Nilalaro ko ang ballpen na hawak habang nakatingin lang sa bintana, kahit anong gawin ko ay walang pumapasok na lesson sa utak ko kaya mas pinipili ko nalang na huwag makinig, ilang araw na din ang lumipas ng magsama sama ulit kami sa mall at hindi ko na ulit sila nakita na pinagpapasalamat ko naman dahil walang gumugulo sa buhay ko......
Matapos ang lesson ay tumayo na ako at lumabas na, nakita ko ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa gilid kaya lumapit ako doon at nakita ang isang ay itsurang lalaki na tumutugtog ng gitara hindi namin marinig ang boses nito dahil nakasarado ang lahat ng bintana at pinto, matangkad ito halata kahit nakaupo, pula ang buhok at kita ko ang tattoo niya sa leeg hindi masyadong malaki at bagay iyon sa kanya.
Napailing nalang ako at aalis na sana ng makita ko sila Hugo at ang tatlo pa sa loob kasama ang lalaking pula ang buhok nagulat pa ako ng makita ako ni Tyson tinakbo nito ang pintuan saka ako hinila papasok at sinarado ang kurtina kaya hindi na kami makita ng nasa labas sobrang lamig dito at amoy na amoy ang mga pinaghalong pabango nila
Tumingin ako lalaking pula ang buhok na pinasadahan ako ng tingin, mas may dating ito kung malapitan parang katulad lang din siya ni Ellio walang emosyon ang mukha at seryoso
"Siya pala si Mc Quin Delos Santos pinsan ni Cypher at Mc si Archery Llysander kaibigan namin" ani ni Tyson
"A Llysander....." ngumisi ito "alam mo bang patok sa tenga ko ang apelyidong iyan?"
May binulong si Cypher dito na nagpaikot sa kanya ng mata, patok talaga sa tenga mo ehh kilala si dad sa buong mundo dahil sa yaman pero ang hindi alam ng mga tao na mayaman dahil binenta ang sariling anak......alam kong masama talaga nag loob ko kay dad dahil sa ginawa niya sobrang masama ang loob ko sa kaniya.....
Umupo ako sa tabi ni Cypher na nasa mahabang couch at nginangatngat nanaman ang toothpick hindi ito nauubusan ng toothpick siguro ay pag pumasok ako sa kwarto nito puro box ng toothpick ang makikita ko kung walang toothpick, gum naman ang nginunguya
"that's your rival....." sabi nito saakin
"Rival?'
"My cousin your rival, may gusto siya sa kaibigan ko" kumunot ang noo ko "alam na din ni Mc na ikaw ang gusto ng taong gusto niya kaya ako na ang humihingi ng tawad sa inasta niya kanina"
"Hindi na niya kailangang umasta ng ganun dahil wala naman akong gusto sa kaibigan niyo" he tsked saka ako tinignan
"Alam mo ikaw lang ang lalaking hindi agad nagkagusto diyan sa kaibigan ko"
"Alam niyo naman din na straight ako......" napatingin ako sa harap nakita ko silang dalawa na nagtatawanan ngayon ko lang din nakitang tumatawa ng ganyan si Hugo, nag iwas ako ng tingin
"Kaibigan lang kaya kong maibigay sa kanya kaya sagutin na niya ang pinsan mo"
"Tsk" yun lang ang sinagot niya at bumalik na ulit sa ginagawa
Si Hugo ay tinuturuan ni Mc sa pag gigitara halata din kay Mc na dinidikit nito ang dibdib sa likod ni Hugo, kita ko ang pag ngisi ni Mc......
Tsk siya ayaw niya akong palandiin sa iba tapos siya hahayaan niyang makita ko siyang lumalandi? tsk inis na pinanood ko sila ang lapit na ng labi ni Mc sa pisngi ni Hugo, tumayo ako at lumabas nalang ng kwartong iyon.....
Bagay naman silang dalawa kaya sana naman ay siya nalang ang kulitin ni Hugo
Pumasok na ako sa dorm ko at naghubad ng uniform at tinira nalang ang pants tsaka pumunta ng kusina para kumain, nagpainit ako ng tubig at nagtimpla ng kape, kumuha ng isang slice bread bago nagpalaman, sumandal ako sa sink at nagsimulang kumain kailangan ko na talagang mag aral sa pagluluto dahil gusto ko ng kumain ng lutong bahay.....
"Nandito kalang pala....." pinanood ko si Hugo na pasadahan ako ng tingin, nakita ko pa ang paglunok nito at pag iwas ng tingin
"Bakit nandito ka?"
Binuksan nito ang ref ko at ilang mga cabinet.......
"Ipagluluto kita nabalitaan ko kasi na hindi ka marunong magluto, what do you want me to cook?" umiling ako
"Busog na ako hindi ko na kailangan ng luto mo" napapikit ako sa malakas na pagkulo ng tiyan ko, traydor. Kita ko ang pag ngisi nito at kumuha ng ilang ingredients sa tingin ko ay spaghetti ang lulutuin niya, buti naman at bumili ako ng mga stock kahit na hindi ko marunong magluto
Nagsimula na itong magluto pinapanood ko lang siya, minsan ay napapakagat ako ng labi sa bango ng niluluto niya, ang tagal ko na ding hindi nakakain ng spaghetti yung last ay yung papaalis na ako ng bahay para pumunta dito sa Sullivan I miss yaya's cook it's so yummy and tasty
Inubos ko ang kape ko at nilagay na sa sink, pumunta na ako ng kwarto para magpalit ng damit kumuha lang ako ng sando at hinayaang naka boxer na lumabas....
Siya talaga ang may hawak ng duplicate card ko halata talaga dahil hindi naman siya makakapasok kung wala siyang card ng dorm ko ayun na din iyan sa sinabi ni Professor Pisces.
Matapos ng pagluluto ako na ang naghanda ng plato at umupo na sa upuan at tinikman ang luto niya, ahhhh so yummy magaling siyang magluto tangina muntik pa akong mabulunan dahil sa sunod sunod kong pagsubo kaya naglapag siya ng tubig sa harapan ko
"Tsk ginugutom mo ang sarili mo,you don't know how to cook look at you gutom na gutom ka" hindi ko ito pinansin "carefull......"
Dumighay ako matapos kong kumain, damn mukhang ako lahat ang umubos sa hinain niya sabagay mukhang hindi naman siya gutom dahil tinitignan niya lang ako
"Anong masasabi mo?"
"masarap" sagot ko, yun naman ang totoo ehhh
"Tumira ka sa mansion at ipagluluto kita kahit ano at kailan mo gusto"
"No thanks, order nalang ako ng makakain" napailing ito "ang gulo niyo doon I mean.....you know hindi kayo straight na magkakaibigan kaya ayoko doon tsaka gusto kong mapag isa"
"Mc Quin is not straight too at dagdag siya sa pagtira sa mansion marami namang kwarto doon" napatigil ako sa paghimas ng tiyan, ano namang paki mo Archery? ayaw mo nun magkahulogan silang dalawa ng loob sa isat isa?
(Chapter 16: edited)