Chapter 6: Pretense

62 21 6
                                    

I haven't heard from Spade since what happened yesterday. He tried calling me numerous times after their gig last night, pero hindi ko pa ito magawang sagutin. I tried telling myself to just forget about the argument and answer his call like always, but it's really not easy to fool one's self.

It was during our Statistics class when a 12th grade senior guy knocked on our door. Huminto sa pagsasalita ang professor namin. Sumilip ang lalaki at magalang na nagsalita. "Good afternoon, Sir! May nagpapabigay lang po kay Jillia Fuentes."

Nanlaki ang mata ko. Sa'kin?!

Nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko. Kinakabahan naman akong sumulyap sa professor ko. Shocks! Baka ako pa ang sisihin nito sa pag-istorbo sa klase niya.

Sino ba kasing may lakas ng loob na magbigay sa akin ngayong oras at sa classroom pa mismo? Was it Spencer? Or was it one of those guys who always leave gifts in my locker?

If it's one of those admirers at napagalitan ako dahil sa kanya, naku talaga, malilintikan siya sa'kin!

Tumingin sa akin ang prof ko at sinenyasan ako na lumapit doon sa senior. Napalunok ako. Okay... at least he doesn't seem so pissed off...

Tumayo ako at nakayukong tumawid papunta sa pinto. As soon as I stepped out of the room, the senior handed me a carton shoe box tied with a pink ribbon.

"Kanino galing 'to?" I asked the stranger.

He smiled. "I don't think he's from here. Hindi naka-uniform eh, and he's wearing shades. Tinawag niya lang ako near the gate. He said it's an urgent favor and I see no harm naman sooo," he shrugged.

Nanliit ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. It's from Spade, then?

"Jillia Fuentes?" tawag niya sa atensyon ko. Tiningala ko naman siya.

He smirked as he glanced at the box. "I thought you're single? At least that's what I heard," malisyoso niyang kumento.

Eh? Medyo nagulat ako sa tanong niya. Why was he suddenly bringing this up? In the first place, I had no idea who he was...

Lumunok ako. I wanted to tell him: 'Well, you thought wrong.'

But I knew very well I could never say that.

"I am," mabilis na pagsisinungaling ko.

"So that's from a suitor? Nice, then it wouldn't hurt if I introduce myself, would it?" he cracked a grin. "I'm Daniel," biglang pagpapakilala niya sabay abot ng kamay sa akin.

Tinanggap ko na lang ito at pilit na ngumiti. "Salamat sa pag-abot nito," sabi ko na lang at pumasok na ulit sa classroom.

Napatingin ulit sa akin ang buong klase. Habang naglalakad ako pabalik sa upuan ko ay nakita kong nakatingin si Schreider sa hawak kong box.

"Yun oh, daming manliligaw," mahinang pang-aasar ni Klay nang makabalik ako sa upuan ko.

"Galing kay Daniel?" bulong ni Adam mula sa likod ko. Saglit na huminto sa pagno-notes si Schreider para makinig sa pang-aasar ng mga tropa niya.

I glanced at Adam. He knew that guy? Hmm, then it's safe to assume that that Daniel guy was a cool kid, too.

"Hindi, may nagpaabot lang sa kanya," paglilinaw ko.

Cupid's OutlawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon