Athena's POV
Pag gising ko kaagad kong kinuha ang phone ko para i check ang oras.
'Shockss! 6 pm na, ilang oras ba akong natulog?'
Napakamot ako sa ulo at naglakad patungo sa pintuan ng mahawakan kona ang door knob akmang bubuksan ko palang ito ng bigla itong bumukas at laking gulat ko ng biglang hawakan ni Brylle ang kamay ko at isinara ulit ang pinto.
He leaned me against the door and he cornered me. He stared at me which made me even more nervous.
"I apologize for what I said earlier" he said with a husky voice. Mukhang kakagising niya rin.
Napalunok ako gurl! Sino ba naman kasing hindi kakabahan kapag ginanyan ka ng isang gwapong nilalang and plus! Crush mo pa?
"A-ahh, e-ehhhh i, o, u? Ha-ha-ha" utal na sabi ko sakaniya. Dear diary hindi ko makakalimutan ang araw nato na sine-seduce ako ni crush, CHAR!
Tinitigan niya ako sa mata pero hindi ako nagpatinag at titinitigan ko rin siya pabalik. Staring contest bato!?
Napansin kong papalapit ang mukha niya na nagpapikit saakin. Hindi ko alam kung bakit ako pumikit siguro sinasabi ng utak ko na hahalikan niya ako kaya pumikit ako.... Naramdaman kong sobrang lapit na nang mukha niya kaya napalunok ulit ako at ngumuso nalang.
"Ang pangit mo"mahinang bulong niya sa tenga ko.
I opened my eyes widely at tinitigan siya ng masama. Nag expect ako na hahalikan niya ako tapos bubulungan niya lang ako!?
Itinulak ko siya ng malakas pero hindi siya natinag. Tumatawa pa siya na lalong nagpakulo ng dugo ko, sa sobrang inis ko bigla nalang tumulo ang luha ko na nagpatigil sakaniya.
"Hey c'mon Athena, i'm just kidding" natatarantang sabi niya pero tuloy-tuloy parin ang pagbagsak ng mga luha ko.. Nag expect kasi ako Brylle! Walang hiya ka!
"Hey,hey,hey please stop I don't want you to cry, it hurts me." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko and he wiped away my tears that continued to fall.
Niyakap niya ako at bumulong "Listen to me, I'm sorry for what I said. Ayaw kong umiiyak ka, nahihirapan ako, Athena, kapag nakikita kitang ganiyan"
Tumigil ako sa pag-iyak at akmang magsasalita sana ako ng may malakas na kumatok.
"Hoy! Baka gusto niyo munang lumabas para kumain?" Sarkastikong sabi ni Nicole. Panggulo naman sa moment kainis!.
Itinulak ko ng bahagya si Brylle para umalis siya sa pagkakayakap niya saakin at mabilis kong binuksan ang pintuan. Kaagad na tumambad sa harapan namin si Daniel at Nicole na mapanuring nakatingin saakin, inirapan ko sila at nilagpasan. Attitude ako gurl!
Pagkatapos naming kainin ang ibinigay ni Tita Ruth, pumunta kami sa sala at umupo sa sahig na nakapabilog at nagtitigan. Btw katabi ko si Brylle, mainggit kayo.
Ilang saglit pa ay biglang nag salita si Nicole "Para kayong mga tanga, ano? magtitigan nalang tayo?"
"Subukan kaya nating lumabas?" I suggested. Ipinukpok ni Brylle ang hawak niyang walang laman na bottled mineral sa ulo ko. "Ouch!" I pouted
"Are you crazy!? Hindi ba't ang bilin ni Tita Ruth na walang lalabas!?"
"Nagbibiro lang naman ako! Bakit kailangan mopang ipukpok sakin yan?" Paano koba lalandiin to kung lagi niyang pinapainit ulo ko. Konti nalang talaga bi-bingo na sakin to.
"Ang tigas kasi ng ulo mo. Tignan monga nayupi yung bote"
"Natural! Paanong hindi yuyupi yan e ang lakas ng pukpok mo!"
"Anong malakas!? Hindi naman masyadong malakas ang pagpukpok ko sayo aahh!"
"Para kayong mga bata! Mag sitigil nga kayo!" Sigaw ni Nicole na nagpatigil saamin "pasalamat kayo walang tao sa mga bahay na katabi natin kung hindi mapapaalis tayo dito ng wala sa oras" pagpatuloy niya pa.
Walang nagsalita saamin at pinili naming manahimik. Tama rin naman siya.
Tinignan ko si Nicole na nakakunot ang nuo na nakatingin saaming dalawa ni Brylle at nakapamaywang pa siya, para siyang nanenermon ng bata na may kulangot sa pisngi-- wait what!? Bat may kulangot!?
Pinipigilan kong hindi matawa dahil sa itsura niya. Inilipat ko ang paningin ko kay Daniel na pulang-pula halatang pinipigilan din ang kaniyang pag tawa.
"Ah--pft,"tumikhim siya para ayusin ang kaniyang pananalita "ah-- p-punta muna ako sa--pft kusina--" paalam ni Daniel kay Nicole na nakakunot parin ang kaniyang nuo.
Mabilis siyang tumayo at nakita kopa siyang tumawa ng makalagpas na siya saamin.
Tinignan ko si Brylle na namumula narin at hindi makatingin kay Nicole.
Lalong nainis si Nicole ng mapansin niya ang ikinikilos namin.
"Anong nakakatawa!? Seryoso ako dito."
Nilapitan ko siya at binulungan na may kulangot siya sa pisngi niya. Nanlaki ang kaniyang mga mata at mabilis na tinignan ang kaniyang repleksyon sakaniyang cellphone.
"A-athena, tara na matulog na tayo, i-inaantok na ako" she said and yawn. Tumayo siya at patakbong pumunta sa kwarto namin.
Tinignan ko si Brylle at tumayo narin siya. Lumapit siya saakin at inabot niya ang kaniyang kamay. "Go to sleep too" he said and smiled. Huwag kang ganiyan Brylle, hahalikan kita sige ka.
Pagpasok ko ng kwarto nakita ko si Nicole na nakahiga na at bubulong-bulong. What the heck! Pft akalakong inaantok na to.
"Nawala angas ko, nakakahiya. Nakita ba ni Daniel yun?" Bulong niyapa
"Syempre nakita niya hahaha"
"Shut up, Athena"
"Oppss sorry hahaha" Ang taray gurl
Hindi na niya ako pinansin at pinagpatuloy niya ang pagbulong niya hanggang sa makatulog siya. Kahit anong gawin ko hindi talaga ako makatulog, ilang oras na akong nakapikit pero waepek parin.
I checked the time"10 pm" pabulong na sabi ko. I sighed.
Nagulat ako ng may marinig akong ingay mula sa labas ng bahay. I was scared but there was a little excitement. Tumayo ako at lumapit sa bintana na natatakpan ng kurtina, dahan-dahan kong hinawi ang kurtina. Wala na akong marinig, tanging tibok lang ng aking puso ang naririnig ko sa sobrang lakas nito.
When I parted the curtain, there were people outside passing by the house. Napaatras ako sa nakita ko at naguguluhan, hindi ko alam kung tao ba ang mga yun o multo. bumalik ako sa kama. Baka namilik mata lang ako or something... Bahala na! Basta hindi ko muna sasabihin sa dalawang bakla, ang nakita ko baka hindi na makatulog tuwing gabi, kay Nicole na muna siguro.
YOU ARE READING
Two World
Ciencia FicciónA woman name Athena who has long been in love with his best friend, Brylle. Nicole, Daniel, Brylle and Athena spent their whole summer in a well-known ghost place. *** August 22 2020-