CHAPTER THIRTEEN

25 4 2
                                    

Sofie's POV

As I left my brother alone in living room, I went to the kitchen where I found my cousin who's cooking and mixing something on the pot while asking Lene to bring the ingredients to her. Habang si Dexter and Vince naman ay inililigpit ang mga kalat na ginawa nung dalawang babae.


"They're seems busy cooking for our dinner." I mumbled to myself, but they didn't notice me so I just left the door frame where I'm leaning at and went to my designated room.


Kumuha ako ng towel sa cabinet na nandoon tsaka lumabas at tinungo ang banyo para maligo. Patungo ako sa banyo nang madaanan ko ang silid na kahit sa dating bunker na tinitirhan namin ay hindi ko pinapasok dahil wala naman ako makukuha doon dahil ang laman lang ng silid na iyon ay puros mga alak.

Nakabukas ng bahagya ang silid pero hindi ko na binigyan ng pansin dahil alam kong isa sa mga kasama ko lang naman ang nakapasok doon. Hindi nga lang ako sigurado kung sino sa kanila.

Tinungo ko na ang banyo tsaka naligo. Nang makapagbihis na ako ay lumabas agad ako para hanapin si Jacob.

Nakapulupot ang towel sa buhok ko habang tinungo ang sala kung saan ko siya iniwan kanina ngunit wala siya doon kaya pinuntahan ko ang monitoring room.

Nakita ko agad si Jacob pagkasilip ko sa salamin ng pinto kaya binuksan ko agad ito at akmang papasok na sana nang may maramdaman akong may tao na nakahilig sa dingding habang matiim akong tinititigan.

Pagkalingon ko sa pwesto niya ay nakita ko ang seryosong mukha ni Karma. Hawak-hawak ko pa rin ang doorknob nang walang emosyon siyang nag salita siya.


"Can I talk to you?"


Hindi ko alam kung bakit pero biglang umiba ang mood ko.


"If you're just going to say that we need to leave, don't worry we'll do that. Bigyan mo lang ako ng oras para jan. Kailangan ko pang kausapin at kumbinsihin ang kapatid ko para sumama siya sa akin." pagsusungit ko.


Ngayon ko lang din napansin ang itsura niya. He's wearing white v neck t-shirt na hapit na hapit sa katawan niya-partnered with black shorts. Mukhang kakaligo lang din niya because his hair is wet and the water is dripping down to his face, shirt and on the floor. He maybe didn't use a towel to atleast dry his hair. Plus the fact that he's leaning against the wall with his cross arms while looking to me seriously is... quite attractive.

But that doesn't change the fact that he's arrogant, intimidating, and he hates me--me and my brother specifically.

My eyes focused again to him after examining him.


"Is it Yes or a No? Just choose between the two." 


I wonder why he's smiling like that.


"Or a." pilosopo kong sagot.


"What?"


"I said, Or a."


Binitawan ko ang pagkakahawak sa doorknob at maayos ko siyang hinarap nang mabasa ko ang pagkalito sa mukha niya. Nag cross-arm din ako tsaka tinignan siya from head to toe.

The VIRUS (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon