Nang makauwi na ako sa mansion ay hinanap ko kaagad si Hugo, i want to talk to him para malinawan siya na kaibigan lang ang turing ko kay Itzy at alam kong kaibigan lang din naman ang turing niya sakin, binaba ko sa gilid ang aking bag saka binuksan ang butones ng aking polo at shinoot iyon sa hamper........
Hindi ko din maintindihan kung bakit pati din itong sila Cypher parang galit na galit kay Itzy, siguro nga dahil kaibigan nila si Hugo at alam nila na nagseselos ito dahil sa kasama kong babae na si Itzy haysss minsan din naguguluhan na ako sa mga kasama ko dito, kapag talaga napuno na ako babalik ako sa dorm ko para naman matahimik na ang buhay ko
Naabutan ko si Tyson na nasa sala na nakahiga sa couch habang nanonood ng movie, nakatas ang shirt nito kaya kitang kita ko ang v line niya, ang paa nito ay nakataas sa headrest ng couch habang may hawak hawak siyang popcorn. Nakita ako nito, kaya wala na akong nagawa at lumapit na sa kaniya
"Nasaan si Hugo?" Tanong ko
"Boyfriend mo siya bakit hindi mo alam?" Walang emosyon nitong sabi, kumunot ang noo ko
"Pati ba naman ikaw susungitan ako? kaibigan ko lang si Itzy, hanggang doon lang iyon"
"Yun na nga Archery kaibigan mo lang ang babaeng iyon at boyfriend mo si Hugo, yung kaibigan namin ang piliin mo........" inis kong ginulo ang aking buhok
"I know my limits......i'm helping my friend dahil bago palang siya dito mainit din siya sa mga mata ng mga babae"
"Kung ganon layuan mo...."
Ganun din sinabi sakin ni Hugo, kung tanungin ko din kaya na layuan nila si Hugo? o wag ng patirahin dito si Mc papayag ba sila? alam kong hindi dahil importante ang pagkakaibigan nila ganun din naman sakin, si Itzy nalang ang taong nakakaintindi sakin simula ng makilala ko siya at hindi ko kayang masaktan siya at umiyak ng dahil saakin
"Hindi ko kaya Tyson......" mahina kong sabi
Pinatay nito ang pinapanood na tv at umayos ng upo
"Kung papapiliin ka ni Hugo kung siya o yung babaeng iyon, sino pipiliin mo?" Tanong nito sakin, i expect this question....alam ko na tatanungin nila ako ng ganto
"Sabihin niyo lang kung wala kayong tiwala sakin Tyson, dahil hindi niyo naman ako papapiliin kung meron diba?"
"Iniintindi ko lang ang mararamdaman ni Hugo kung ang babaeng iyon ang lagi mong sinasamahan!!" Hindi ako nagpahalatang nagulat sa biglaang pagtaas ng boses niya
Malayo sa Tyson na kilala ko, maya maya ay nagsidatingan sila Hugo at napatingin agad samin, namumula ang mukha ni Tyson halatang galit na galit sakin, nakakuyom din ang kamao nito
"What's happening here?!" Parang kulog na tanong ni Hugo
"Dude, mainit ulo mo" tinabihan ni Cypher si Tyson habang si Ellio naman ay napailing nalang at umalis, Mc is now smirking katabi nito si Hugo na nakatayo lang sa gilid namin
"Kung mahal mo ang kaibigan namin Archery huwag kang ganiyan pinahahalata mong mas importante ang babaeng iyon kaysa kay Hugo" ani ni Tyson sa kalmado ng boses
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Hugo, napayuko na lamang ako.....
"Straight ka ng makilala ka namin, kaya hindi na din ako magtataka kung isang araw makahanap ka ng babaeng mamahalin mo kaysa sa kaibigan namin" Cypher
"Pareho pareho tayong hindi magkaintindihan" ani ko at tumayo "babalik na ako sa dorm, hindi ko kayang makisama sa inyo sa iisang bubong"
Agad akong umakyat ng hagdan at pumasok sa kwarto, kinuha ko ang mga gamit ko at isa isang pinasok sa loob ng bag na dala ng biglang may humila ng braso ko at tinapon ako sa kama
"What are you fucking doing Archery Llysander?!" Sigaw nito, hinila nanaman ang aking braso "nababaliw kana! hindi ka aalis dito, naiintindihan mo?!"
Para itong manglalapa ng tao, madilim na ang kaniyang mga mata lumalabas na din ang ugat sa kaniyang maputing leeg pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa braso ko, ngunit lalo niya lang iyong hinihigpitan nakita ko na din ang pamumula ng balat ko
"Tama na Hugo!! ihinto na natin itong ginagawa natin, wala na tayong napapala patagal ng patagal parang lumalayo na tayo sa isa't isa kaya mas magandang bumalik na ako sa dati kong ginagawa" napaawang ako ng higitin nito ang aking colar
"Dati mong ginagawa? ang magpahila sa mga babae?ganiyan ka na ba kalandi?!"
"Bitawan mo ako Hugo" mariin kong utos
"Hindi ka aalis!!" Binitawan ako nito at binalik lahat ng gamit ko sa dating lagayan
"Hindi ka na ba napapagod?!" Tumayo ako at muling pinagkukuha ang mga gamit na binabalik niya sa cabinet "hindi mo na ba nararamdaman na nawawala na ang dating tayo?! hindi ka ba nakakaintindi ng tama na?!"
"Ikaw ang napapagod sa ating dalawa Archery at hindi ako" Tumigil na ito sa pagbabalik ng mga gamit ko sa cabinet
"O....oo pagod na ako Hugo, s...sawa na a....ako, Tyson is right kahit na bumaliko ako babalik at babalik ang pag ka straight ko kapag may nakilala akong babaeng para sakin" tumawa ito at nakaramdam ako ng takot
"Ang babae bang pinagtatanggol mo samin ang babaeng sinasabi mo?!" Tinukod nito ang isang kamay sa tuhod saka dahan dahang tumayo "siya ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganiyan?!"
"Wala siyang kinalaman dito Hugo......ayoko ng emosyong pinakikita mo sakin gago ka!!" Ang kamao kong dadapo na sana sa kaniyang pisngi ay napigilan niya "tangina kapag nalaman ko na may ginawa ka sa kaniya, ako ang makakaharap mo Hugo Sullivan!!"
"Wag kang mag alala baby.......hindi pa ngayon" nagulat ako ng yakapin niya ang bewang ko at inangat ako sa sahig bago inilapag sa ibabaw ng kama "sinabihan na kita noon diba? don't run if you don't want me to break all your limbs.....but you want to run now"
Pumasok ang isang guard at pinigilan ako sa pagtayo, may kinuha si Hugo sa isang cabinet na isang box ng makuha ito ay lumapit siya sa akin at inisa isang nilabas ang mga gamit
"Damn you Hugo!! pakawalan mo ako tangina ka!!"
"You don't know me too well Archery....." iling iling itong pumunta sa ulunan ko at tinali ang kamay ko sa headboard ng kama habang ang guard naman na inutusan niya ay sa magkabila kong paa "hindi ka aalis dito......your mine, only mine!!"
"Aghh buysit bumalik kayo dito" napamura nalang ako ng ilang beses ng makaalis na sila
(Chapter 29: edited)