Chapter 12- Confused

15 4 0
                                    

Athena's POV

  Gabi nanaman, pero mas pinili kong hindi muna umalis ng bahay. Nandito kaming apat sa sala at kumakain ng mga snacks na binili nila bago kami umalis. Ok narin si Brylle

  "Kailan pala tayo uuwi?" Tanong ni Daniel

  "Next month, may 3 weeks pa tayo kaya wag kang GG"(GaGad sa kapampangan. Nagmamadali naman sa tagalog hehe) sabi naman ni Nicole

"May naririnig ba kayo tuwing gabi?"tanong ulit ni Daniel na ikinatahimik namin. Tumingin saakin si Nicole na kaagad kong sinenyasan sa wala siyang sasabihin na may nakikita ako.

  "Maaga akong natutulog kaya wala akong naririnig" ang sabi naman ni Nicole at kumaha ng pagkain. Berigud. "Ikaw ba, Brylle?" Tumingin kaming lahat kay Brylle.

  "Oo, kung alam mo lang,Nicole, parang bakla yang boyfriend mo kung makayakap saakin" kami naman ngayon ang nakatingin kay Daniel na pulang-pula.

  "A-ah, b-bakit ako lang!? Pati rin naman ikaw. Umiiyak kapa nga kapag umaalis ako ng kwarto" ang sabi naman ni Daniel habang naka ngisi. Humagalpak kami ng tawa ni Nicole sa mga pinagsasabi nila.

  "What!? Hindi ako umiyak! Napuwing lang ako dahil maalikabok sa kwarto. Tapos hindi pa ako makatulog sayo dahil paulit-ulit mong  dinadasal yung 'Our Father' " sabi pa ni Brylle habang ginagaya yung boses ni Daniel. Napahawak pa ako sa tiyan ko. Sobrang sakit na nang tiyan ko sa kakatawa. "Tapos umihi kapa sa kama" pabulong na sabi ni Brylle kahit narinig naman namin.

  "Aarrgghhkk!! Anong sabi mo!?" Nilapitan niya si Brylle at sinakal. HAHAHAHAHA "You said we keep it a secret!? " Ang sabi pa ni Daniel na mukhang naiiyak

  "Y-You are the one who started it!"

  Nagulat ako nang makita ko si Nicole na nakahilata, nilapitan ko siya at hinawakan ang balikat niya at niyugyog-yugyog.

"Woy! Ayos kalang!?"

"Ha-ha-ha-ha" ang creepy niya! Tumatawa siya habang umiiyak. Tinapiktapik ko ang pisngi niya para matauhan. Nasobrahan nanaman siya sa tuwa! Nakakatakot!

  "Aarrggghhh" tumingin ako sa dalawang lalaki at nagkapalit na sila ng pwesto si Brylle na ngayon ang nananakal kay Daniel. What the heck!? Sino uunahin ko!? Nakaisip ako ng paraan para mas mapadali.

  'mini mini maynimo pwit ng kabayo kamukha mo babalik-babalik sa dati mong pwesto'

  Nang matapos ang kanta, huminto ang daliri ko kay Nicole--pahiwatig na siya ang uunahin ko. Sinampal kona para matauhan.

  "Ah! Anong nangyare!?" Napangiwi ako sa sinabi niya.

  "Help me!" Itinuro koyung dalawang nagsasakalan. Pinuntahan namin sila at pinaghiwalay yung dalawa.

  "Para kayong mga bata! Kita niyo, itatapon ko kayong dalawa sa labas!" pananakot ni Nicole. Nanlaki ang mata nila at mabilis na nilapitan ang isa't-isa at nagyakapan. Napangiwi ako sa ginawa nila. What the heck!? Sumasakit ulo ko sa dalawang to!

  Iniligpit muna namin ang mga pinag kainan namin bago kami pumasok sa kwarto namin. Sabay kaming humilata ni Nicole sa kama. Hayst! Heaven!

  "Kailan ka aamin kay Brylle? 3 weeks nalang uuwi na tayo" Nicole said while looking at the roof.

  "Hhmm. I dunno. Maybe when everything went well" i sighed

  "Huh?what do you mean?" Tanong niya at tumingin siya saakin "Hindi pa ba kayo ok ni Brylle?" I smiled

  "Ayos na kami, I'm just afraid that one day when I confess to him, baka biglang magbago ang pakikitungo niya saakin" napabuntong hininga ako ng maisip ko iyon. Iyon ang ikinatatakutan ko dahil hanggang ngayon nasa isip ko parin na kaibigan lang ang turing niya saakin, that's why i change my mind. Gusto kong siya ang umamin saakin na gusto niya ako. Pero masyadong malabo na mangyari yun ugh! Sige Athena imagine pa!

"What!? He obviously like you, gurl!" Hindi ako nag salita. Yes, he like me because he considers me as a little sister.

  "Ugh! Never mind, let's just sleep" tumagilid ako at ngumiti nalang at hinintay na dalawin ng antok.

  "Athena, bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ni Lola sa harap ng pintuan at nilapitan ako. Umupo siya sa kama at hinimas ang ulo ko.

  "Hindi ako makatulog Lola, kwentohan mo ko tungkol sa dalawang mundo" I pouted

  "Oh sige, pagkatapos matulog ka na ha?" Tumango ako at ngumiti

  "Iilan lang ang nakakaalam sa dalawang mundo" panimula ni Lola "Only those with the ability to see people on the other side of the world knows they exist, hindi pwedeng malaman ng karamihan ang tungkol sa dalawang mundo, kapag nangyari yun magkakagulo ang buong mundo natin dito. Ang kabilang mundo ang may hawak sa bagay na nagpapanatiling magkahiwalay ang dalawang mundo, parang barrier iyon apo. Kaya pinatilihan nilang maging sikreto ang bagay na iyon. Parehong-pareho lang ang ikinalalagyan natin pero hindi pwedeng magsama ang mga tao sa iisang mundo kaya hinati nila iyon at pinag-hiwalay. Dahil kapag nangyari iyon..."

  "Lola ano pong mang yayari?"

  "Ma..." Ang sabi niya pero hindi ko siya marinig

  "Po? Hindi ko po kayo maintindihan" pero hindi niya ako pinapakinggan at patuloy lang siya sa pagsasalita kahit hindi ko siya maintindihan. Parang nag e-echo pero wala akong maintindihan.

  "Lola! Lola!"

  "Lola!" Napabalikwas ako sa pagkakahiga at hingal na hingal. Napanaginipan ko nanaman si Lola. Tumingin ako kay Nicole. Buti nalang hindi ko siya nagising. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 5:25 am palang. Tumayo ako at pumunta sa kusina at naghilamos. Bakit lagi kong napapanaginipan yung kwento ni Lola tungkol sa dalawang mundo?.

  Habang pinupunasan ko ang mukha ko nagulat ako ng biglang lumitaw si Brylle sa pintuan.

  "Why are you up so early today?"

  "Hhmm .. I dreamed of Lola again, e ikaw?"

  "Ganitong oras talaga ako gumigising" nagulat ako nang sabihin niya iyon. Ang agaaaaa naman! Tapos ako 10? Minsan ala una na hehe. "Coffee?" Tumango ako. Pinagmasdan ko siyang nagtitimpla ng kape hanggang sa matapos "Here"

  "Thanks" kinuha ko ang tasa at inilagay sa lamesa sa harapan ko at umupo. Walang nagsasalita saamin kaya sobrang awkward sis!

  "Thank you" Brylle said.

  Eh?

  "For what?"
 
  "For taking care of me yesterday, It's so embarrassing" wait! Is he blushing?

  "Hahaha!"

  "W-why are you laughing?"

  "Oh, I'm sorry, ok lang You're my best friend so no big deal" pag didiin ko dun sa salitang best friend. Haha. Ngumiti siya saakin at uminom ng kape.

  "Yeah, Athena?"

  "Hmn?"

  "Never do that again" kumunot ang ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

  "What?"

  "When you're avoiding me" napalunok ako sa sinabi niya. Mabilis kong ininom ang kape. Napabalikwas ako sa pagkakaupo. Aarrghhh! Ang init!!

  "A-are you ok?" Nilapitan niya ako

  "Haaaa! My tongue, my tongue" turo ko sa dila ko habang nakalabas..

  "Don't move!" lumapit siya saakin nang sobrang lapit! And he blew my tongue. Natulala ako sa ginawa niya. What the f*ck!? What is he doing !?. Nang magtama ang mga mata namin, mabilis akong umiwas sakaniya at ganon din siya. Hinawakan ko ang pisngi ko at sobrang init ng pisngi ko!!AAHH!!

  "Ang aga niyo ata?" Kakamot-kamot sa ulong sabi ni Daniel.

  "M-maauna n-na ako" utal na sabi ko at nakayukong naglakad papuntang kwarto.shit

Two WorldWhere stories live. Discover now