23
"HAPPY FIRST monthsary, baby!" I shouted when she stepped out of their house. I ran towards her and gave her a tight hug.
I went to their house to surprise her, as early as this. I texted tita and tito Alvarez about this and luckily they didn't stop me.
"Baby, it's been a month since we became an official couple." I was smiling her so big and genuinely when she hit me at my stomach.
Sasabihan ko sanang china-chansingan ako pero masakit siya, kaya sa tingin ko hindi yon chansing.
"Why'd you do that?" napalabi ako dahil hindi yon ang inaasahan kong pagbati mula sa kanya.
"You shameless, it's just twelve in the midnight. And you bother to wake me up just to greet me happy monthsary?"
Nagpintig ang tainga ko dahil sa sinabi nito. Ano daw? "Did I heard it right? Did you just say 'just'?" napanguso ako dahil jina-just niya lang ang pagbati ko sa kanya ng 'Happy Monthsary'. "Ang sama mo!" hindi ito umimik kaya inirapan ko habang nakapalabi. "Hindi pala importante ang monthsary sayo! Ang sama mo. Hindi mo man lang naisip ang effort ko. Ang sama!" hindi ko napigilan ang bugso ng aking damdamin na isigaw ito sa kanya.
What an unromantic woman.
Umirap akong muli at walang pakundangang tumalikod sa kanya. Naiinis talaga ako, naki-usap pa ako sa mga magulang niya na gisingin siya sa gitna ng gabi at utusan siyang lumabas. At kahit na kinakabahan ako naki-usap ako na kung pwede siyang ipasyal sa gitna ng gabi para sa monthsary namin. Ang sama! Talaga 'just'? Hindi niya ba alam kung gaano kasakit ang salitang 'just'?
I swear mula ngayon hindi ko na bibigkasin yang salitang yan! Ang sakit sa loob! Ibabasura ko na ang salitang 'just', ayaw ko sa kanya! Sino ba ang naka-imbento sa salitang yan? Kakainis siya!
Dali-dali akong pumasok sa aking sasakyan at nagdalawang isip pa kung aandarin ko na ba o mag-sosorry nalang.
Pero napagdesisyunan kong umalis nalang. Inandar ko ang sasakyan at parang may pumipigil sa aking mga kamay at paa sa pagpapaandar nito.
Pinausad ko ang aking sasakyan ng sobrang bagal, nagbabakasakali na hahabulin ako ng baby ko kagaya ng napapanood sa TV. Pero malapit na akong makalabas ng kanilang village pero wala parin ito!
Tingnan niyo na? Wala talagang puso!
Ayaw ko na sa kanya! Ayaw ko na hihiwalayan ko na siya. Mag-text man, tumawag, i-chat o ano-ano pa diyan, di ko na siya papansinin!
Magmula ngayon wala na kami!
I'm breaking up with you Aemieh pangit!
Pinausad ko ang aking sasakyan hanggang sa nakarating ako sa bahay. I parked my car at the garage first before walking towards my room, pouting.
Kainis talaga siya!
Just? Just niya mukha niyang pangit! Oo pangit siya!
Inilagay ko sa ibabaw ng mesa ang cellphone ko at humiga sa kama na salubong parin ang kilay.
Hindi ko alam kung ilang minuto o maaari ring oras na akong nakatitig sa kisame habang hindi man lang naghiwalay ang salubong kong kilay.
*Brrr
Sa mabilis na kilos, mas mabilis pa sa alas-kwatro, hawak ko na ang cellphone ko nang mag-vibrate ito.
Oh, fvcking shit! Marupok amp!
Pero mas lalo lang akong nainis ng alarm pala yon sa madaling araw!
How dare you alarm! Pinaasa mo ako!
BINABASA MO ANG
Captivated By Her Beauty-THS1 (COMPLETED)
RomanceR-18 The HER Series 1 Open for young readers but not for close minded people. 😘 --- Way back in high school, Rieux Tarrou Castel is not a fond of approaching girls, all because he already swear to himself to not, not until he graduated college. And...