Dahan dahan kong dinilat ang aking mata, binalik nanaman nila ako dito sa dorm napangiwi ako at pinukpok ng bahagya ang aking ulo ng kumirot iyon hanggang sa makita ko sa gilid ng bed ang isang box kaya kinuha ko iyon at binuksan bumungad sa akin ang latest iphone agaran ko iyong binuksan at nakitang may load na agad iyon at nandun din ang mga contacts ko kaya dinial ko kaagad ang number ni dad bago bumangon at pumunta ng banyo para maghilamos
Ilang ring pa ang nangyari bago sinagot ang tawag ko
"Sino po sila?" boses ng secretary ni dad, i calm myself at sinabi kung sino ako
Narinig ko ang ilang bulungan sa kabilang linya bago ko narinig si dad na nagsalita, pumikit ako at hinilot ang sintido
"Napatawag ka Archery?"
"Totoo ba dad?"
"Ang alin?" tumawa ako at kinuyom ang kamao doon ko nakitang may benda na iyon
"Wag mo nga akong pinagloloko dad malaki na ako hindi na ako bata, totoo ba ang sinasabi ng lalaking nagngangalang Hugo Sullivan? binenta mo ako sa kanya? para yumaman ka? gusto kong malaman yung totoo...please dad sabihin mo sakin yung totoo"
Hindi ito nakapagsalita sa akin kaya napayuko ako and I sniff, damn hindi ko na kailangan pang paaminin ng matagal si dad dahil sa pagtahimik niya alam niyang totoo ang binibintang ko sa kanya, he's so desperate na pati ako na anak niya ay binenta niya para sa luho niya, kaming dalawa nalang ang nagsasama, nagmamahalan bilang magtatay dahil wala na si mom para alagaan kaming dalawa pero siya ang gumawa ng paraan para magalit ako at kamuhian siya
"Tangina!!" sumigaw ako at humagulgol
"Anak.....makinig ka, may utang ang lolo mo sa mga Sullivan noon hindi na nito magawang bayaran dahil pumanaw na ang lolo mo akala namin ng mama mo ay kinalimutan na nila ang tungkol doon pero ng isilang ka ng mama mo bumisita sa amin ang mga Sullivan pilit na pinababayaran ang utang na naiwan ng lolo mo, hanggang umabot ng dalawang taon na hindi namin nababayaran iyon humina ang mama mo dahil dumami ang problema sa kompanya nawawalan tayo ng mga shares dahil napupunta lahat sa mga Sullivan" kagat kagat ko ang ibabang labi ko habang pinakikinggan ang sinasabi ni dad
"Namatay na ang mama mo ng umabot ka ng tatlong gulang nahirapan ako, lagi kitang pinupuntahan sa kwarto mo tuwing ang laki ng problema ko, dumating yung araw na isinama kita sa kompanya hindi ko inaakala na susulpot muli ang mga Sullivan kasama na nila ang lalaking magmamana sa yaman ng Sullivan nakatitig siya sayo hanggang lumapit siya satin, tulog kana nun buhat buhat kita hinawakan niya ang paa mo at saakin tumitig"
"Gusto nitong bilhin ka ngunit hindi ako pumayag ikaw nalang ang naiwan ng mom mo sa akin, tinakot nila ako na kapag hindi ko sinunod ang gusto ng lalaking nakahawak sa paa mo ay maghihirap tayo walang tatanggap satin at luluhod tayo sa putikan"
"Kaya ba pumayag kayo?" nanghihina kong sabi
"Pumayag ako dahil ayokong maranasan mo ang hirap ng buhay at ng araw na iyon nawala nalang ng parang bula ang utang ng lolo mo natigil ang away sa pagitan ng Sullivan at Llysander buwan ang makalipas nagulat ako ng mas lalong nadagdagan ang yaman natin hanggang makilala ako bilang isa sa mga multi-billionaire"
"Alam mo bang galit ako sa ginawa mo?" sigaw ko dito
"Alam kong darating ang araw na magagalit ka saakin, kaya nakapaghanda na ako at siguro eto na iyon Archery anak....."
