Muling lumipas ang mga araw at balik nanaman sa dating trabaho ang panghuhuli ng mga isda sa tamang paraan, pagod ako muling nagbuhat ng malaking timba na may mga lamang isda at binigay iyon kay mang Cardo at nilagay sa lalagyanan sa malaking truck.....namumula ang aking balat lagi din itong mahapdi kaya kapag nauwi kami ni Marco ay lagi ni lola Taz pinapahidan ito ng oil na hindi ko alam kung ano ang tawag nakapagtatanggal daw iyon ng hapdi, marami nang naliligo sa dagat dahil sa init na din ng panahon.
"Alonso may mga bisita mamaya" sabi ni Marco ng makalapit siya sakin "pupuntahan nila ang eskwelahan dito sa Inigo para magbigay ng pundasyon"
"Maganda iyon matutuwa si Pamela niyan" nakangiti kong ani
Guro kasi si Pamela sa maliit na eskwelahan dito sa Inigo, mamaya din ay susunduin ko siya.
Bumalik na kami sa ginagawa....
Naligo muna ako sa dagat bago nag bihis tsaka sabay kaming pumunta ni Marco sa eskwelahan Inigo may mga sasakyan ang nakabalandra ng makarating kami, tumakbo papalapit doon si Marco may pag hanga sa mga mata at animo'y gustong sumakay
"Huy Marco halika na baka magasgasan iyan halatang mahal" hinila ko siya ngunit hindi siya nag paawat
"Kunan mo ako ng litrato dali" binigay nito sakin ang luma niyang cellphone
Napabuntong hininga nalang ako bago lumayo ng unti at kinuhanan siya ng litrato, hindi ko talaga alam kung babae ba talaga itong si Marco.......
Mahilig kumuha ng litrato kapag may tipo, nauna na akong pumunta sa classroom kung saan nagtuturo si Pamela nakita ko naman siya na may malaking ngiti sa labi at may stick na hawak habang tinuturo niya ang mga letrang nakasabit sa taas ng blackboard, isa siyang grade three teacher lahat ng estudyante dito gusto siya
Nilagay ko ang aking dalawang kamay sa magkabilang bulsa at kinindatan siya ng madako ang kaniyang tingin sakin
"Hangang hanga ka nanaman kay Pamela" ani ni Marco na nasa tabi ko
"Sino ba ang hindi baka ikaw nga diyan may gusto sa kaniya ehh"
"Hindi ako nang aagaw Alonso!!" Sumimangot ito at kinawayan ang mga bata
"Sige na class breaktime muna" nagsimulang mag ingay ang mga estudyante niya at nagsilabasan naman ang iba
Pumasok ako sa loob at pinuntahan siya sa kaniyang desk pinatong ko ang dalawang kong braso sa desk niya at pinanood ang kaniyang ginagawa halatang naiilang siya kaya ngumisi ako, bagay na bagay niya ang kaniyang ayos ngayon pati na ang nakatali niyang buhok, nakasuot siya ng salamin sa mata mas nagmukha siyang sexy sa paningin ko....
"Tigilan mo nga ang kakatitig mo sakin" ngusong sabi niya
"Sobrang ganda ng tinititigan ko ehh" marahan nitong pinalo ang aking balikat tsaka tumayo
"Halika puntahan natin ang mga bisita na tumulong dito sa Inigo eskwelahan, nakakatuwa talaga na maraming gustong tumulong dito" napatango ako at sumunod sa kaniya