Chapter 13: Beautiful

43 7 0
                                    

Paggising ko kinabukasan, ako na lang ang mag-isang nakahiga sa banig. Napaupo ako kaagad. Nakakahiya! Nag-alarm naman ako nang maaga pero ako pa rin ang nahuli.

"Good morning, 'neng. Kain ka na. Nakikipaglaro si pogi sa mga bata sa labas," sabi ni nanay Linda nang mapansin ako. I could only assume that she meant Reider.

"Sige po. Salamat nay," ngiti ko. Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa labas para puntahan sila. Napapangiwi pa ako dahil sa pagsakit ng ankle ko.

Naabutan ko silang naglalaro ng bente-uno. Malaki ang ngiti ni Reider. Naniningkit ang malalim niyang mga mata, and I couldn't help but notice his single dimple showing up. Umangat ang tingin niya sa akin at kaagad napawi ang ngiti niya.

"Ateeee!" Tumakbo ang mga bata papunta sa akin nang napansin din nila ako. Nilipat ko ang tingin ko sa kanila at sinubukang ngumiti.

"Why are you outside?" naka-poker face na tanong bigla ni Reider.

"Gusto kong manood sa inyo eh," I answered as a matter of fact. I tried to hop closer to them but I stumbled.

"Tsk," ani Reider habang nakakunot ang noo na lumapit sa'kin para alalayan ako. "You should've just stayed inside. You're still unwell."

Sasagot na sana ako nang naunahan ako ng mga bata. "Ayieee! LQ silaaaa!"

Huh? LQ? As in lovers' quarrel?

Malaki ang ngiti ng mga bata na tila kinikilig. "Dali itanong mo na," bulong ni Leila kay Biboy habang sinisiko-siko niya pa ito.

Lalong kumunot ang noo ko. Ang ano?

Biboy then smiled as he looked at us sheepishly. "A-ano... kuya Reider... gerlpren mo ba si ate Jillia?"

Nanlaki ang mga mata ko. How did they even come up with that conclusion? "Hin—"

"No," malalim at casual na sagot ni Reider. "May iba akong girlfriend, and she has someone too."

Napalunok ako as I forced myself to smile. "Tama. Kaya wag nang kung ano-anong iniisip niyo kids, okay?"

Bumaligtad naman kaagad ang ngiti ng mga bata at tila disappointed ang kanilang mga mata. "Ay... akala ko pa naman magsyota kayo..." nakangusong sambit ni Leila.

Magsyota?! Lord, hindi ko kinakaya ang lumalabas sa bibig ng mga batang 'to.

"Weeeh! Eh ba't parang sweet ka sa kanya, kuya? Ikaw din ate!" dagdag na tanong pa ng batang si Biboy.

Reider chose to ignore the question. He looked at me instead and said coldly, "just go back inside."

I made a face. "Fine."

Habang pabalik ako sa loob ng bahay, napaisip ako. Kami ni Reider? Sweet? Sa isa't isa? Was that really how it looked like to others?

Saka... bakit ba ang sungit na naman niya? Ever since what happened last night, it's as if we're back to the old times. He's back to being indifferent, rigid, and distant.

And I didn't know why, but I didn't like it. I was so bothered and confused and... guilty... and I didn't even freaking know why.

Cupid's OutlawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon