RUN6

4.5K 231 5
                                    

 Mula ulo hanggang paa ay puro itim ang suot ko at gaya ng sinabi nung lalaki nagdala din ako nung pantakip sa mukha, lumabas na ako ng dorm ko at pinuntahan kung saan kami magkikita, madilim na ang kalangitan at unti nalang ang estudyanteng nagpapalibot libot at gumagala kaya wala na ding makakapansin sa amin, mukhang tinamad na din ang mga guards kanina na magbantay at nagpahinga ng maaga



Ngumisi ako at nakipag apiran sa kanilang tatlo na may takip din sa mukha, mapapasok ko na din ang mansion matagal na akong nagtataka kung ano ba talaga ang mayroon sa loob niyan ehh first time ko lang din magawa itong pagpasok ng isang malaking bahay na parang magnanakaw kami, i feel great that's all



"Huwag kayong magpapakita sa kahit na sino, malalagot tayo" tumango kaming tatlo sa sinabi ng kasama namin, yung kalbo "gumala lang kayo pero iwasan ang madakip"


Nagsimula na kaming maglakad papunta sa gilid dahil may masukal na puno at damo doon mahihirapan silang mapansin kung nandito kami, walang nagbabantay sa harapan pero ang sabi nila ay mas delikado kung doon kami dumaan dahil baka may patibong o kaya nasa pagilid lang ang mga gwardya, napangiwi ako ng tumama ang braso ko sa sanga na nanggagaling sa isang walang kadahon dahon na puno




Inis ko iyong pinutol at muling yumuko saka sinundan ang mga kasamahan ko I'm literally dead i mean were dead if we get caught doing this.....pagagalitan nanaman ako ni dad kung makarating ito sa kanya.



Tumigil na kami ng may makitang butas pangalawa akong lumusot bago sumunod ang iba, nasa madilim kaming part at kitang kita ko mula dito ang glass wall na kita ang sala kung saan may lalaking nakaupo doon at may nagsidatingan pang dalawa----holy fuck diyan ba sila nakatira yung tatlong panira sa buhay ko?!



Nagtatawanan ang mga ito at naghahampasan.....assholes.


"Dito na tayo maghihiwalay hiwalay, Archery kung mahuli man kami ay lumabas kana kaagad dito" tumango ako at dumaan na sa ibang sulok ng bahay pinanood ko pa ang tatlo kong kasamahang nag kanya kanya na, sana walang madakip saamin kundi patay na talaga



"Doon ka sa harap magbantay" napatago ako sa likod ng puno ng marinig ang mga salita at yabag ng tatlong guards


"Kanina pa ako sa harapan ikaw nalang, magkakape muna ako"


"Bilisan mo!!" inis na sabi ng isa at umalis na, lumabas na ako sa pinagtataguan at tumakbo, muling dinikit ang katawan sa dingding



"Fuck this......" masaya kong sabi at dahan dahang binuksan ang pinto mga ingay agad ng tatlong buysit ang narinig ko mula dito sa tingin ko ay malapit sila sa kinaroronan ko kaya ng mabuksan ko na ang pinto ay dumapa ako at pumasok sa loob saka muling nagtago



"Tangina mo Cypher ang daya mo kanina ka pa nananalo" rinig kong sabi ni Tyson the trespasser


"Ulol aminin mo na talagang talunan ka, kanina pa kita pinagbibigyan pero talo pa din, kaya huwag mo kong sinisisi diyan"


Nagulat ako ng pumunta sa gawi ko si museum guy i mean Ellio kaya naghanap agad ako ng mapapasukan nakita ko ang isang hagdan hindi kalayuan sa akin gumapang ako doon at umakyat na, napabuntong hininga nalang ako buti at hindi ako nakita second warning na ang gagawin niyan sa akin sabagay wala naman kami sa museum niya kaya first warning ulit




Tumayo na ako at nilibot ang tingin, sobrang dilim tanging liwanag lang ng buwan na nagmumula sa malaking bintana ang nagbibigay ilaw sa paligid dahan dahan akong pumunta doon, nanlaki ang mata ko dahil kitang kita dito ang bintana ko tanging bintana ko lang ang nakikita ko sa pwestong ito ibig sabihin ay ang nag mamay ari neto ay yung lalaking laging nakatayo sa kinatatayuan ko at tama nga na ako talaga ang tinitignan niya

Lalabas na sana ako ng may mainit na kamay ang pumigil sa aking braso, sana pala ay hinanap ko muna ang switch ng ilaw hindi itong may nararamdaman nalang ako may nakahawak sa akin, mukhang mahuhuli na ako i mean nahuli na ako dahil may nakahawak na sa braso ko, hinawakan ko ang kamay ng taong nakahawak sa akin.


"Wala akong kinuha dito, naglibot lang ako" sabi ko



Hindi ko pa din naaaninag ang mukha niya dahil nasa madilim siyang part tanging ako lang ang nasisikatan ng liwanag ng buwan



"You don't steal anything?" ang baritonong boses niya ay nagpatindig sa balahibo ko, para siyang lobong handang kainin ang putaheng nasa harapan


"O.....oo" tangina bakit ka nauutal Archery?!



"Really......? i don't think so.....because i know you stole something from me" bakit ba ang tigas ng ulo ng lalaking ito? pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakahawak pa din saakin "............you stole my heart!"



Ngumiwi ako, tangina bakla ba ito? aba naloko ako, umatras ako ng bitawan na nito ang braso ko, nakaharang siya sa pinto kaya hindi ko magawang tumakbo papunta doon at sa bawat segundong pananatili ko dito ay naaamoy ko ang mabango nitong amoy, pinaghalong mint at chocolate malamig din dito sa loob ng kwarto.



Inayos ko ang nagtatakip sa mukha ko tanging mata lang ang nakikita sa akin at wala akong balak tanggalin ito baka i massacre ako ng lalaking nasa harapan


"Stop hiding yourself from the beast in front of you......" humakbang ang isang paa nito papalapit sa akin hanggang unti unti ko na itong maaninag, nagpigil ako ng pagsinghap ng umupo ito sa harapan ko at inilapit ang mukha sakin

Maganda ang panga niya, namumula ang manipis na labi, sobrang puti kasing kulay na niya ang papel, magulo ang itim na buhok, sobrang tangos ng ilong, ngayon lang ako nakakita ng kapwa ko tao na biniyayaan ng perpektong mukha. Wow, may paborito talaga si Lord.


Pinigilan ko ang maugat niyang kamay ng makita kong hahawakan na nito ang nagtatakip sa mukha ko, tignan mo ito hindi man lang naiilang na ang lapit niya, nilalapit pa talaga niya ang mukha saakin kahit kunti nalang ang espasyong natitira


"I'm not going to eat you.." paos niyang sabi


"Aalis na ako kaya lumayo ka na sakin" mabigat na kamay niya ang lumapat sa balikat ko dahilan ng pagkakaupo ko muli


"Palalabasin kita kung tatanggalin mo ang nagtatakip sa mukha mo" nakita ko ang nakangisi nitong mukha "never mind, alam ko kung sino ka, mula ulo hanggang paa ay alam na alam ko at tandang tanda ko. Archery Llysander"


"W...what?!" nabigla ako ng tanggalin niya bigla ang nagtatakip sa mukha ko parang nag slow mo iyon saakin hanggang sa magkatitigan kami, tinapon lang niya sa gilid nagtatakip sa mukha ko



"What a nice view.....but baby this is not the right time, i need you to sleep now" nabigla ako at hindi nakapag react ng may tinakip sa bibig at ilong ko



"May nahuli kami...."


"So nagkita na kayo sa wakas..."



"Ayy nakatulog?!"


"Dalhin niyo na siya sa dorm niya kailangan na niyang magpahinga..." umangat ako sa sahig, pumikit na ako dahil sa panghihina hanggang lamunin ako ng dilim



(Chapter 6: edited) 

Run Through Walls(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon