CHAPTER FOURTEEN

17 4 2
                                    

Naguguluhan ako.
Hindi ko gets kung bakit nakasama ang exact name ni Papa sa video. Member ba siya doon? Kung member nga siya, kelan pa? At bakit hindi man niya ito nabanggit sa akin noon? Tsaka kung ang objective ng organisasyon ay alisin ang virus sa ulan or should I say na kalabanin ang HQ, bakit hindi pa nila napapahinto ang HQ hanggang ngayon? Ganun ba kahirap kalabanin ang HQ kaya hanggang ngayon ay nakakamatay pa rin ang ulan pag tumama ito sa balat ng tao?


"huy!"


"Ay! Jusko po opo!" pasigaw kong sabi tsaka tinignan ko ng masama ang taong bigla nalang sumulpot sa gilid ko. "Ano bang problema mo at bigla ka na lang nanggugulat jan ha? Vince?"


Basa ang buhok niya at malamang kakaligo niya lang panigurado dahil naaamoy ko ang shampoo at sabon na ginamit niya. Nakasuot siya ng black tshirt na hapit sa katawan niya at kagaya ni Karma ay nakasuot lang din siya ng shorts. Nakadikit din sa mukha niya ang ngiting mapipikon ka dahil tila nang-aasar siya pero hindi mo mahahalata na nang-aasar siya dahil natural lang sa kanya ang nakangiti. Gets mo? Hehe.


"Napaka seryoso mo kase kung makatitig ka jan sa harapan mo. Grabe, ang lalim mong mag isip. Ni hindi mo nga ako napansing nakapasok na pala ako dito!" sabi niya, "Teka, ano ba yang pinapanood mo?"


Hindi ko siya sinagot at hinayaan ko na lang siyang ireplay ang video na napanood ko.


Ilang minuto pa, "Hmm? Diba Davidson apelido mo?"

I nodded.


"So kaano-ano mo si Isaac Davidson at bakit nakasama pangalan niya dito?"


I look at him as I sighed heavily tsaka ako tumayo mula sa pagkakakaupo at naka krus ang braso ko siyang sinagot. "He's our father. And I'm trying to figure it out kung bakit kasama ang pangalan niya jan kaya ako nakatunganga at hindi ko napansin ang pagpasok mo dito." may bahid na sarkasmo kong sagot.


"Ang sungit mo naman. Hindi ba pwedeng sagutin mo ako sa tanong ko ng walang bahid na sarkasmo?" He said and he approached the cabinet full of snacks and he get two.


"Catch!" he shouted as he throw the chips on me as he walks to the nearest armchair and he seated down.


Mabuti na lang at na-catch ko ito. "Napakabastos. Hindi ba pwedeng iabot ang pagkain ng maayos?" I murmered as I silently glaring at him. "Teka nga, bakit ka ba nandito?"


"I was checking the area. Nakasanayan ko nang gawin yun simula nung mabuo ang grupo."


"So lumabas ka ng bunker?"


"Yeah, Why? Are you concern that something bad might happen to me while I'm outside?" he teasingly said while he's chewing his chips. "Ayiieee ikaw Fie ha? Baka may ano ka na para sa akin hindi mo lang maamin-amin. Amin na woii! Hahhahaha"


"Ano naman kase ang aaminin ko? Tsaka wala naman akong kailangang aminin noh?"


"Talaga lang ha? Hindi mo aaminin na gusto mo ako?"


"At sino ba naman kase ang nagsabi na may gusto ako sayo aber?"

The VIRUS (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon