtataray ko sakaniya dahil naiinis parin ako sa pag gising niya sakin kanina.

"Oowwss narinig koyunnn ang sabi mopa nga-" mabilis kong tinakpan ang bibig niya at tumigil sa paglalakad namin na ikinatigil din nina Brylle at Daniel.

Kabadong mabagal na ibinaba ang kamay ko sa bigbig ni Nicole na madaldal na gusto kong tahiin.

"Oh nandito na pala kayo..." Masayang lumapit saamin si Tita Ruth kasama ang dalawa niyang anak. Hindi man lang namin napansin na makarating nakami. Pero Wooo! You saved my life again Tita Ruth! Thank yah matchi matchi!

Sabay-sabay kaming lumapit kay Tita Ruth at nag mano. Nilapitan ko si Leo at bahagyang kinurot ang pisngi niya, ngumiti siya saakin na lalong nagpa cute sakaniya. Gusto ko sanang kagatin ang pisngi niya dahil nanggigigil ako sa ka cute-tan niya pero wag nalang baka kagatin niya rin ako pabalik.

"Tara, pumasok na tayo sa loob" anyaya ni Tita Ruth

Hinawakan ko ang maliit na kamay ni leo at sabay kaming pumasok sa bahay. Isang babaeng parang kasing edad lang namin ang bumungad saamin at masayang bumati. Isa-isa niya kaming nilapitan at nakipag shake hands, huli niyang nilapitan si Brylle at medyo matagal ang paghahawakan nila ng kamay napansin koring namumula ang pisngi niya.

"Ako nga pala si Joy ang magpapaligaya sa buhay niyo. Char! Hahaha" masiglang sabi niya

Nakitawa nalang ako kahit ang korni niya gurl! Sarap kurutin haha

"Siya nga pala, pamangkin ko siya at nakatira siya sa ilalim ng bundok" Tita Ruth said while setting the dining table.

Nakaupo kami sa upuan na gawa sa kahoy. Katabi ko si Brylle sa mahabang upuan at kasunod niya si Daniel at Nicole habang si Joy naman ay nasa single chair sa gilid na malapit kay Nicole.

Napapansin kong pasulyap sulyap siya kay Brylle dahil katabi kolang si Brylle kaya huling-huli siya saakin. Kinuwento niya na nakita niya na kami sa unang pagpasok namin sa Elkmont at nakita niya ring kausap namin si Tita Ruth kaya alam niya kung nasaan kami.

"Marami akong alam na lugar kung saan pwedeng libutin dito para ma-enjoy niyo naman ang lugar namin" masayang sabi niya sabay sulyap nanaman kay Brylle. May problema ba mata mo gurl!? Tusukin koyan e upang umayos-ayos naman. " Ano nga pala ang pangalan niyo? Haha hindi pa kasi kayo nag papakilala" dagdag niya pa.

"Ay! Nahiya naman kami. Kanina kapa kasi dada ng dada, tusukin ko mata mo para dikana makatingin sa bebe ko" shempre sa isip kolang yan nasabi. Mabait ako ngayon

"Ako nga pala si Nicole" panimulang sabi ni Nicole

"Daniel"

"Eizeus Brylle" pagpapakilala niya tyaka siya ngumiti. napansin konanaman na namula ang lukarit ng banggitin ni Brylle ang pangalan niya kaya nainis na ako. Ang landi ni Brylle! Pero sakin di niya magawa!?

Marahas akong tumayo at mabilis na pumunta sa kusina, narinig ko pang tinawag nila ako pero pinagpatuloy ko ang paglalakad at umupo sa mga upuan sa lamesa.

"Oh, Athena bakit ka nandito? Hindi pa handa ang pagkain" naka ngiting sabi niya at lumapit sina leah at leo saakin na kanina'y tinutulungan ang kanilang mama at duon may pumasok sa isip ko ng isang katanungan.

"Tita Ruth, nga pala bakit kapag umaalis kayo hindi niyo iniiwan ang mga bata kay Joy? Diba pamangkin niyo po siya?" Tanong ko ngunit ngumiti lang siya saakin.

"Athena, bakit ka umalis kaagad? nagkakatuwaan dun ohh" Ang sabi ni Nicole nung makalamapit siya saakin. Ngumiti lang ako sakaniya, hindi ko masasabi ang promblema ko dahil nandito si Tita Ruth at katabi ko ang dalawang bata baka marinig nila at sabihin pa nila sa Joy nayun na mukhang dishwashing.

"Tara leah, leo doon munta tayo laro tayo kasama ate Joy niyo" hahawakan na sana ni Nicole ang kamay ni Leah kaso mabilis itong nakaatras at umiling-iling.

"Tinutulungan namin si Mama e hehe sorry po." Ang sabi ni Leah na ikinalungkot naman ni Nicole

"Ah ako rin po tutulungan kona rin kayo." Ang sabi ko kay Tita Ruth at binalingan ulit si Nicole "Nicole punta kana doon sabihin mo tinutulungan ko si Tita Ruth na magluto"

"Kailan ka natutong magluto?" Kunot nuong sabi niya.

"Kaya tutulungan lang e no! Panira ka! Alis kana nga diyan! Magsaya kayo doon hanggang mahulog ang panga niyo!"

Itinulak tulak ko siya papalabas ng kusina. Pinanliitan niya pa ako ng mata bago siya umalis. Alam kong alam niya narin na iba ang kinikilos ko. Mamaya tayo mag chismisan gurl. Sigh.

Two WorldWhere stories live. Discover now