Chapter 13- hide and seek

10 4 0
                                    

Athena's POV

  "Athena tara na! Pumunta na tayo kina Tita Ruth, aalis na daw siya!" Sigaw ni Nicole sa labas ng Kwarto.

  "Wait lang! Malapit nakong matapos!" Sigaw ko pabalik. And last! Liptint!. Pagkatapos kong lagyan ng liptint ang labi ko, kininditan ko ang sarili ko sa salamin. Ugh! Ang ganda ko talaga!

  "Athena bilisan mo!" Sigaw ulit ni Nicole, kaya lumabas na ako

  "Ayan nanga oh! Tapos na!"

  Paglabas namin ng bahay nakaabang nayung dalawa.

  "Bakit ang bagal mo lagi Athena?" Tanong ni Daniel. Tinignan ko siya ng masama.

  "Pake mo!" I rolled my eyes

  "Hetong baliw na to, kotongan kita diyan e" sabi ni Nicole kay Daniel at inaambaan pa.

  "Nag bibiro lang naman ako babe, dimo nako love?" Napangiwi ako sa sinabi niya. Seryoso? Ha!

  "Korni mo pre! Tara na hinihintay na tayo dun" sabi ni Brylle at inakbayan niya si Daniel at sabay silang naglakad.

  "Ate Tinaaaaa!" Sigaw ni Leo ng makita kaming paparating sakanila at kumaway-kaway siya,  kumaway din ako pabalik. Ewan koba sa batang to bakit Tina tawag sakin.

  "Hi Leo!" Tumakbo siya papalapit saakin at niyakap niya ako. Ugh! Sarap sigurong magkaroon ng kapatid. Lumuhod ako para magpantay kami at niyakap korin siya, narinig kopang tumawa si Tita Ruth. Tumingin ako kay Brylle at nakatingin din siya saakin at ngumiti, nginitian korin siya pabalik.  "Tara dun tayo, lalaro tayo mamaya" Pag lapit namin kay Tita Ruth nagmano muna kami.

  "Aalis nako, kayo na bahala diyan ah"

  "Sige po, mag-iingat po kayo" Nicole said.

  "May pag-kain na sa loob kaya pumasok na kayo"

  "Sige po" sabay-sabay naming sabit kaya pumasok na kami dahil gutom na kami.

  Pag pasok namin sa bahay ang saya-saya ko kasi hindi ko nakita si Joy. Una naming pinuntahan ang kusina.

  "Leah, Leo kumain na kayo?" Tanong ni Brylle sa dalawang magkapatid.

  Umiling silang dalawa "hindi pa kuya, hinintay namin kayo" napangiti ako sa sinabi ni Leah. aawww ang sweet naman nilang magkapatid, talagang hinintay pa kami.

  "Tara kain na tayo" sabi ko sakanila at sinimulan na nanaming kumain.

  Habang kumakain kami napansin kong kanina pa ako tinitignan ni Leah, parang may kahulugan ang tingin niya saakin.

  Pag katapos naming kumain pumunta kami sa sala at naisip ni Daniel na mag laro kami ng tago-taguan pero siya yung taya kasi natalo siya sa saputi't itim. Yung babaliktarin yung kamay.

  Nagtago kami sa likod ng pintuan kasama ko Leo.

  "Boom! Brylle!" Narinig kong sigaw ni Daniel "Base!!" Sigaw niya ulit ng makarating siya base. Shete! Kailangan kong iligtas si Brylle!!.

  Akmang sisilip palang ako sa tinataguan namin biglang bumukas ang pinto"Boom!! Athena and Leo!!" Sigaw ni Daniel.

  "Aahh!!" Nag unahan kaming tumakbo sa base.

  "Base!!" Sigaw ni Daniel.

  "Ugh! Ang daya mo naman, nanghihila ka e!"

  "Bakit ako lang? Ikaw ang naunang nanghila--"

"Base!!" Sabay kaming tumingin ni Daniel sa sumigaw. "Taya ka ulit, bleh!" Tatawa-tawang sabi ni Nicole

  "Athena kasi e!!" Reklamo ni Daniel

  "Ohh bat ako nanaman!?"

  "Sige na,sige na!! Mag tago na kayo!" Hala pikon!

  Pag talikod ni Daniel sabay-sabay kaming tumakbo at kaniya-kaniyang tago. Kasama ko naman ngayon si Leah sa ilalim ng kama nila.

  "Ate Athena" pabulong na tawag niya saakin

  "Yes?" Ang sabi ko habang nakatingin sa labas at nagbabantay. Baka bigla kasing pumasok sa kwarto si Daniel, lagot kami.
 
"Ate, nakita kita nung isang gabi"

  Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sakaniya. Kaya ba ganun makatingin sakin tong batang to kanina? Hala lagot! Mapapalayas na kami!. "Leah, l-look, listen, and l-learn" sh*t ano bang sasabihin ko?. "A-alam naba ni mama mo?" Kabadong tanong ko. Ngumiti siya saakin at umiling bilang sagot niya. Nakahinga ako ng maluwag.

  "Nakikita morin ba sila, ate?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya at pinag-isipan. Natigilan ako sa pag-iisip at tumingin sakaniya.

  "Oo ate, nakikita korin sila" at ngumiti siya saakin.

Two WorldWhere stories live. Discover now