5 years later
"Oh isda isda isda kayo diyan"
"Suki,nakapunta ka dito"
"Petchay,kalabasa bili na"
Pinunasan ko ang aking pawis gamit ang aking damit na nakasabit sa aking balikat, kakatapos lang namin ibaba dito sa palengke lahat ng nahuli naming isda, masyado na din kasing padami ng padami ang mamimili ngayong buwan kaya kailangan din makarami ng mahuhuling isda, tinapik ako ni Marco sa likod at nilahad sakin ang palamig,siya ang naging kaibigan ko dito sa bayan ng Inigo at pinsan ko din.....
"Alonso tignan mo iyong mga babae hanggang ngayon hindi pa din nagsasawa sayo" nginuso ni Marco ang mga kababaihan na nakatingin saakin
"Sino naman ba ang mag sasawa sa isang gwapo at makisig na Alonso?" Pagmamalaki ko
"Oo na, halika na baka hinahanap na tayo ni lola Taz" tumango ako saka naglakad na papalayo sa palengke
Si lola Taz at Marco ang tinuring kong pamilya simula ng magising ako dito sa Inigo na walang maalala, hindi sila naging masama sakin tinulungan, binihisan at pinakain nila ako.....kaya malaki ang utang na loob ko sa kanila, gusto ko silang maiahon sa kahirapan kahit na makabili lang ako ng manok na naamoy ko kapag nadadaanan namin ang stall ng chooks to go lalo na ang pagkain sa jollibee minsan naman ay pinapasyal namin ni Marco si lola Taz sa mall at binibilhan ng daster...
"Ang kinis talaga ng balat mo Alonso, hindi halatang mahirap ka noon" natawa ako
"Kapag ako mayaman pala at pinahahanap ako tangina ibibigay ko lahat ng gusto niyo, makakahanap ka ng chix pare" tinulak nito ang aking balikat kaya napatawa nanaman ako
"Walang magkakagusto sakin chix pare chicks lang" humagalpak na ako ng tawa saka binatukan siya ay tumakbo "huy Alonso kapag binabatukan mo ako tumatakbo ka takot ka bang batukan din kita?!"
"Nagkakatuwaan ang mga apo ko ahh?" Niyakap ko si lola Taz
"Eto si Alonso binatukan nanaman ako" pagsusumbong ni Marco habang nakaturo saki ang isang daliri
Napailing nalang ako saka dumiretso sa likod at kumuha ng timba para lagyan ng tubig sa poso, sumandal ako sa gilid at hinintay na mapuno ang timba ng makita ko si Pam na papalapit sakin agad akong umayos ng tindig at sumipol sipol, kita ko naman ang pamumula ng kaniyang pisngi at nilapag ang timba sa gilid ko ng makita ko ang puno ko ng timba ay nilagay ko na ang dalawang malalaking timba niya at kinindatan siya
Maganda si Pamela ibang iba sa mga babaeng nakilala ko simple lang siya at laging namumula
"Ako na ang magbubuhat Pamela ayoko naman na mahirapan ka" ngumiti ito at hinayaan nalang ako na buhatin ang dalawang timba niyang may lamang tubig
"Mamaya pala ay may salo salo sa bahay namin iniimbitahan ni ni itay" pati ang kaniyang boses nakakahumaling
"Baka gusto nanaman akong kainuman" ani ko
"Hayss nag aalala nga ako sa bituka ni itay wala kasi siyang tigil sa pag inom" binaba ko na ang dalawang timba ng marating na namin ang gawa sa sementong banyo nila