Ilang araw na ang nakakalipas simula ng mangyari iyong pagsuntok sakin ng lalaking iyon mas lalong naging mainit ang kaniyang ulo at lagi nalang akong tinutulak o kaya ay minumura, bilib naman sakin sila Tyson dahil noon daw maliit ang pasensiya ko....siguro dahil limang taon akong nasa puder ng mga taong mababait kaya nahawa na din ako at kahit anong gawin ko ay wala akong maalala iyon ang pinagtataka nila Cypher kaya ngayon ay nandito kaming tatlo sa hospital, nang tawagin na ang aking pangalan ay pumasok na kaming tatlo nila tyson at Cypher sa loob at umupo naman ako sa harapan ng lamesa ng doctor
"Base sa mga tinanong ko sayo kanina at sa mga sagot mo......" tumigil ito at tinignan ako saka ang dalawa na nasa gilid "sadly to say na hindi na maibabalik ang ala ala mo ,masiyadong malakas ang pagkakabagok mo"
"Disappointed ka ba?" Tanong ni Tyson
"A bit, pero ayos lang iyon mukhang wala din naman akong magandang naidulot kay Hugo noon kaya wala na din akong pake sa nakaraan ko" natatawa kong ani
"May tanong ako sayo......paano kung may minamahal ka noon na ka same sex mo?"
Napahinto ako sa pagpasok sa kotse ni Cypher at napatingin kay Tyson, seryoso ang kaniyang mukha hindi nahahaluan ng biro.....bakla ba ako noon?sino naman ang tinutukoy ng lalaking ito?
"Never mind" pumasok na ito kaya pumasok na din ako sa loob ng kotse
"Bakla ba ako noon?" Agad na napatingin sakin si Cypher
"Hindi porket nagkagusto ka sa isang lalaki bakla ka na" sagot nito
"Pero nagkagusto na ba ako sa isang lalaki?" Nagkatinginan si Cypher at Tyson tsaka sabay sabay na tumango
"Alam kong hindi ka maniniwala samin pero oo meron, mahirap ikwento lalo na at wala na talagang pag asa na bumalik ala ala mo......" Tyson
"Sino ang lalaking sinasabi niyo?"
Nagulat ako ng biglang pindutin ni Tyson ang aking dibdib kung saan nakabase ang aking puso, naintindihan ko naman ang kaniyang sinasabi kaya napatango ako at tahimik nang tumingin sa bintana, hindi ko man siya maalala makikilala parin siya ng puso ko.....
"Sigurado ka na ba talagang gusto mo si Pamela na kinukwento mo samin?" Tyson
Nitong mga nagdaang araw lagi kong naikekwento sa kanila si Pamela kung paano kami nagkilala at kung ano ang nagustuhan ko siya at ang pangako naming kami parin ang magkakatuluyan kahit na malayo kami sa isa't isa, kakaalis niya lang ng isang araw para pumunta sa America at doon mag turo gusto ko sanang samahan siya sa airport kaso sinabi niya na huwag na kaya hindi na ako nagpumilit pa
"Gusto ko siya....." nakangiti kong ani
Dumating na kami sa bahay kaya ako ang naunang bumaba at umakyat ng hagdan papasok na sana ako sa aking kwarto ng makarinig ako ng ungol sa nakauwang na kwarto ni Hugo kaya dahan dahan akong sumilip at nakita ko na may kahalikan siyang babae si Tiara yung girlfriend niya!!
Napatalikod agad ako ng mahubad na ni Hugo ng tuluyan ang damit ng kasintahan ayoko namang makita ang katawan ng babae niya dahil parang ibig sabihin nun hindi ko na sila ginagalang kaya sinarado ko ang kanilang pinto at baka masilip pa sila ng mga katulong at pag usapan
Humikab ako at nag dive sa kama
"Ang magaling na babaero ay bumalik na" napatayo ako ng makita ang isang lalaki na tan ang skin
May itsura din.....
"Sino ka?" tanong ko
"Ayokong makipaglaro sayo, alam mo ba kung ano ang ginawa mo kay Hugo sa limang taon?!" Dinakma nito ang aking damit at hinila papalapit sa kaniya "malibog ka Archery nagpakasal ka sa dalawang babae at tinira mo pa sila habang kayo pa ni Hugo at nababaliw siya kakahanap sayo, akala namin kung napaano ka na dahil tinangay ka ng tatay mong ulupong pero nagpapakasarap ka pala!!"
Hindi ako sumagot, hinayaan ko siyang magsalita dahil gusto kong marinig lahat ng nakaraan ko.......
"Nagsisisi ako na pinagkatiwalaan kita na makuha ng lubusan si Hugo kung alam ko lang na gagawin mo iyon matagal ko na siyang nilayo sayo!!" Napahiga ako ng bigyan ako nito ng malakas na suntok "sana hindi ka na bumalik, iyon ang hinihiling ko dahil nagiging gago nanaman ang kaibigan namin, nagseselos ka bang may kinakama siyang iba kaysa sayo?!"
"Magalit kayo sakin......ipaalala niyo lahat sakin, dahil tangina hindi ko ginusto na wala akong maalala!!" Sigaw ko "aalis ako kung ayaw niyo man ako dito"
Tatayo na sana ako ng mahigpit akong pinigilan ni Hugo, muling kumirot ang aking ulo, pangalawa na ito mas malala ang pagkirot kaysa noon, akala ko ay tumigil na pero bigla nalang ulit bumalik. Mahigpit ang pagkakahawak ni Hugo sa braso ko
"Hindi ka aalis dito hangga't hindi ko napaparamdam sayo ang sakit na naramdaman ko ng pagtaksilan mo ako!!"
Doon ko na nalaman na siya talaga ang lalaking sinasabi sakin nila Tyson kanina ang lalaking minahal ko noon ang lalaking nagpapatibok ng puso ko, tumigil ako sa pag galaw at hiniga na ng tuluyan ang aking katawan sa kama, hindi ko na alam ang gagawin ko.....para akong naiipit sa dalawang sitwasyon gusto kong malaman kung bakit ko nagawa kay Hugo ang sinasabi ng lalaking kaharap ko kanina,bakit ako nagpakasal? kung mahal ko si Hugo......bakit ko gagawin iyon?
"Ano nanamang kaguluhan ito?" Pumasok sila Tyson at nilayo sakin ang dalawa
"Hindi na babalik ang ala ala ni Archery iyon ang sabi ng doctor kanina kaya yang ginagawa niyo ay hindi nakakatulong sa kaniya, alam naming galit ka Hugo pero may tiwala ako kay Archery na ginawa niya iyon dahil may dahilan siya" ani ni Cypher
"Mc, lumabas na tayo" lumabas na silang tatlo kaya kaming dalawa nalang ni Hugo ang natira sa loob
Pumikit ako at nilagay ang aking braso sa noo
"Patawad sa kung ano mang ginawa ko noon" marahan kong ani
"Babe halika na----ow hi Archery" tumango nalang ako saka naramdaman nalang silang lumabas
Bigla nalang tumulo ang aking luha at napahawak ako sa aking ulo at ibdib, nasasaktan ako.........
(Chapter 46: edited)