Athena's POV
"WOW...." sabay naming sambit ni Nicole, pagbaba namin sa jeep.
Nasa entrance palang kami mukhang exciting na ang mangyayare hahaha. Napaka gloomy ng lugar sobrang creepy din na lalong nagpa excite sakin.
Narinig kong nagsinghapan ang dalawang lalake sa likod na may hawak-hawak na maleta "sh*t" halos pabulong na sabay nilang sambit. Kita kopang nag sign of the cross pa si Daniel. Hindi ko talaga alam kung anong nagustuhan ni Nicole sa loko-lokong to.
May mga iilang tao rin naman akong nakikita. Siguro sila yung mga natira dito or nagbabantay kasi matagal ng nagsi alisan ang mga tao dito dahil marami daw ang nagparamdam kaya binansagan nila itong ghost town.
Pagpasok na pagpasok namin sa entrance ng elkmont unang napansin ko ang yung babaeng nakasabay namin sa jeep.
'Hala dikoman lang siya napansing bumaba kanina.'
Lumapit ako kay Nicole at bumulong "hindi ba't siya yung babae kanina?" Turo ko dun sa babaeng nakasakay namin kanina sa jeep.
"Yes she is!"
"Sshhh! Wag kang maingay!" I shushed her. Pero huli na ng mapansin niya kami at papalapit na ngayon saamin.
"Binabalaan ko kayo, huwag na kayong tumuloy, walang nagtatagal dito na kagaya niyong curious sa mga bagay-bagay" seryosong sabi ng babae na lalo talagang nagpa excite saming dalawa ni Nicole pero yung dalawang lalake sa likod? Nevermind.
I smiled at the woman in front of us "Pasensiya na po pero gusto po naming mag bakasyon dito kahit ilang araw lang po at kung pwede rin pong mag tanong kung may nagrerentang bahay po dito kahit maliit lang? handa po kaming mag bayad ng kahit ilan." I said calmly to the woman.
We stared for a few more minutes before she sighed--senyales na ako ang nanalo. Duh no one can stop me anyway.
"Sumunod kayo saakin" tumalikod na siya saamin at nag lakad.
Sinimulan kong galain ang aking paningin sa bawat nadadaan namin. Manghang-mangha ako sa nakikita ko, sobrang dami ng puno at ang lamig-lamig ng hangin na magpapatayo ng mga balahibo sa iyong buong katawan. Kahit mag tatanghali na malamig parin ang klima dito.
Sa paglalakad namin mapapansing sa entrance ng elkmont lang ang may mga iilang taong nakatira sa mga baha-bahay, habang palayo na kami ng palayo ang bawat nadadaanan naming bahay ay wala ng nakatira kahit isang tao, kaya kinabahan na ako kung saan kami dadalhin ng babaeng nasa harapan namin para ituro ang daan papunta sa pansamantalang titirhan namin.
"Ate, halos walana pong mga tao rito, saan po tayo pupunta?" I asked nervously
"Sumunod lang kayo" The woman said without looking us.
Nawala ang kaba ko ng biglang hawakan ni Brylle ang kamay ko, parang pinapahiwatig niya na hindi ako nag-iisa at kasama ko siya kahit saan kami mapunta at hinding-hindi niya ako iiwan at magsasama kami habang buhay.
Umiling-iling ako kasi sobrang lawak nanaman ng imagination ko, kaloka! Alam ko naman na support na kaibigan lang yan or maybe takot lang siya kaya wag assumera.
Inilibang ko nalang ang sarili ko sa paligid ng mapansin ko ang napakalaking puno sa tuktok ng bundok at nag-iisa lang iyon. Halos nasa gitna narin kasi kami ng bundok pero hindi parin kami nakakarating sa sinasabi ng babae.
"Nandito na tayo" sabi ng babae. Hindi koman lang napansin na nandito nakami dahil sa kakatingin sa malaking puno.
Hindi naman gaanong kalaki at hindi rin maliit ang bahay, kumbaga sakto lang saaming apat, gawa sa kahoy rin ang bahay. Sinumulan naming pasukin ang bahay at ayos naman ang lahat at saktong dalawa rin ang kwarto. Halatang nililinisan rin ito paminsan-minsan.
"B-Bakit dito niyo po kami d-dinala? Marami naman pong b-bahay duon sa ibaba" nanginginig na tanong ni Daniel na nagpatingin sa aming lahat sa kaniya.
Lumapit ang babae saamin at laking gulat ko ng mag-iba ang kaniyang ekspresiyon, malayong-malayo sa babaeng kausap namin kanina sa paanan ng bundok.
"Ako nga pala si Ruth, pero pwede niyo akong tawaging Tita Ruth" Magalak na sabi niya
Iisa lang ang ekspresiyon naming apat--naka nganga.
YOU ARE READING
Two World
خيال علميA woman name Athena who has long been in love with his best friend, Brylle. Nicole, Daniel, Brylle and Athena spent their whole summer in a well-known ghost place. *** August 22 2020-