RUN28

2.5K 99 5
                                    


Nakita ko kaagad si Itzy na nasa hallway at madaming dalang papers kaya agad ko siyang pinuntahan at tinulungan, parehas lang kami ng classroom kaya minsan ay lagi ko siyang hininintay sa harapan ng Sulivan campus hindi din nito maiwasang makaharap ang mga babaeng akala inaagaw niya ako sa kanila, but i trust Itzy's confidence palagi din naman siyang nakikipag away noon kaya kayang kaya na niya ang mga babaeng haharang sa kaniya


"Saan mo naman to dadalhin Itzy?" She chuckled


"Nakita ako ng isang matanda na Professor inutusan ako na dalhin iyan sa faculty room"


"Wala dito ang faculty room, nandoon iyon sa dulo follow me....."


"Kaya pala kanina pa ako ikot ng ikot wala naman pala dito" natawa ako ng makita itong nakangusong naglalakad


Nang marating namin ang faculty ay hinintay ko siya dito sa harap ng pintuan ng makita ko si Prof. Pisces na nag aayos ng kaniyang pulang hapit na bistida....bakit lagi nalang kaya itong minsan hindi nagpapakita minsan susulpot nalang sa gilid gilid bigla? well siguro dahil malawak at malaki ang Sullivan kaya talagang hindi kami nagkikita lagi


"Prof.pisces...." tawag ko sa kaniya


Napatingin ito sakin at nginitian ako ng matamis, i really love her body not in sexual way I'm just amuse.......


"Archery nandito ka pala, ano ang ipaglilingkod ko sayo?"


"Nakita lang kita, sinamahan ko lang ang kaibigan ko na ihatid yung mga papers ehh" tumango naman ito


"You need to be careful this time Archery, marami ng mapaglinlang sa paligid..." napatingin ako kay Itzy na humawak sa braso ko


"Hi....." ngumisi si Prof. Pisces kay Itzy at tumalikod na


"Remember what i told you Archery marami ng hindi makapagkakatiwalaan na tao ngayon....." rinig ko pang sabi ni Prof. Pisces


Napatingin naman ako kay Itzy ng humigpit ang hawak nito sa braso ko, i smile saka napailing nalang......


"Baka ma late tayo..." nagulat ako sa bigla nitong paghila sakin, nagbago aad ang mood niya, sinilip ko ang mukha niya habang hila niya parin ako, she's gritting her teeth, parang gusto niyang magwala


"Ayos kalang ba Itzy?" I asked


"I'm fine!!"


"Parang hindi....."


"I said I'm fine Archery!!" Lumaki ang mata ko ng sigawan ako nito


Tumigil siya sa paghila sakin humarap ito habang nakahawak sa kaniyang braso, kaibigan ko siya kung mya problema siya maaari niyang sabihin sakin, bumuntong hininga ako at hinila ang kaniyang kamay dahilan ng pagbagsak niya sa aking dibdib i tap her head hanggang marinig ko ang kaniyang mga hikbi napapatingin na din ang ilang mga estudyanteng napapadaan sa harapan namin

Run Through Walls(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon