Matapos ang aming pagbebenta ng isda sa palengke ay napag usapan na naming umuwi, hinubad ko ang aking damit upang ipampunas saking katawan maya maya ay napatigil na lang kami ni Marco sa paglalakad ng makita namin ang pamilyar na mga sasakyan sa harap ng aming kubo kaya mabilis kaming tumakbo papasok at nakita namin ang apat na napatingin agad samin hanggang bumaba ang tingin nila saking hubad na katawan tumayo naman si lola Taz at agad akong niyakap kaya galit akong tumingin sa apat
"Anong ginawa niyo sa lola ko?" Galit na tanong ko
"W....wala silang ginawa sakin a...apo, kukunin ka na nila" ani ni lola Taz "sila ang totoo mong pamilya"
"Ano?"
Muli ko sila tinignan isa isa, lalo yung nasa dulo para niya talaga akong papatayin sino naman nagsabing pamilya ko ang mga ito, marami na ang loko loko ngayon baka ibebenta nila ang aking laman loob ng malaking halaga o kaya gagawin nila katulong madami na akong alam diyan dahil maraming ganiyan dito sa Inigo, nilagay ko ang aking damit sa gilid tsaka inalalayan si lola na makaupo muli
"Sumama ka na sa kanila Alonso, patawad at naranasan mong maghirap sa gayun ay mayaman ka naman pala, tignan mo ang balat mo sobrang babad na sa sikat ng araw pati ang kamay mo ay nagsusugat na....." ani ni lola Taz saka hinaplos ang aking pisngi
"Hindi ko kayo iiwan ni Marco, nangako ako na binigyan ko kayo ng magandang buhay" ngumiti ito
"Bumisita kana lang dito Alonso, mas matutuwa ako doon"
Umayos ako ng tayo, tinapik lang ni Marco ang aking balikat bakas sa mukha niya ang kalungkutan, dahil sa limang taon naming pagsasama tinuring namin ang isa't isa na parang magkapatid lagi din kaming magkasama sa kalokohan kaya mahirap paghiwalayin kaming dalawa
Tumango ako......at lumapit na sa apat
"Kaano ano ko kayo?" Tanong ko
"Kinuwento samin ni lola Taz na nakita ka niya sa dalampasigan na may sugat sa ulo at katawan at ngayon nalaman namin na mayroon kang amnesia, ako si Tyson" kinuha ko ang nakalahad niyang kamay
"Ako si Cypher" ani ng naka asul na buhok
"Ellio" maiksing ani ng tahimik na lalaki
Hindi nagpakilala yung masama ang tingin sa akin, kaaway ko ba siya noon?
"Hehe siya pala si Hugo at......ano mo siya....uhmm---" natigil si Tyson sa pagsasalita ng tumayo na si Hugo
"Kaibigan mo kami at kailangan munang bumalik kung saan ka nararapat Archery" malamig niyang ani
"Archery pala pangalan mo yayamanin" natatawang sabi ni Marco "paano na pala si Pamela?"
Napatango ako at iniwan muna sila doon at tinakbo ang bahay nila Pamela nakita ko siyang nagbabasa ng libro, tahimik akong kumuha ng bulaklak na gumamela saka iyon nilagay sa kaniyang tenga kaya ito nagulat sakin, natawa ako at umupo sa harapan niya