Athena's POV
One week na ang nakalipas nung mangyare ang away namin ni Brylle. Pilit niya parin akong gustong kausapin pero hindi ko siya binibigyan ng pagkakataon na kausapin ako dahil habang nakikita ko silang magkasama ni Joy mas lalo akong nagagalit pero hindi ko pinahalata, nag-enjoy nalang akong makipag laro at mamasyal kasama ang dalawang bata at hanggang ngayon napaka misteryoso ng mga nangyayare tuwing gabi kaya naka isip ako ng plano para makalabas ng bahay kahit mahigpit na ipinagbabawal ni Tita Ruth ang bagay na iyon.
Bagot na bagot na ako gusto ko talagang makakita pa ng bago, nung isang araw niyayaya kong lumabas si Nicole pero ayaw niya talaga kahit pilitin ko dahil baka mapanganib daw at takot na takot...
Hinintay ko munang makatulog ng mahimbig ni Nicole, para maka sigurado inilagay ko sa malapit ng kaniyang ilong ang dalari ko. Nang malaman kong kalmado na ang kaniyang paghinga na nagpapahiwatig na mahimbing na ang kaniyang pagtulog, dahan-dahan akong bumaba ng kama at bahagyang naglakad upang hindi makagawa ng ingay.
Paglabas na paglabas ko sa kwarto halo-halong emosyon na ang nararamdam ko, may takot, takot na baka bigla akong mahuli at excitement na nararamdaman sobrang lakas din ng tibok ng puso ko kaya pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko buksan ang pinto papalabas ng bahay. Huminga muna ako ng malalim at dahan-dahan kong pinihit ang pinto at ilang sandali pa'y natulala ako sa aking nakita dahil mas malawak na ang nakikita ko sobrang dami ng mga ilaw sa paligid na mas lalong nagpaganda sa bundok. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang lugar sobrang mag kaiba ang hitsura ng lugar tuwing pagsapit ng liwanag napaka swerte ko dahil ako lang ang nakakakita.
Napag-isipan ko na kung nakikita din kaya nila ako? Kaya naglakad ako palabas ng bahay at pinagmasdan ang mga tao sa paligid ko. Nanginginig akong lumapit sa isang babaeng parang kasing edad kolang na nakaupo sa harap ng bahay nila.
"Ahhmm.. hello? Are you a human??" I asked but she ignored me "Bagay, lugar? Ano ba to?ah! Baka hayop hehe!" I said but she still ignored me "hello..." Iwinagayway ko ang kamay ko sa harap niya pero parang hindi niya ako nakikita tanging naka tingin lang sa sa mga batang naglalaro sa labas kahit gabi na. Aahh baka bulag
"Alice!" Biglang tumingin sa kaliwa ang babaeng nasa harap ko at kumaway siya sa tumawag sakaniya. Tumingin din ako sa kinakawayan niya pero pag harap ko napapikit ako dahil nag derederetso siya na parang hindi niya ako nakikita. Ilang segundo lang ng wala akong naramdaman kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
"Bakit mag-isa ka lang?" tanong ng lalaki kay alice daw pangalan.
"Hhmm hello?" Naiinis na ako kasi hindi nila ako pinapansin. Ano to? Ako payung multo dito? Ang ganda ko namang multo. Hinawakan ko ang balikat nung lalake pero nanlaki ang mga mata ko ng tumagos lang ang aking kamay dun sa katawan niya. What the heck!!. I freak out. Ang ibig sabihin hindi talaga nila ako nakikita? No wayyyy.
Pumunta ako sa gitna ng daan at nagpapansin sa mga tao sa paligid, ay hindi ko pala alam kung tao sila or baka ako yung multo dito? Pero hindi ako patay noh! Duh!. Sumayaw sayaw ako at nag tumbling. Bawal kasi akong sumigaw baka marinig ako nina Nicole patay ako nito.
Nang mapagod ako dahil hindi talaga nila ako nakikita, naglakad-lakad ako at pinagmamasdan ang bawat nakikita ko. Ang ganda talaga promise di nakakasawang tumambay lagi dito tapos malaya kapa sa mga gagawin mo kasi di naman nila ako nakikita. Uy! Wala akong ginagawang masama ah libot lang talaga, hindi ko naman pinagnanasahan yung mga gwapong nakikita ko dito, libot lang talaga...
"Hindi paba nila naayos yung tower?" Napahinto ako ng marinig ko ang pinag-uusapan ng dalawang babae na mukhang nasa middle age na. Tower? Wala namang tower dito sa buntok aahh.
"Hindi pa, konting tiis nalang daw magagawa nayun pero hanggang ngayon hindi pa. Nag-aalala na ako sa nangyayare dahil hanggang ngayon hindi nila magawa-gawan ng paraan tapos balak pa tayong paalisin dahil sa nangyare" Parang galit na sabi nung isa pang babae. Nag taka ako sa sinabi niya. Paalisin?. Umalis nalang ako kasi hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila at nilibang ang sarili.
Naglakad-lakad pa ako nang hindi ko napansin na sobrang layo ko na sa bahay. Patay ako nito pag nagising si Nicole na wala ako sa kwarto. Mag lalakad na sana ako pabalik sa bahay ng biglang may mga lumitaw na alitaptap sa damuhan.
"Wow" I said in amazement. Sinundan ko ng tingin ang mga alitaptap kung saan sila papunta ng makita ko ang malaking puno sa tuktok ng buntok na punong-puno ng mga alitaptap. I stared at the tree for a few minutes without realizing I was walking towards it.
When I reached the top of the mountain I was even more amazed by what I saw. Inilibot ko ang paningin ko sa buntok and I was stunned by the man sitting under the tree surrounded by fireflies.
YOU ARE READING
Two World
Science FictionA woman name Athena who has long been in love with his best friend, Brylle. Nicole, Daniel, Brylle and Athena spent their whole summer in a well-known ghost place. *** August 22 2020-