RUN49

6K 173 106
                                    

Nagising ako ng maramdaman ang mabigat na nakadagan sakin ngayon at nakita ko si Hugo na mahimbing na natutulog saking ibabaw kaya napangiti na lamang ako at napailing, tinakpan ko ang mata gait ang aking braso bago umayos ng higa, nakakalungkot mang isipin na pati ang mga ala ala naming dalawa noon ay hindi ko matandaan....
Isang linggo na ang nakakalipas, patagal ng patagal ay nahihirapan na ako


"Sayo ko ito sasabihin at ikaw na ang mag desisyon kung sasabihin mo sa mga kaibigan mo ang tungkol sa sakit mo" kunot noo kong tinignan ang Doctor


"Anong sakit ang sinasabi niyo? sakit sa ulo?"


"You have a Brain tumor Archery hindi na kayang tanggalin pa dahil baka manganganib ang buhay mo, you only have a week to fulfill all your dreams.....im sorry" ilang minuto akong napatulala sa kisame at hindi agad maproseso saaking utak ang sinabi ng Doctor "malakas ang impact ng pagkakatama sa ulo mo at hindi agad naagapan....."


"Kung ganon hihintayin ko nalang na m....mamatay ako?" Wala sa sariling tanong ko


Tumango ito at hinawakan ang aking kamay


"Kailangan mong magpakatatag, kilala ko si Hugo.....kaya hindi ko sinabi sa kanila" ngumiti ako


"Mabuti na iyon"


Pinigilan ko ang namumuong luha saking mga mata at ang pag singhot ko dahil ayokong makita ni Hugo na umiiyak ako, ayokong mag alala siya sakin tama na ang ilang taon na ganon ang naramdaman niya


"Marco mag usap tayo...." tumango ito nagpaalam muna ako kala Hugo at hinila papalayo si Marco


"Ano ang sasabihin mo ang layo na natin" kinuha ko saking bulsa ang susi ng malaking bahay dito sa isla at binigay sa kaniya iyon pati ang susi nang kotseng ginamit ko papunta sa Inigo ay binigay ko sa kaniya


"Alagaan mo si Pamela kapag bumalik na siya dito sabibin mo sa kaniya na humanap siya ng lalaking magmamahal sa kaniya higit pa sa pagmamahal na binibigay ko, lalo na kay lola Taz alagaan mo siya para sa akin"


"Alonso pare ano nanaman bang drama to?" Natatawa niyang tanong, naguguluhan sa mga lumalabas sa aking bibig


"Basta sundin mo nalang ang sinasabi ko"


"Kailan ka ulit bibisita?" Bumuntong hininga ako tsaka siya tinapik sa balikat


"Araw araw ko kayong babantayan" bulong ko kaya hindi nito narinig


Napangiwi ako ng biglang sumakit ang aking ulo, niyakap ko ng mahigpit si Hugo na mahimbing parin ang pagkakatulog, ngumiti ako at hinalikan siya sa ulo......


"I'm going to miss you......" mahina kong sabi "love again Hugo....humanap ka ulit ng lalaking mamahalin ka ng sobra at pahahalagahan ang nararamdaman mo, sorry for breaking your promise dahil kahit na anong gawin ko hindi ko kayang manatili sa tabi mo.....because I'm going to die, im not going to be with you in the future, I want to be with you but I can't"


Napatingin ako sa pumasok sa kwarto, namamagang mga mata ni Tyson ang nasilayan ko pati na sila Cypher na nakatingin na sakin at tila nagmamakaawa, nginitian ko sila alam na nila sinabi ko na sa kanila, nangako naman silang hindi nila sasabihin pa kay Hugo ang sakit ko, napangiwi muli ako ng parang binibiyak ang aking ulo kumapit ako ng mahigpit kay Hugo saka siya paulit ulit na hinalikan sa labi, hindi na ko muli pang mararamdaman ang kamay niyang humahawak sa akin ang labi niyang lumalapat sa akin lalo na ang init ng kaniyang yakap, naramdaman ko ang paggalaw nito halatang nagising


"Hug me.....stay there Hugo" nanghihina kong sabi


"Are you ok baby? your panting....." nag aalala niyang tanong


"Always r....remember that i love you, b...babantayan kita kahit nasa malayo na ako i...i'm going to protect you"


"What are you talking about baby?" Tatayo na sana ito ng umiling ako at mas niyakap pa siya ng mahigpit


Tumingin ako kala Cypher na lumapit na samin kaya paulit ulit ng nagtatanong si Hugo sa nangyayari ngayon


"Alagaan niyo si Hugo, i...intindihin niyo ang u..ugali niya"


"We will Archery, we will" Ellio said


Hindi na makapagsalita sila Tyson at Cypher dahil sa kakaiyak habang si Mc ay hinawakan ang aking ulo saka ginulo ang aking buhok


"Salamat noon sa mga araw na nag aaway tayo, hindi mo man maalala but let me tell you this.....im so proud to meet you Archery"


Sa pagbagsak ng aking talukap ay ang pag tayo ni Hugo at pag alog niya saking katawan na nanghihina na....i want to hug him more pero namanhid na ang katawan ko at hindi na ako makagalaw pa. Im going to die right now, the world it's so unfair kung kailan maayos na ang lahat nagkaintindihan na kami at nagkita, mauuwi sa wala, but I'm happy and lucky to have him nawala man siya saking ala ala ngunit kilalang kilala siya ng aking puso


Tyson Gavin


Ellio Sebastion


Cypher Delo santos


Mc delo santos


And  lastly Hugo Sullivan


Tatatak sila sa aking puso at isipan.


"Baby wake up!!" bumagsak sa aking pisngi ang butil ng luha na nanggagaling kay Hugo


binuka ko ang labi "till we meet again"


The end.

Run Through Walls(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon