Chapter 9- The past

23 4 0
                                    

Athena's POV

Hindi nanaman ako makatulog kakaisip dun sa nangyareng pag aaway namin ni Brylle kanina lang.sa isang araw lang napakarami na ang nangyare simula ng dumating ang babaeng yun na mukhang.. dishwashing.

Bumuntong hininga nalang ako ng biglang pumasok sa isip koyung mga sinabi niya saakin nung High school palang kami.

"Kilala mo si Nicole?" Napahinto ako sa paglalakad ng bigla kong marinig ang pangalan ni Nicole.

"Yung grade 10-Diamond?" Ang sabi pa nung isang babae.

"Yes,yes,yes, sila nadaw ni Daniel, hah! Anong nakita ni Daniel dun? Ang landi pa" hinanap ko kung saan yung dalawang babaeng nag uusap. Got yah baby tignan natin kung sinong malandi.

Kaagad kong nilapitan ang dalawang babaeng nag uusap. Wala ng intro-intro pa kaya mabilis kong hinablot ang buhok nilang dalawa na ikinagulat naman ng mga tao sa paligid namin.

"Sa susunod pakihinaan ang boses niyo yung hindi ko naman marinig para hindi tayo umabot sa ganito!" Ipinagdikit ko ang ulo nila at mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa buhok nila.

"Totoo naman na malandi yang kaibigan mo, oppss! Pati narin pala ikaw, masyado kayong papansin kina Brylle at Daniel!" Talagang nakapag salita pa siya!?. Mas lalong kumulo ang Dugo ko kaya sinuntok ko ang mukha niya.

"Oh ano!? Sasagot kapa? Ha!?ha!?" Susuntukin ko pa sana siya ng biglang may sumigaw sa di kalayuan.

"ATHENA!" Sigaw nung tatlo habang tumatakbo papalapit sa pwesto namin ng dalawang babae, mukhang grade 8 palang yata mga to ganito na makaasta. Marahas kong inalis ang pagkakasabunot ko sa dalawa dahilan ng pagkakatumba nila.

Pag lapit nilang tatlo, as usual si Brylle nilapitan yung dalawang babae at tinulungan niyang makatayo yung dalawa. Ows gentle men?

"Ano bang nangyare?" Nag-aalalang tanong ni Nicole

"Kasi--" tinignan ko ng masama ang kanina pang dada ng dada na ikinatigil niya naman.

"Athena, lagi kanalang napapa away. Anong nangyare sayo? Hindi ka naman ganiyan ah?" Ayan naaaaa nagpapaka super hero nanaman paano ko ba nagustohan to?

"C'mon! Wala akong kasalanan yang dalawang yan--"

"Athena, tama na" may otoridad na tonong sabi ni Brylle na ikinatahimik ko. Kung hindi kalang gwapo kanina pa kita sinapak, char!. And of course as usual i walk out again, ayaw kona kasi yung pagka bossy niya kapag ganito ang nagyayare.

Pagkatapos ng klase sabay-sabay ulit kaming umuwi kahit hindi kami mag kakaklase. When we were outside the gate natigilan ako sa paglalakad when Brylle suddenly grabbed my hand.

"Mauna na kayo" Brylle said to them. Tumingin siya saakin at ngumiti "We need to talk"

Nasa library kami at buti nalang kakaunti nalang ang mga tao para iwas issue. Ay issue...

May nakita siyang babae na nahihirapang abutin ang libro kaya nilapitan niya ito at siya ang kumuha. Napangiti ako sa ginawa niya kaya hindi nakakapag taka kung bakit napakaraming nag kakagusto sakaniya. Bumalik ulit siya sa kina uupuan namin at mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kaniya.

"Galit ka paba saakin?" Panimula niya. Hindi ako tumingin sakaniya "Athena, tumingin ka saakin" tinibayan ko ang sarili ko para hindi tumingin sakaniya. "Athena please, ayaw kong nagagalit saakin ang Bestfriend ko" at duon na ako napatingin sakaniya.

"Haha Bestfriend" ngumiti ako sakaniya, ayaw kong ipahalata na nasaktan ako sa sinabi niya. Sabi ko nga Bestfried lang kami.

"Sorry pala kanina, lagi kanalang kasing napapaaway, I was just worried earlier. Alam mo na, parang kapatid na ang turing ko sainyo" sh*t double kill

"Haha kapatid" tumawa ako ng bahagya para hindi halata. Diyan tayo magaling e, magpanggap na kunyare masaya.. Pero ang sakit naaaa

"Athena ok kalang?" Nagtatakang tanong niya dahil nahalata niya sigurong parang maiiyak na ako. Paktay.

"H-ha? Haha wooohh ang init naman dito" pinaypayan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko kahit hindi naman talaga mainit may Aircon nga e, kahit ang totoo niyan parang babagsag yung mga luha ko. Nako Athena malakas ka diba? Kayanga Athena ang ipinangalan sayo. Kinuha ko ang phone ko sa palda ko at kunyare may nag text. "A-ah Brylle si Mommy nag text hinahanap na ako" pagsisinungaling ko para makaalis lang ako sa tabi niya at dali-dali akong tumayo at mabilis na naglakad palabas ng library.

Simula nun itinatak ko sa isip ko na hindi ako susuko. I stood up on the bed because I heard something outside a noise like last night. Dahan-dahan kong hinawi ng kaunti ang kurtina and this time naninigurado akong hindi na ako namimilik mata. Kinusot ko ulit ang mga mata ko para manigirado ulit and confirm talagaaaa. Hindi ko alam kung ma eexcite ako or what.

Lumapit ako sa kama para gisingin si Nicole. "Nicole, Nicole gising" tinapik tapik kopa ang pisngi niya para magising siya

"Mmmm? Bakit?" Inaantok pang sabi niya. Hindi niya iminulat ang mga mata niya kaya tinapik ko ulit ang pisngi niya "Ano ba Athena?..."

"May mga tao sa labas hindi ko alam kung multo mga yun kasi hindi naman sila mukhang multo" pabulong na sabi ko. Nagulat pa ako ng biglang iminulat ni Nicole ang mata niya at nanlalaki pa ang mga to.

Umupo siya at hinarap ako "t-t-totoo b-ba?" Pautal-utal na sabi niya. Tumango lang ako. Sabay kaming tumayo at nilapitan ang kurtina, hinawi ko ulit ng kaunti ang kurtina yung mata lang ang makakasilip, ganonnn..

"Kita mo?" Tanong ko sakaniya

"Athena" tumingin ako sakaniya nang tawagan niya ako, nakatingin parin siya sa labas at ang likot ng mga mata niya na parang may hinahanap.

"Kita mo?" Pag-uulit ko. Tumingin siya saakin na naka kunot ang nuo at nagtataka.

"Athena, walang tao sa labas niloloko mo lang yata ako e" natigilan ako sa sinabi niya

"Ha? Pero" tumingin ulit ako sa labas at kitang kita ko ang mga tao na masayang nag uusap at may mga iilang batang naglalaro sa kani kanilang bahay. Nanlaki ang mga mata ko ng marealize kong ako lang ang nakakakita.

"Wait" Napatingin ako kay Nicole nang bigla siyang mag salita. "But I can hear something "

"Really?then what?" Bigla kong tinakpan ang bibig ko medyo napa lakas ang boses ko baka kasi magising namin yung dalawa sa kabilang kwarto.

"I feel like someone is walking, So does that mean you are the only one who sees them?wow Athena sana all, and... The rumors about this mountain are true"

"Yupppp.. exciting right?" i giggled

"At kaya pala mahigpit na ipinagbabawal ni Tita Ruth na bawal lumabas tuwing gabi" sabay naming sabi

"Ang akala ko nga hindi totoo, kasi wala talaga akong maramdaman na kahit ano, so tuwing gabi lang?" tumango-tango ako sa sinabi niya na parang bata " What they look like?" Katulad ko para rin siyang batang excited na kwentuhan ng kaniyang Lola. Nakakatuwa lang kasi may bestfriend ako na pareho ang vibes at gusto namin. Sumilip ulit ako sa bintana at sinabi lahat ang mga nakikita ko.

"If that so, What are they?"

Two WorldWhere stories live. Discover now