RUN5

4.8K 215 10
                                    

Ilang araw na simula ng mabalita na nawala nalang biglaan si Clarity ang babaeng naka sex ko sa abandonadong room, maraming nagsasabing baka nagalit ang master nila kaya naisipan nanamang magparusa, may mga ibang nagalit sa master na sinasabi nila kulang nalang ay mag rally, sino ba talaga ang master nila? naiinis na ako tuwing may mga naririnig akong pag uusap tungkol doon wala kasi akong ka ide-ideya sa mga taong nasa paligid ko pati na ang mga nalalaman ko, hindi ko din naman makita si Professor Pisces sa office nito may ginagawa daw kaya hindi ko din malaman ang mga sagot sa tanong ko



Kinagatan ko ang burger na binili at naglakad lakad, walang magawa sa dorm ko nakakabagot para na akong mababaliw dapat pala ay mas pinili nilang dalawang tao sa isang dorm, sinipa ko ang batong natapakan at napaangat ng tingin sa kalangitan, papadilim na kailangan ko ng bumalik sa dorm ko at baka madala pa ang paa ko sa bar na malapit lang sa kinaroroonan ko, talagang mahilig akong pumunta ng bar kukuha doon ng sexy na babae iinom kaming dalawa hihintayin ko siyang malasing tapos pupunta kami ng motel then sexy time again.


Actually kahit hindi malasing ang babae kusang bibigyan nila ako ng motibo kaya sino ba naman ang tatalikod sa grasya, right?

Tatapak na ako ng hallway papuntang dorm ng may humawak sa puwetan ko at pinisil iyon matutuwa na sana ako baka babae iyon kaso pagkaharap ko asul na buhok ang bumungad saakin, maganda ang pagkakangisi nito at may toothpick na nginangatngat


"Tangina bakit mo iyon ginawa?!"


"You have a nice ass.." kumuyom ang kamao ko at akmang susuntukin na siya ng pigilan niya ang kamay ko at binaba iyon ng walang kahirap hirap


"Ginagago mo ba ako? bastos ka ba? tangina hawakan mo yung puwet mo at huwag mong hawakan ang akin" tumawa ito, pamilyar siya......



"Oh bastos? ako? hindi naman ako yung lalaking magpapahila sa isang babae at pupunta sa isang kwarto para makipag sex" nginisian ko siya


"Lalaki ako may pangangailangan kaya yung nakita mong ginawa namin ay wala ka na don, humanap ka ng babaeng hihila din sayo kung gusto mo" tumalikod na ako dito ngunit naramdaman ko nalang na pinigilan niya akong makahakbang dahil hawak lang naman nito ang laylayan ng shirt ko, marahas akong lumingon sa kanya "ano ba talagang problema mo?!" sigaw ko dito


"Ikaw ang problema i mean may haharapin na problema.."


"Nan ti trip ka ba?" umiling ito at tinapon nalang kung saan ang toothpick na nginangatngat at kumuha ng gum sa bulsa at yun naman ang nginuya


"Maybe? im Cypher Delo Santos"



"Ano namang paki ko?!" gustong gusto kong bangasan ang mukha ng lalaking ito, nabubuysit ako sa ngisi niyang akala mo siya na ang panalo saaming dalawa



"Nagpapakilala lang ako pare, baka kasi pag nagpakita na siya may matatakbuhan ka" tumawa ako at mabilisan siyang sinuntok sa panga, tumagilid ang mukha nito at dahan dahang hinawakan ang nasapok ko


Akala ko ay babawi ito saakin kaya hinanda ko na ang sarili ko pero tinignan lang ako nito ng masama at tumalikod na, binaba ko na ang nakakuyom kong kamao at napahilot ng sintido ang dami talagang taong nakakabanas at gustong gusto mo ng puruhan putragis nakakapagod ang isang iyon, tumalikod na din ako at nagsimula ng humakbang


Pagod akong humiga sa kama at pumikit, tangina ama ko ba talaga yung lalaking nagpapasok saakin dito? hindi man lang tumawag saakin, yung secretary lang niya ang tumawag at sinabi na naghulog daw ng pera si dad sa bangko ko.

Kinabukasan ay tatamad tamad akong pumasok, biyernes na nga lang ngayon pa ako tinamad?


Walang pumapasok sa utak ko, gusto ko ng mag skip.......dapat nga ay vacant ngayon dahil biyernes ganun dapat kaso ay mukhang hindi napapagod ang mga nagtuturo sa amin, kaya ng matapos na ang pagtuturo at nag ring na ang bell ng campus ay magsilabasan na kami, pumunta agad ako ng canteen at naghulog ng coins sa bending machine at pumili ng maiinom.


"Bago ka palang dito bata?" lumingon ako sa nagsalita, magkasing laki lang kami ang daming tattoo sa braso at ang daming piercing.....


"Oo bago palang ako, bakit?!" yumuko ako para kunin ang coke in can na pinili

"Gusto mo bang sumama?" may dalawa pang lalaking lumapit sa amin tingin ko ay kasamahan niya iyon may itsura yung isa sa kanila walang tattoo pero may piercing sa tenga


"Saan naman?"


"Sullivan mansion..." nagpanting ang tenga ko sa mansion na lumabas sa bibig ng lalaking kaharap, ngumisi ito ng makita ang reaksyon ko "sa tingin ko ay papayag ka"

"Oo pero kailan ba iyan?" nilibot muna nito ang tingin sa paligid at ngayon ko lang napansin na may mga lalaking naka itim na uniform sa tingin ko ay mga guards nakatingin sila sa akin parang hinihintay ang galaw ko


"Mamayang gabi....." tumango ako ng palihim saka ngumisi at lumabas na ng canteen nilukot ko ang papel na binato sa akin ng lalaki at tinago iyon sa bulsa yun daw ang number niya at magkita kita nalang kami sa harapan ng campus magsuot daw ako kung maari ng mask o kaya yung hindi mahahalata kung sino ako



Napapatingin sa akin ang mga babae yung iba ay lihim akong pinapasadahan ng tingin at kakagat sa labi, they look hungry......nagulat ako ng bigla nalang sumulpot sa harapan ko si Tyson the trespasser guy malaki ang ngiti nito para siyang batang may hawak na laruan


"Anong problema mo nanaman?" sabi ko saka ito marahas na ginilid dahil nakaharang siya sa daan ko


"Minsan magsariling sikap ka nalang para hindi na magalit ang nag mamay ari sayo" hindi ko ito pinansin, magsariling sikap your face.....buhay ko ito isa din ba ito sa mga nakakita sa akin ng may ka sex ako? "hindi ka ba nagtataka sa mga sinasabi namin sayo?"


"Kung may sira ka man sa ulo pare huwag ako ang guluhin mo" tumawa ito saka ako inakbayan, close ba kami?! tinulak tulak ko siya ngunit mapilit siya at mas lalo pa akong inakbayan


"Poor bait.."


"Hindi ako pain!!"


"Relax to naman gusto ko lang makipagkaibigan at the same time bantayan ka at baka may kung ano ano nanamang kalokohan ang pasukin mo talagang mas magwawala iyon nasa taas" nagulat ako ng makita sa isang gilid si museum guy kasama ang humawak at pumisil sa puwet ko na nakatingin saamin "babantayan ka namin"

"Ano bang pinagsasabi mo?!" tinulak ko ito this time nakabitaw na siya saakin


"Sige bye...tandaan mo maraming mata ang nakabantay sayo" tumawa ito ng malakas saka pinuntahan ang dalawa pang inis sa buhay ko




(Chapter 5: edited)

Run Through Walls(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon