Nicole's POV
Masyadong mabilis ang pangyayari kanina nung magka bungguan sina Athena at si Joy. Nung una hindi ako naniwala kay Athena dahil alam kong may galit siya kay Joy pero ngayon pinaliwanag saamin ni Leo ang lahat ng nangyare nang makaalis ang dalawa. Duon ko narealize na napakawalang kwenta kong kaibigan kung hindi sinabi ni Leo ang lahat siguro maniniwala din ako dito sa babaeng to. Minabuti muna naming hindi sabihin ang lahat kay Brylle baka hindi siya maniwala saamin.
Susundan sana ni Brylle si Athena pero nagreklamo si Joy na hindi daw siya makatayo at makalakad, tatangi sana si Brylle dahil nakakalayo na si Athena at baka hindi na niya mahabol. Tinaasan ko siya ng kilay dahil alam kong kay Daniel niya ipapaubaya si Joy. Aba sabunutan konalang yan at kaladkarin hanggang sa makarating kami sa bahay ni Tita Ruth wag lang siyang buhatin ng boyfriend ko.
Kaya walang nagawa si Brylle kundi buhatin siya.
Nasa bahay kami ngayon ni Tita Ruth at hindi namin sinabi ang totoong nangyare kung bakit napilayan si Joy ang dinahilan nalang namin na nadapa siya. Ang ipinagtataka kolang e kakakilala palang namin sakaniya ganoon na ang inasta niya.
"Alas dose na, kain na tayo" lumabas si Tita Ruth sa kusina at nilapitan kami. Ilang oras din kaming naka upo dito at hindi namin namalayan na hapon na pala "Nasaan pala si Athena?" tanong ni Tita Ruth na ikinatahimik naming lahat. Katabi ko si Leo at Leah na hindi rin umiimik.
"U-umuwi po siya kanina kasi inaantok daw po siya" pagbabasag ko sa katahimikan. Mukhang nakumbinsi konaman siya sa pag sisinungaling ko and he went back to the kitchen and invited us to eat.
"Zeus pwede mo ba akong alalayan papunta sa kusina?" Natigilan ako sa paglalakad ng magsalita si Joy, walang emosyon na tinignan ko si Brylle dahil may part na galit ako sakaniya dahil kinampihan niya ang babaeng yan kesa kay Athena at hanggang ngayon dipa siya nag babago.
Lahat kami ay nasa kusina except kay Brylle dahil nasa sala siya at ayaw niyang kumain na ikinalungkot ni Joy. Sige manigas ka kakaisip kay Athena. Minsan talaga hindi ko alam ang tumatakbo sa isip nito kung bakit di niya mapansin na may gusto si Athena sakaniya o kaibigan lang talaga yung turing niya kay Athena? Ugh! Basta sumasakit ulo ko sakanila.
Siniko ko si Daniel at nag sign ako na bilisan niyang kumain para kaagad kaming makauwi at baka ano na nangyari dun sa babaeng yun.
Pagkatapos naming kumain tinulungan muna namin si Tita Ruth na mag ligpit ng pinag kainan at syempre si Joy nakaupo lang at pinapanood lang kami sa ginagawa namin. Bago kami umalis may ibinigay saamin na pagkain si Tita Ruth para kay Athena at Brylle at de lata para narin sa kakainin namin mamayang gabi.
10 minutes bago kami makarating sa bahay na tinitirhan namin.. Dali-dali akong pumunta sa kwarto at nakahinga naman ako ng maluwag ng makita si Athena na mahimbing na natutulog. Sinarado ko ulit ang pinto at pumunta sa kusina para ilagay ang pag kain na ibinigay ni Tita Ruth.
"Is she okay? " Halos mapatalon ako sa gulat ng mag salita si Brylle, kasama niya si Daniel na pumunta sa kusina at nilapitan niya ako.
"I thought you were mad at her?Why do you seem so worried?" Humarap ako sakaniya at natahimik siya sa sinabi ko.
Nasa likuran ko si Daniel at mas lalo siyang lumapit saakin "baby please, We are here to have fun, not to fight" mahinahong sabi si Daniel na nag pakalma saakin. Daniel was right, we are here to have fun.
"I'm sorry, She is in our room and sleeping" pagkatapos na sabihin koyun ay ngumiti siya at lumapit saakin.
"Ako na ang magbibigay ng pagkain niya, sabay na kami" ibinigay ko sakaniya ang dalawang topper wear na ibinigay ni Tita Ruth na nag lalaman ng ulam at kanin. Kaya pala hindi siya kumain kanina para sabayan niyang kumain si Athena pag dating niya dito, ganoon ba Brylle?. Napangiti ako sa naiisip ko.
"Bakit ka pangiti-ngiti diyan?" Napahinto ako sa pag-iisip ko ng magsalita si Daniel at kunot noong nakatingin saakin. "Gusto mo si Brylle no?" Binatukan ko siya ng sabihin niya yun.
"Ikaw lang gusto ko ayyiiee"
****
Athena's POVNaramdaman kong parang may nakatingin saakin kaya iminulat ko ang mga mata ko pero hindi ko siya makita dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Baka nandito na si Nicole.
"Nicole" hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinila ko siya dahilan ng pagkahiga niya sa kama. Niyakap ko siya ng mahigpit. Teka.. Bakit parang pamilyar yung amoy niya? Iminulat ko ang mga mata ko at laking gulat ko ng sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Napabalikwas ako sa pagkakahiga "bakit ka nandito?" Tumayo siya at may kinuha sa maliit na lamesa sa tabi ng kama. Nang makita ko ang hawak-hawak niya biglang tumunog ang tiyan ko na kaaagad ko namang hinawakan.
Lumapit siya saakin at ngumiti "I know you are hungry, let's eat together " kumunot ang nuo ko sa sinabi niya. Ganun-ganon nalang bayun? Parang walang nangyare sakaniya kanina lang? Mas naniwala siya sa babaeng yun.
"No Brylle, ayaw ko, sayo na lahat yan" napalunok ako sa sinabi ko. Busit na bunganga to gugutumin pa ako. Galit ako kay Brylle pero hindi sa pagkain, takte kasi. "Ay hindi pala, akina yang pag kain ko then go out"
"Athena"
"Brylle" pagkabigay niya saakin ng isang lalagyanan ng pagkain ay tumalikod na ako sakaniya akmang maglalakad na ako papunta sa maliit na lamesa ng magsalita siya.
"Look, I'm so--"
"Sorry nanaman!?"pagpuputol ko sa sasabihin niya pero hindi ako humarap sakaniya, ayaw kong makita niya akong ganito. "Lagi nalang, simula nung high school tayo ganiyan kana. Laging ako ang pinapamukha mong masama porke lagi akong napaaway!? Bakit inalam moba kung ano ang dahilan kung bakit ako napapaaway? Hindi diba? Kasi wala kang alam, wala kang alam kundi mag sorry lang pagkatapos mong magpaka super hero kasi ayaw mong nakikitang galit yung BESTFRIEND mo diba? Na tinuturing mong KAPATID... Hah! Nakikita mo akong malakas Brylle, pero may kahinaan din ako" kinagat ko ang hintuturo kong daliri upang pigilan ang nagtatangkang pagbuhos ng mga luha ko.
"Athena" narinig kong naglakad siya papunta saakin at mabilis ko namang bahagyang itinaas ang kaliwang kamay ko para huminto siya sa pag lalakad.
"Please, Get out" I said calmly.
"Athena"
"Brylle, Please" nagmamakaawang sabi ko
"Let's talk "
"No Brylle, I said get out!" Nawalan nako ng pasensiya kaya napasigaw na ako sakaniya. Ilang minuto lang ang lumipas ng marinig ko ang pagsara ng pinto. Biglang nanghina ang mga tuhod ko dahilan ng pagkakaupo ko sa sahig at bigla nalang bumagsak ang kanina pang nagtatangkang lumabas, ang mga luha ko.
YOU ARE READING
Two World
Science FictionA woman name Athena who has long been in love with his best friend, Brylle. Nicole, Daniel, Brylle and Athena spent their whole summer in a well-known ghost place. *** August 22 2020-