"Don't call me that, binenta mo na ako kaya wala ka ng mapanghahawakan sa akin" binato ko ang phone sa gilid saka nilublob ang buong katawan sa bathtub, idinilat ko ang mata kahit nasa ilalim ng tubig at napansin na may anino kaya inangat ko ang ulo upang tignan kung sino yun
It's Hugo, nakasandal siya sa hamba ng pinto ngayon at nakacross ang dalawang braso
pinakalma ko ang sarili at tumingin nalang sa kisame kahit wala namang magandang makikita doon, so ano na niya ako? katulong? gwardya? binili din ba niya ang tatlo niyang kasama sa mansion? para akong bida sa isang kwento yung binebenta sa isang mayaman? kaso ay lalaki ako at hindi babae
"So naniniwala kana?"
"Tinakot mo ang dad ko" tumayo ako hindi inintindi ang hubot hubad kong katawan na makita niya, lalaki kaming pareho walang malisya pero sa kanya ay meron dahil may pagtingin siya sa akin, hindi ako papayag na madapo ang kamay niya o kahit na isang balat niya sa katawan ko
"Nagpatakot siya...."
"Dahil iniisip niya ako" tumigil ako ng makalapit sa kanya "what do you want me to do then serve you a wine? maging gwardya mo? sabihin mo......" inis kong sabi at paulit ulit na tinulak ang dibdib niya gamit ang hintuturo ko
Bago pa niya mapigilan ang pagtulak ko sa kanya ay lumayo na ako
"Huwag mo akong hahawakan" madilim kong sabi at tumalikod na sa kanya sabay abot ng tuwalya na nakasabit sa gilid at binalot iyon sa bewang ko at lumabas na ng banyo
"Gusto mong malaman kung anong gusto kong gawin mo?" hindi ko ito pinansin kumuha ako ng damit ko at nagbihis sa harapan niya
"Wala na akong magagawa diba? binili mo na ako" tinapon ko sa gilid ang tuwalya saka umupo sa gilid ng kama
"I want you to only sit down and let me love you....." ngumisi ako at inangat ang tingin para makita siya
Nakasuot ito ng itim na shirt at jogging pants, kitang kita ko ang maganda niyang kutis na parang bampira ang kulay para siyang walang dugo pero kaibahan naman nun ang kaniyang labi na sobrang pula, magaganda din ang kaniyang mata kulay abo......
Sinasayang niya ang kagwapuhan niya kung nagkakagusto din ito sa kapwa lalaki, napailing ako dito
"Straight ako.....pagawa mo na ang gusto mong pagawa saakin, huwag mo lang akong mahalin dahil sinasabi ko na sa iyo wala kang mapapala sa akin, babae ang hanap ko" lumapit ito saakin at marahas na hinawakan ang panga ko, pilit ko iyong tinatanggal ngunit malakas siya
"I want you, your body, your soul, your lips, akin ka hindi ka mapupunta sa iba!! binili kita dahil gusto kita kaya huwag na huwag mo akong tatanggihan sa mga hinihiling ko sa iyo, wala kang karapatang tumanggi saakin!!" kasunod ng sinabi niya ang marahas nitong paglapa sa aking labi, dumugo ang labi ko sa sobrang pagkagat niya tinulak ko siya at pinagsusuntok
Maya maya ay binitawan na ako nito kasabay ng pagsuntok ko sa panga niya
"Tangina mo dude, umalis ka sa harapan ko!!" sigaw ko at muli siyang sinuntok, lahat ay sinasalo niya hanggang mapaupo ito sa sahig at pinunasan ang dugo sa napuruhang labi
"gawin mo ang gusto mong gawin saakin Archery, kapalit nun ay gagawin mo din lahat ng gusto kong gawin mo" tumayo ito at tinalikuran ako
(Chapter 10: edited)